CHAPTER 44

2.9K 185 5
                                    

KINT'S POV...

Pag katapos kung mag bihis agad kung niligpit ang gamit ko, at saka ako bumaba at nag tungo sa Dining Area

Pag dating doon bumulaga sa akin ang mga tao sa loob, kumpleto na sila at naka upo at nag kwe-kwentuhan

Nagulat ako nag hanggang ngayon pala ay hindi pa sila nag sisimula kumain

Agad akong umupo sa upuan na katabi ni Mom at Tita Crystal, gusto ko sanang umupo sa upuan na katabi ni King kaso andun si kuya Reian

Lahat sila ay natahamik ng umupo ako kaya naman napayuko na lamang ako

Namayani ang katahimikan nag basagin iyun ni Tito Kenji

Nag dasal ito kaya yumuko na lang din kami pag katapos mag dasal ni tito Kenji agad din naman kaming kumain

Panay ang abut ng pag kain sa akin ni Mom maging si tita ay ganun din kaso hindi ko nagawa man lang yun na kainin

"Bat hindi mo ginagalaw ang pag kain mo?" puna ni Mom sa akin kaya naman lahat sila ay napatingin sa akin

"Mabaho po kasi!" pag amin ko dahil tila panis 'yung pag kain na pinakain nila sa akin

Agad naman iyun na inamoy ni Mom at saka pina amoy kay dad, at saka sila nag tiningan,

Pag katapos nila mom at dad na mag tinginan sa akin naman si dad tumingin malalim ang pag kakatingin sa akin nito na may kasamang pag iling

"Sige paltan na lang natin ano bang gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Mom, bahagya naman akong nag isip kung ano nga ba ang gusto kung kainin

"Gusto ko po ng saging na kambal yung mag kakadikit dikit" sagot ko kay mom

Bahagya pa itong nagulat kaya bago ito mag salita ay bumuntong hininga muna ito

"Anong klaseng saging ba baby?" tanong ni mom

"Kahit ano pong saging basta tatlong mag kakadikit" sagot ko kay mom at saka ako ngumiti kaya ngumiti din naman ito sa akin bago bumulong kay Dad

Pag katapos nun ay tumayo si dad habang hawak ang phone niya

"Wala ka na bang gusto?" muling tanong ni mom, kaya muli akong nag isip

"Gusto ko po ng Gatas na may hotdog sa loob" sagot ko ng maalala yung kinain ko dati Coffee yun na may hotdog at patis na nilagyan ko rin ng chocolate

"Napapa dalas ang pag kain mo ng ganyan ah?" puna sa akin ni tita Crystal  kaya tumingin sa kanya si mom

"Madalas bang ganyan ang kinakain niya dito?" tanong niya kay tita Crystal pero sa akin pa rin na nakatingin

"Oo halos ganyan ang lagi niyang kinakain hindi naman namin mapigilan" anas ni tito Kenji

"Minsan nga ay nilalagyan pa niya ng patis ang kanyang coffee" pag dagdag ni Tita Crystal sila Kuya Reian naman at King ay nanatiling tahimik at kumakain bagamat alam kung nag mamasid din ang dalawa

Maya maya pa bumalik na rin si Dad

"Ano may nahanap kaba?" tanong nito kay dad

"Manang pakitimpla naman ng isang basong gatas at paki prito ng  apat na pirasong hatdog si Kint" baling ni mom kay manang celia

"Sige po mom" sagot naman ni mang kay Mom

"Meron mamaya ay papunta na rin dito ang tinawagan ko" sagot ni Dad sa tanong ni mom kanina kaya muling napabaling si mom kay dad

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now