MBFH-2√

9.7K 500 31
                                    

MBFH-2

KINT'S POV

Kinabukasan maaga akong nagising at nag ayos ng sarili para maka iwas ako sa mga bully, bakit ba kasi ako laging binubully
"Bakit nga ba?" tanong ko sa sarili kahit alam ko naman ang sagot binubully ako kasi bakla ako, at saka sa paningin nila ay panget ako at saka dahil na rin siguro sa status ko sa buhay

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili nag tungo muna ako sa kwarto nila mama para kumuha ng pera nag iwan talaga ng pera si mama para pangastos at pangbaon ko hindi ko lang dinadala lahat ang pera ko sa school baka kasi mag yari ulit ang nag yari sa akin dati, 'yung kinuha lahat ng pera ko

Pag labas ko ng bahay nilock ko muna ang pintuan at saka tinago ang susi sa ilalim ng paso

Pagkarating ko sa school tagatak ang aking pawis mainit kasi kahit umaga

Dumaan muna ako sa canteen para makainom, buti na lang mabait si ate at binigyan ako ng tubig

Pagkatapos kong makainom nag pasalamat lang ako at saka nag lakad ulit papunta sa room ko

Habang naglalakad ako papunta sa room ko naramdaman ko na lang nama'y tumama na matigas na bilog sa aking ulo dahilan para ako ay mapaupo

Araymahina kong daig dahil napalakas ata ang pag tama ng bola sa aking ulo samahan mo pa ng pag bagsak ng aking puwet sa sahig, agad kong tiningnan kung sino iyon pag tingin ko si King pala nag lalaro ng basketball kasama ang kanyang mga kaibigan

Nginisian lang ako nito sabay kuha ulit ng bola, tumayo na lang ulit ako at nag lakad  pagkarating ko sa room agad akong umupo sa pinakadulong upuan kung saan walang naka upo, napansin kong natangal ang pagkakasintas ng aking sapatos kaya yumuko ako at inayos ito, pero hindi pa man ako tapos mag sintas ng aking sapatos ng may naramdaman akong malapot na bagay na tumama sa aking ulo agad kong kinapa ang aking ulo, pag tingin ko spaghetti pala ang nasa buhok ko, agad akong tumungin kung sino ang may gawa nun sa akin, pagtingin ko nagulat pa ako kasi si Andrea pala ang may gawa noon, hindi na talaga ako titigilan ni Andrea, para siyang bata kung makaasta, minsan hindi ko na alam kung kanino ako maawa sa sarili ko ba o sa kanya kasi ba naman 21 years old na siya tapos ang mga action niya pang 15 years old

Lumabas muna ako nag classroom para linisan ang aking buhok sa Cr, tiningnan ko muna kung may tao ba sa loob, nang mapagtanto na walang tao sa loob sya namang pag pasok ko, ayaw ko kasi na papasok ako sa loob ng cr na may tao lalo na't mga lalaki iyun, Isipin pa nila nabinobosuhan ko sila kahit hindi naman, ganun talaga ang mga lalaki masyadong masama mag isip sa mga katulad ko na nasa ikatlong kasarian, nilapag ko muna ang aklat na dala ko at saka kinuha ang panyo ko sa aking bulsa para syang ipang punas sa aking ulo, tinanggal ko muna ang aking salamin sa aking mata at saka pinunasan, hinubad ko na rin ang aking t-shirt, nilagay ko ang aking ulo sa lababo at saka binuhay ang gripo, sobrang laglit ko na, kailan kaya ako titigilan ng mga bully lalo na si Andrea, paano pa kaya kung malaman ni Andrea na future husband ko ang boyfriend nya , siguro lalo na akong binully nun, napatigil ako sa aking pag mumuni muni ng bumukas ang pintuan ng Cr, kaya agad akong na patingin sa pintuan, Shock! Wala akong t-shirt naka sando lang ako agad kong hinanap ang aking t-shirt pero wala,saan ko ba nailagay 'yun?

Unti unting lumapit sa akin yung lalaking pumasok, shock! Wala akong aatrasan, palapit na sya ng palapit

A-Anong gagawin mo?” utal kong tanong hindi naman ito sumagot sa tanong ko at tinuloy ang kanyang paglapit sa akin

"K-Kuya" kinakabahan kong wika nang nasa harap ko na sya, pansin ko naman ang pag iba ng reaksyon niya.

Ito ata 'sis' ang hinahanap mo?tanong niya nang makabawi siya sa naging reaksyon niya, bahagya pa niyang itinuro ang ulo ko

Kaya agad akong napatingin sa tinuro nya at doon ko nakita ang damit kong nakapulupot doon, oo nga pala nilagay ko doon

pero teka, tinawag niya akong sis, tama ba ang pag kakarinig ko, mabilis ko muling ibinaling ang aking paningin sa kanya at doon ko nakita na nag lalagay ito ng lipstick sa kanyang mga labi

Tinitingin tingin mo, gusto mo tanong nito sa akin pansin ko pa ang pag irap nito

A-Ahh ehh wala po nahihiya kong sagot

Btw ako pala si Reian Fajardo
How about you?

Tanong nito nasa tuno parin ang lalaking pagsasalita kaya naguluhan na ako sa gender nya

"Kint" maikli kong pakilala

Tumango naman ito sabay tanong ulit

"Anong nag yari sayo?" Tanong nito sabay turo sa akin

Ahhh w-wala p-po! hehehetungon ko sa kanya

“saka nga pala may extra t-shirt ako baka kailangan mo”  pag ooffer nito sa akin

N-Nakakahiya naman po”  sagot ko naman at saka pasimpleng nag kamot ng ulo

“naku, okay lang friends na naman siguro tayo diba? tanong nito sa akin, dahil sa hiya ay napatango na lamang ako, at dahil nga friends na kami, kinuha ko na ang t-shirt na inaabot niya sa akin, medyo malaki lang siya since may pagkapayat at pandak nga ako compare sa laki ng katawan niya

“nga pala 250 lang 'yan pero dahil friends na nga tayo 200 na lang” biglang saad niya nang maisout ko na ang damit na pinapahiram niya

“Ahh? w-wala pa akong p-perasaad ko at saka akmang huhubadin na ang damit ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng kanyang pag tawa

“biro lang ang bilis mo naman maniwala, d'yan ka mabilis maluluko” saad niya sa akin at saka tinapik ang aking balikat

“nga pala, anong grade ka na ba?” tanong nito sa akin nang palabas na kami sa cr

“Grade 12” tungon ko sa kanya, at saka nag patuloy sa pag lalakad

“i see, parehas lang pala tayo” tatango tangong saad niya

“ano bang strand mo?” tanong niya ulit kaya, muli ko lang siyang sinagot “Abm-1” tungon ko sa kanya

“Abm din ako, Abm-2” saad niya sa akin, after nun tinanggal nito ang pagkaka-akbay sa balikat ko na ngayon ko lang napansin na nakaakbay pala ito sa akin

“sige una na ako, nice to meet you btw” saad niya at saka tuluyan ng pumasok sa classroom na kalapit lang ng amin

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now