CHAPTER 40

3.6K 197 65
                                    

KINT'S POV

Ngingiti ngiti akong nakatingin sa mga pag kaing nasa harapan ko nandito ako ngayon sa kwarto at sinisimulang kainin yung mga pag kain na binili ni King Okay nga lang na nandito ako at least may pag kain

Naubos ko na yung Frays, Bubuksan ko na sana yung Balat ng Chocolate ng may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya muli kung binaba yung Chocolate sa kama at saka tumayo para pag buksan kung sino man yung taong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko

pag bukas ko dumungaw ang naka ngiting si Tita Crystal

Kaya agad kung nilakihan ng bukas yung pintuan ng kwarto ko para maka pasok siya ng tuluyan

"Kamusta Hijo?" Tanong nito na nakangiti at saka siya pumasok

"O-Okay lang naman po tita!" nauutal utal na sagot ko at saka binalikan yung Chocolate ko

"Congrats nga pala para sa pag ka panalo mo doon sa Binibining Ikatlong lahi nung isang araw" Ika niyang nakangiti habang nililibot ang paningin sa kabuan ng kuwarto ko

"Thank you po tita, at saka salamat po ulit sa pag alalay sa akin" Sagot ko naman sa kanya  na ang tinutukoy ay ang pag tulong niya sa akin at saka ko siya binigyan ng matamis na ngiti, malaki talaga ang pasamat ko dito kay tita kasi naman ang dami niyang natulog sa akin

"Wala iyun hijo" Ika niya sa akin at saka bahagyang tumawa

'Masaya ata si tita hehehe'

Maya maya pa tumigil ito at saka seryosong tumungin sa akin bago siya mag salita, alam kung nakatingin siya kahit na naka talikod ako sa kanya

"Malapit ka na pa lang mag 18" Ika ni tita na tatango tango pa, kaya napatingin ako sa kanya at saka tinigil ang pag kain ng chocolate kinakain ko na kasi ito kanina habang nag uusap kami

"Oo nga po tita e sa September 7 na" Sagot ko dahilan para mapangisi siya

"B-Bakit po tita?" kinakabahang tanong ko dahil nanatili siyang naka ngisi sa akin at pangiti ngiti pa

"Comfirm" biglang sigaw niya dahilan para magulat ako, ano bang nag yayare kay Tita, ang wierd nya

"Huh?" yun na lang ang tanging na sabi ko sa sinagot niya Dahil hindi ko siya maintindihan, wala talaga akong maintindihan

"Confirm.. nakaka alala ka na hehehh!" Sagot niya dahilan para mapatigil ako at mag iwas ng tingin paano niya nalaman ang bagay na yun ganun na ba talaga ako kahalata pati siya nalaman ang bagay na iyun? O baka naman sinabi ni Xyrill

Pag nag kita talaga kami ng lalaking iyun baka hindi lang suntok ang maabut niya sa akin, baka mapatay ko pa siya sinabi ko ng hindi pa ako handa ayaw ko pa nag eenjoy pa ako sa ganito

"Ano pong pinag sasabi niyo tita?" Sagot ko at umarteng walang alam, sige pag patuloy mo lang Kint

"Bat alam mo birthday mo?" Nakataas kilay na tanong nito at saka muling tumingin sa mata ko

"Kasi po alam ko?" Patanong na sagot ko sa kanya dahilan para ngumisi ulit sa akin ai Tita

Gusto ko tuloy batukan yung sarili kung batok dahil sa sagot ko, halata na nga ako

"September 7 talaga yung birthday mo, pero Ginawang December 22 yun ni Marga!" Sagot sa akin ni tita na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi

Bat ba kasi binago bago pa yun ni Mommy lahat na lang ng tungkol sa akin binago nila

dahil sa sinabi niya napakagat na lang ako sa mga sarili kung labi at saka nag iwas nag tingin para akong isdang nahuli dahil sa sariling bunganga

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now