CHAPTER 43

2.8K 178 4
                                    

A/N: Bibilisan na natin para matapos na!

KINT'S POV

Pag katapos nung nag  yari sa canteen agad akong nag tungo sa classroom namin, rinig ko pa ang bulungan ng mga studyante pag nag lalakad ako, karamihan sa kanila ay natutuwa sa ginawa ko at yung iba naman ay hindi

Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa ni lang pansinin ang bagay na iyun

Pag pasok ko sa loob agad akong sinalubong ng kaibigan ko na si Tanya

Agad ako nitong tinanong ukol doon sa nag yari na hindi ko naman sinagot

Ilang minuto lang din yung lumipas ng dumating na yung guro namin kasunod noon si Xyrill na hindi maipinta ang mukha hindi ko alam busangot na busangot kasi ang mukha niya hindi ko rin mabasa ang mga kinikilos niya kasi alam kung may mali

"Okay ka lang?" tanong ko ng hindi na ako makapag pigil

"A-Ah O-Oo hehehe" sagot nito sa akin kaya naman nginitian ko na lamang siya

Minuto ang lumipas at parang balisa pa rin si Xyrill ilang saglit pa nagulat pa kami ng may biglang dumating na studyante sa classroom namin at hinahanap si Xyrill, kaya agad naman na tumayo si Xyrill at nag tanong

"Bakit?" tanong niya sa dalawang studyante at bahagya pang nag lakad palapit doon

"Ahh kuya pinapatawag po kayo ni Mrs. Peralta sa Guidance" sagot naman nung bata na sa tansya ko ay first year high school pa lamang, tinanguan lang naman siya ni Xyrill

Tumingin muna ito sa akin bago ito tuluyang lumabas sa classroom namin

Kaya nginitian ko na lamang din siya

Hindi ko alam pero nakaka ramdam talaga ako ng kaba,

Natapos 'yung klase at hindi na muli pang pumasok si Xyrill

Kaya nakaramdam talaga ako ng subrang kaba, nilibot ko na lang yung paningin ko sa kabuuan ng classroom namin at napa dako iyun sa upuan ni Andrea halata ang pag mamadali nito

Kaya naman  mas pinag katitigan ko pa siya, nawala ako sa pag titig sa kanya ng mag salita si Tanya

"Tayo na!" aya ni Tanya at hinawakan ko pa yung kamay ko

"Sandali lang" sagot ko naman at saka niligpit yung mga gamit ko nung natapos ako muli akong tumingin sa upuan nila Andrea ngunit wala na siya doon

Kaya naman nag pahila na lang ako kay Tanya papalabas sa loob ng classroom namin

"Matagal na rin tayong hindi nakapag bonding" biglang usal niya kaya naman napatingin ako sa kanya, kasalukuyan kami ngayon na palabas sa gate

"Iba na kasi ang may jowa!" pa rinig ko sa kanya

"Oo nga eh, si Charles kasi" sagot naman niya na umiiling iling pa kaya tinanguan ko na lang siya

"Ehh ikaw busy ka rin naman sa husband mo" usal niya kaya naman gulat akong napatingin sa kanya

"Husband ka dyan, Future Husband yun, at saka baka hindi na matuloy" malungkot kung saad kasi malabo na talaga na mag yare iyun lalo na't mag kaka anak na si King kay Andrea

"Gala tayo?" aya niya, alam kung iniiba lang niya ang usapan dahil alam niya ang sitwasyon ko

"Wala ba kayong date ni Charles?" tanong ko naman sa kanya, nag isip pa ito sandali bago sumagot

"Wala naman" anas niya na umiling pa

"Eh saan tayo?" tanong ko kasi wala naman akong alam na gagalaan

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum