Chapter Three

34 6 0
                                    

Ferula

The following day, I woke up a little bit early. I wore my plain green shirt and black pants before walking out of my room. Tutulong sana ako sa paghahanda ng almusal pero nakahanda na pala ang pagkain pagdating ko sa hapag.

Mystia smiled and gestured me to sit in one of the wooden chairs. Naupo ako saka sinalinan ng inumin ang aking baso. Makinis at kumikinang ang kahoy nilang mesa na hugis bilog.

“Maagang umalis si Frius. Halika, kumain na tayo. I'll accompany you to the shop after breakfast.”

“Ang aga naman niyang umalis. Kanina ka pa ba gising?” Sumandok ako ng kanin. “Kailan ba ako pwedeng magsimula sa shop?” tanong ko pa bago nagsimulang kumain.

Garlic rice, eggs and ham was served for breakfast. I sipped on my glass of mango juice. The scent of the freshly toast bread lingers on my nose.

“He's the one opening the shop. I want you to start maybe next week. But if you will insits you can start anytime tomorrow,” sagot niya ngunit kasabay niyon ay ang pag-ikot ng kanyang mga mata habang nakatingin saakin. “Bakit ba atat ka? Ayaw mo ba muna akong samahan dito? Parang hindi mo naman ako na-miss!” aniya.

I lightly chuckled then took a bite on my toasted bread. “I need to earn money so I can rent or buy a house for myself.  Hindi pwedeng habang buhay akong nakatira dito sa inyo,” I explained.

She pouted. “Okay, fine. Samahan na rin kita mamaya pagkatapos natin sa shop. I knew some apartment owners near our shop.”

Nagpatuloy ang aming almusal. Ako na ang nagpresintang maghugas ng aming pinagkainan tutal nakapagbihis na rin naman ako. Matapos sa gawain ay sa salas ako nagpunta.

Habang nakaupo sa sofa ay binuklat ko ang isang photo album na naroon sa ilalim ng babasaging center table.  Halos karamihan sa mga larawang nandoon ay ang sa anak nila.

Kalaunan ay tumulak na rin kaming dalawa paalis. Sakay ng  kanilang itim na kotse ay tinungo namin ang kanilang cafe sa bayan ng Rosewood. Maaga pa kaya't halos wala pang customer sa shop nang dumating kami. Dalawa lamang ang naabutan naming kumakain.

The shop gives a relaxing ambiance. Maaliwalas din sa loob dahil sa malalaking salaming bintana. The walls are made of polished woods. A huge wooden bookshelf was place at the left side of the shop. There were plants inside that adds to the shop's relaxing ambiance. There are more or less fifteen wooden tables inside the shop.

Tahimik akong sumunod kay Mystia. Sa counter ay huminto kami. Naroon ang isang babae na tantya ko ay mas bata lamang sa aking ng ilang taon.

Ibinaba niya ang pinupunasang baso. “Magandang araw, Ma'am Mystia!” masiglang bati nito saka lumihis sa akin ang tingin, “magandang araw po.”

Ngumiti ako pabalik. “Magandang araw din sa'yo.”

“Good morning, Shell!” ani Mystia saka mas lumapit sa counter. Ipinatong nito ang siko roon saka humarap sa akin ng nakangiti. “Shell, this is Ferry, my bestfriend. She will be working here starting tomorrow as our baker,” paliwanag niya rito.

Tipid ang naging ngiti noong Shell sa akin. Siguro ay nahihiya siya o hindi komportable. “Ferry, ito si Shell, barista namin. Dalawa silang barista rito. Si Alys ang isa pero wala siya ngayong araw. Day-off niya tuwing sabado hanggang linggo.”

Masked Glamour Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon