Chapter Four

26 2 0
                                    

Ferula

I worked straight from monday to friday. Weekends are actually my free days though I sometimes still went to the shop to help them. Madalas ay sa counter ako tumutulong sa tuwing weekends.

Mystia and Frius insisted to pay me during my extra works in weekends but I decline. It was just a voluntary works. Wala rin naman akong gagawin sa mga araw na iyon kaya mas pinili ko na lamang na maglagi sa cafe o di kaya'y makipagkulitan Kay Thalis roon. Pero minsan ay hindi naman talaga ako pumapasok. Minsan kasi ay bumabalik ako sa Neville sa tuwing day off ko.

I slumped on my apple green covered couch. I just finished cleaning the house. I put on my new green satin curtains in the living room's window. Matuling lumipas ang mga araw. Halos mag-tatatlong buwan na ako rito sa Rosewood.

Ilang buwan na rin simula ng tuluyang ipagbili sa akin ng may-ari itong studio type apartment. She told me she'll be leaving the town and will be residing to her daughter's place. Hindi naman na iyon naging problema sa akin dahil may naipon naman akong pera. Sapat iyon sa hininging kabayaran sa bahay.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sofa para ipagpatuloy ang pag-aayos. Today is saturday. It's my day off so I spent my day cleaning the house.

Maya-maya ay napahinto ako sa ginagawa ng marinig ang tunog ng telepono. Kaagad ko iyong nilapitan upang sagutin.

“Hey!” Ang masiglang boses ni Mystia ang kaagad kong narinig pagtapat ko ng telepono sa aking tenga. “Are you busy? Would you like to come over later for dinner?” tanong niya.

Bumalik ako sa ginagawa at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa mga libro na nasa ilalim ng kahoy na mesa sa aking salas. Nagsalita ako habang hawak sa kabilang kamay ang telepono.

“I need to look for some medicinal plants today,” sagot ko saka tumayo matapos maisaayos lahat ang mga libro. “Hindi ko pa sigurado kung anong oras ba ako makauuwi mamaya.”

Dala pa rin ang telepono ay tinungo ko ang maliit kong kusina upang saglit na maipaghanda ang aking sarili ng makakain. I opened my mini ref and took some leafy vegetables. I put down the phone on the table. I turned on the loud speaker so I could still hear her while I prepare my lunch.

“Oh! How about tomorrow? Dinner?” she asked again. I smiled while I cut the vegetables. She is really a thoughful friend. Sunod kong hiniwa ang mga rekados at pangsahog.

“Sige. Sa umaga na lang din ako pupunta sa Neville. Mrs. Grace asked me to pay her a short visit.”

“Okay! Gusto mo ba sabihan ko si Frius na daanan ka d’yan pagkagaling niya sa shop?” she asked me.

Binuksan ko ang stove bago isinalang ang kawali. “Hindi na. Pagkagaling ko sa Neville ay didiretso na ako sa bahay n'yo.”

“Mama!” Napangiti ako agad ng marinig ang boses ni Thalis sa kabilang linya. “Who's that? Si ninang ko po yan, mama?”

“Yup! Gusto mo kausapin si ninang?” tanong nito sa anak. I heard some shuffled noises in the other line before the little kid talk.

“Hi, Thalis! Did you eat, hmm?” I asked while I washed the vegetables on the sink.

“Tapos na po! How 'bout you? Ninang when are you going to vist me here? I miss you.” I could imagine her pouting while talking to me over the phone.

I spent talking to to Thalis while preparing my lunch. Halos patapos na ako sa pagluluto ng tuluyang matapos din ang mga kwento ng bata sa kabilang linya. Natatawa na lang ako sa sobrang bibo nito.

Matapos kumain ay muli akong bumalik sa ginagawang pag-aayos. I slumped again to my couch after I finished everything. I didn't noticed that I dozed off.

Hapon na ng magising ako mula sa hindi inaasahang pagkaidlip. Naligo na lamang ako saka kumain. Kinuha ko ang isang basket sa kusina saka lumabas ng bahay.

Matapos maisara ang pintuan ay tinungo ko na ang likurang bahagi ng bahay. Daan iyon papasok ng kagubatan ng Rosewood. Itinaas ko ang aking kamay saka ibinuka ang aking palad. Napangiti ako ng dumapo ang isang kulay berdeng paru-paro makalipas ang ilang sandali.

“Maari mo ba akong samahan at ituro sa akin kung saan ko mahahanap ang kinakailangan kong halamang gamot?” tanong ko sa paru-paro. Hindi nawala ang ngiti sa aking labi ng pinagmasdan ko itong lumipad paalis sa aking palad, patungo naman sa daan papasok sa gubat.

Mabilis akong sumunod sa paru-paro. Matataas ang mga puno at mayayabong ang mga dahon kaya medyo madilim sa loob ng gubat.

“Unahin nating hanapin ang halamang ojas de lantin,” sambit ko sa paru-parong lumilipad sa aking unahan.

Sinundan ko na lamang siya hanggang sa huminto ito sa kumpol ng tinutukoy kong halamang gamot. Saglit itong pumaikot-ikot doon bago lumipad palapit sa akin at dumapo sa aking balikat.

My lips twiched. “Salamat.”

It took me for almost an hour looking for all the medicinal plants I needed. Pauwi na ako ng mapansin kong dumidilim ang kalangitan.

I looked up to the sky and noticed that it's getting dark, warning me for a heavy rain. Nanindig ang balahibo sa aking mga braso sa pag-ihip ng malamig na hangin.

Umikot ang aking mga mata sa paligid upang maghanap ng masisilungan. Anumang sandali ay sigurado akong bubuhos na ang malakas na ulan.

Pumailanlang ang kulog sa buong kagubatan. My eyes spotted a cave a meter away from me. The sky released another thunder so I rushed to the cave when the rain started to pour.

Mainit at madilim ang loob ng kweba. Ang makulimlim na kalangitan ay mas lalong dumagdag sa kadiliman. Humigpit ang hawak ko sa dala kong basket na pinaglagyan ko ng mga nakuha kong halamang gamot. My heart skipped a beat as the thunder clashed in the sky. I flinched when the loud thunder roared again. Mas umusog ako papasok sa loob ng kweba.

I checked the time in my wrist watch. Sa kakarampot na liwanag ay nakita ko ang oras. It's already four o'clock in the afternoon. Kung matatagalan pa ang buhos ng ulan ay sigurado akong aabutin na ako ng dilim bago makauwi ng bahay.

Cold breeze brushed my skin. Bats and crickets inside the cave flied into the other side of the cave. They are hiding which makes me to be alerted in my surrondings.

Not too long when I heard the nearing heavy footsteps. My eyes bulge when I saw who owns those footsteps. The heavy creature is holding a dead deer while walking inside the cave. I sucked my breathe the moment the creature reached the cave  and locked its golden eyes to me.

Masked Glamour Where stories live. Discover now