MBFH-1 √

24.9K 788 283
                                    

•••

MY BULLY FUTURE HUSBAND

MBFH - 1

KINT'S POV

Patakbo akong naglakad papunta sa classroom namin dahil late na akong nagising, Wala kasing gigising sa akin dahil wala sa bahay si nanay dahil nasa trabaho ito, pagkarating ko sa tapat ng classroom namin sarado pa ang pintuan, huminga muna ako ng malalim at yinakap nang mahigpit ang aking librong hawak, bago ko dahan dahang buksan ang pintuan ng aming classroom

Pagkabukas ko ng pinto bumulaga sa aking paningin ang mga kaklase kong magugulo at maiingay may mga nagbabatuhan ng papel meron ding binilog 'yung upuan at doon nag chismisan meron ding may sariling mundo at meron din na nag iisa lang at nakaupo lamang sa isang sulok ng kanilang upuan, parang hindi first day of school sa bagay kami parin naman ang mag kaklase dalawang taon na rin naman ako dito sa Raino University nag tranfers kasi ako dito last year dahil sa Cloudio University naman daw talaga ako nag aaral sabi ni Nanay pero masasabi kong mas malaki itong Raino University dahil may College at may High School dito, kaya isa lang ang ibig sabihin n'yan wala pa ang aming guro kaya nag iingay sila, kaya nag tungo na lang ako sa pinakadulong upuan, gusto ko kasi lagi akong nasa dulo para tahimik at layuan ng mga bully, lapitin kasi ako ng bully dahil may pagka-nerd ako na ewan, trip ko lang mag salamin sa mata at mag basa ng mga libro, hindi pa man ako nakakaupo ng tuluyan ng may tumama sa aking ulo pag tingin ko isa palang binilog na papel na binato ni Charles Levista isa sa mga kaklase kong bully, bully sila pero hindi naman madalas ang pambubully nila akin, minsan lang pag trip nila.

Hindi ko na lang pinansin at itunuloy ang naudyok kong pag upo sanay na rin naman ako kahit papaano, pagkaupo ko nagulat ako ng tumama ang aking pang upo sa samento, hindi ko inaasahan ang bagay na iyun talagang nasaktan ako dahil sa pag kakabaksag ko, samento pa naman

Walang buhay kong tiningnan si Nico Leongson ang siyang dahilan ng pag kaka bagsak ng pang upo ko sa samento

Siya si Nico Leongson isa rin sa mga bully mana sa kaibigan niya, pero sa totoo lang lahat halos ng kaklase ko ay binubully ako hindi ko alam kung bakit siguro dahil hindi ako marunong lumaban? iyun kasi ang turo sa akin ni nanay ang wag na wag kang lalaban, dahil pag lumaban ka magiging dahilan lang iyun ng pag laki ng gulo mas mainam na daw na umiwas na lang, mas okay lang daw na tawaging kang duwag kasi hindi ka lumaban kesa lumaban ka sa mga kagaya nila

muli kong tiningnan si Nico napangiti ngiti ilang saglit pa'y nakaka rinig na ako ng mahinang tawanan, kung hindi naman kasi talaga inisud ni Nico ay hindi mag yayare ito

Ang kaninang mahinang tawanan ay napalitan ng malakas na tawanan may mga humawak pa sa kanilang kamay dahil sa kanilang sobrang kakatawan, Medyo O.A na sila sa pag tawa nila pero patuloy pa rin sila sa kanilang pag tawa

Ano pa nga bang bago sa kanila Last year ganito na sila para silang mga bata kung umasta, minsan nagugulat na nga lang ako pag may tumatama sa akin na kung ano ano, hindi naman ako makapag sumbong sa mga teacher kasi tingin ko walang boses ang mga kagaya ko sa University na ito

Wala akong nagawa at tumayo na lamang ako, alam ko kasing walang tutulong sa akin dito kahit isa, buti sana kung nandito ang nag-iisa kong kaibigan nasi Tanya, mag kakaroon ako ng kakampi palaban kasi si Tanya kahit na babae siya, pinulot ko ang aklat na dala ko kanina, nabitawan ko kasi dahil sa gulat maging ang aking malaking salamin na sout ay pinulot ko na rin, maya maya pa narinig ko na lang na tumahimik na ang mga kaklase ko, pag tingin ko nandyan na pala si ma'am at may kasunod itong lalaki sa likod na matangkad at maputi, kaya agad na nag likyawan ang mga kaklase kong babae na daig mo pang ngayon lang nakakita ng lalaki, o sabihin na lang natin na daig mo pag ngayon lang nila ito nakita, sa bagay sino nga ba ang hindi lilikyaw sa lalaking kasama ni ma'am, eh sya lang naman ang pinaka gwapo kuno dito sa campus pero sandamakmak naman ang sama ng ugali daig mo pang pinaglihi sa sama ng loob

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now