Chapter Nineteen

11 2 0
                                    


Ferula

Inamoy ko ang hawak kong palumpon ng mga kulay asul na bulaklak. Ligaw na halaman lamang iyon ngunit napakagandang uri. Sigurado ako na bagay ito sa plorera na naroon sa salas.

Huminto ako upang bahagyang ayusin ang pagkapulupot ng suot kong alampay sa aking mukha. Hindi ako dapat nasa labas ngunit naiisip ko na marahil ayos lamang iyon dahil hindi rin naman ako lalayo sa kweba. Malimit lang din naman ang nagagawi sa lugar na ito sa kadahilanang ito ang tirahan ng isa sa kinatatakutan nilang nilalang.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng papunta ko sa kanyang silid. Tulad ng ipinangako ko sa kanya ay hindi ko na nga siya ginambala. Sa huling pag-uusap namin ni Mrs. Laurette tungkol sa kanya ay nabanggit niyang lubusan ng magaling ito.

Diretso ang tingin sa aking nilalakaran ay ganoon na lamang ang gulat na lumukob sa akin. Napasinghap ako at kaagad na nagkubli sa likuran ng malalagong damo. Ilang metro ang aking layo sa bukana ng gubat ay malinaw na nakita ko ang paglabas ng dalawang nakauniporme ng kulay asul mula sa kweba.

Ilang beses akong napalunok. Nanuyo ang aking lalamunan at halos mabitawan ko ang hawak kong mga bulaklak dahil sa sobrang panginginig ng aking mga kamay. Hindi ako pwedweng magkamali sa aking nakita. Ang kulay asul na uniporme na iyon ay hindi ko pa rin nakalilimutan.

"What did the higher rank's soldiers do inside the cave?"

Hindi sa aking direksyon ang tinahak na daan ng dalawang nakauniporme. Ang daan paalis ng gubat ang kanilang nilakad. Napaupo na lamang ako sa lupa habang pilit kinakalma ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

"What's the meaning of that?" I barely whispered to myself.

Binalot ako ng pangamba para sa aking sariling kaligtasan. Unti-unting umusbong ang pagdududa sa aking dibdib. Paanong nakapasok at nalakabas ang mga iyon sa kweba ng gano'n na lamang. Is there someone from them who's in the side of the higher rank? Is it Mr. Krion? Her wife? Or could it be the beast?

Tuluyan kong nabitawan ang hawak kong mga bulaklak at nasapo ang aking dibdib. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking niyon. Pakiramdam ko ay halos hindi na ako makahinga.

Nagkamali ba ako sa pagtitiwala sa kanila? Are they just fooling me? Being kind and helping me? Does offering me to stay in the cave could be just a bait?

I felt like running away from this place. Go somewhere else and never trust anyone again. A lone tear fell from my eyes as questions swirled inside my head.

Gusto kong umalis na lamang. Ngunit kung bakit ay may parte sa akin na bumubulong na manatili pa rin. Maari nga na kakampi sila pero maaari rin na hindi. The soldiers went away instead of searching in the forest to find me. That only means no one told them about me hiding in the cave.

Matagal akong nanatili sa pagkasalampak sa lupa. Hinayaang magtalo ang aking isipan kung aalis o mananatili pa rin ba. Hindi ko sila lubos na kilala. Ang isipin na maaring hindi ko nga sila tunay na kakampi ay hindi rin imposibleng mangyari.

I stood when I felt my limbs numbing underneath me. I stared at the cave and just felt my feet walking towards its opening. I felt like there is something pulling me inside even if my own safety was at stake. I could feel it in my heart. But I couldn't name it. Mas lalo iyong dumagdag sa kaguluhan sa aking isipan.

Masked Glamour Onde histórias criam vida. Descubra agora