Chapter Thirty-Three

17 2 0
                                    

Ferula

Iginala ko ang aking paningin sa buong lugar. Isang oras bago sumapit ang ikaapat ng hapon ay muli akong nakatayo sa gitna ng malawak na parang. Hinawakan ko ang dulo ng aking buhok na nililipad ng hangin. Hindi ko alam kung nasaan ang kanyang bahay ngunit alam ko anumang sandali ay magpapakita na siya sa akin.

Holding the pocket made of brown rough cloth, my lips tugged into a small smile. Inside this pocket was the fifty pieces gold she was aking from me.

“Any moment from now you’ll be finally free from Cytheria’s curse.” I whispered. Azarious’ face played on my mind.

Muling umihip ang hangin kaya agad kong hinuli ang aking buhok na kumawala sa aking pagkakahawak. Ang pamilyar na kulay berdeng ibon ay nagpaikot-ikot sa akin. Tumingin ako sa aking likuran at doon nakitang naglalakad siya palapit sa akin.

“Dala mo na ba ang hinihingi ko sa iyo?” iyon agad ang tanong niya pagkalapit sa akin.

Inilahad ko amg aking palad sa kanyang harapan. Tinignan niya iyon saka tumango matapos kunin sa aking kamay ang pinaglagyan ko ng ginto.

“Mabuti,” aniya saka ako nilagpasan.

My lips twitched to her response. No words came out of my mouth as I followed her. Katulad ng ginaqa niya noon ay iminuwestra niya lamang ang kamay at muling lumitaw ang kanyang tahanan sa itaas ng puno. Tahimik ko siyang sinundan paakyat.

Ipinatong niya ang mga ginto sa kanyang mesa. Nasa tabi niyon ang librong ipinakita niya sa akin noong isang araw. May mga bote na naglalaman ng ibat-ibang kulay ng likido rin sa kanyang mesa. Hindi ko alam kung gagamitin niya ba iyon o sadyang doon lang talaga niya iyon iniligay.

Tho, I did not see those certain bottles the last time I went here. So maybe, she will need those to the ritual she’ll be making to break the curse.  I couldn’t stop the excitement growing in me. Suddenly, I felt anxious. After everything Azarious went through, he only deserves peace and happiness.

At makakamit niya lamang iyon kapag naputol na ang sumpa at bumalik na siya sa dati niyang anyo. Hindi na niya kailnaging magkubli sa dilim. At higit sa lahat, mawawala na ang pagnanais niyang makapaghiganti.

Kung sana lang ay magkaroon ako ng pagkakataon na muli siyang makita at makausap. Hindi ako mag-aatubili na sabihin sa kanya ang katotohanan.

That they were all betrayed, played and fooled by those member of the Higher Rank’s selfishness and desire for power. They are all victims of nothing but selfishness.

“Maaari ka nang umalis.”

Napakurap ako nang ilang beses sa kanyang tinuran. Kumibot ang aking labi bago nagsalita,  “H-Hindi mo ba gagawin ngayon mismo...”

Walang bakas ng kahit anong emosyon ang kanyang mukha. Iminuwestra niya ang librong may gintong pabalat sa mesang nasa aming harapan. “Nakasaad sa libro na kailangang gawin ang ritwal pagpatak ng ika-lima ng hapon, habang nagpapalit ang araw at buwan sa kalangitan,” sagot niya sa akin.

Tumango ako saka humakbang ng ilang beses palapit sa mesa. “Then I’ll just stay here until dusk,” sambit ko.

Sinalubong ko ang kanyang mga mata at hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkailang sa ilalim ng kanyang mapanuring mga tingin. Tila iyon tumatagos sa aking kaluluwa.

“Kung nagdududa ka sa akin ay marapat na kunin mo na ulit ang iyong mga ginto at umalis na ngayon din,” aniya saka tumalim ang mga mata sa akin.

I gasped and waved my hand. “What? No! I am just... I am...” hindi ko maituloy ang aking sasabihin kaya napayuko na lamang ako at napabuga ng hangin.

She’s right. But I just couldn’t help questioning whether she’ll break the curse or just take the golds. I don’t know her. I wasn’t familiar with her. What if she is a wicked one? I know wickedness was part of being a witch, but sometimes, some witches are taking the advantage of having the power to manipulate and play to those who’s in lower heirarchy that needs them.

Nanatili ang kanyang tingin sa akin ng muli akong mag-angat ng mukha. I let out a sighed again. “I am sorry for doubting you,” I bit my lower lip and continue. “please, break his curse. He'd been through a lot. To be free from his cursed is the only thing he deserve after everything.”

“Wala kang kailangang ipag-alala. Gagawin ko ang ating napag-usapan dahil ibinigay mo rin ang hinihigi kong kabayaran,” she answered and I nodded in response.

“Thank you, so much,” iyon na lamang ang aking sinabi bago inihakbang ang aking mga paa palapit sa pintuan ng kanyang tahanan. Mabagal ang mga naging hakbang ko pababa.

“Sandali lamang.”

Sa kalagitnaan ng hagdan, napahinto ako bago pa man muling maihakbang ang aking mga paa. Nagtataka man ay muli ko siyang nilingon.

A warm smile spread across her young face. It even made her looked gorgeous. My brows furrowed when I saw her holding the brown pocket then  walked towards me.

“Dalhin mo ito sa iyong pag-uwi,” aniya saka ginagap ang aking palad at inilagay doon ang ginto.

Gulong-gulo ay tinignan ko siya. Tiyak ko na nakikita niya ang tanong sa aking mga mata. “B-Bakit? Akala ko—”

“Nasa libro ng aking kapatid na darating ang araw na ito. Wala siyang binanggit sa iyong maaring pagkakakilanlan kung kaya’t kinailangan kitang subukin upang mapatunayan na ikaw nga ang kanyang tinutukoy.”

Gulat ang tangi kong naramdaman sa kanyang sinabi.  Tikom ang aking bibig at hindi malaman ang dapat sabihin. Masuyong ngiti ang gumuhit sa kanyang may kaputlaang labi. Binitawan niya ang aking kamay.

“Ang maglaan ng oras at panahon para magpunta rito sa akin para lamang maputol ang sumpa ay isang napakadakilang gawain. Napakabukal ng iyong puso at punong-puno ng pagmamahal at pang-unawa.” Hindi nawala ang ngiti sa kanyang mukha.

Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa kanyang mga papuri. “This is the only thing I can do for him,” I told her.

Ito lang ang bagay na maaari kong gawin matapos ang nagawa ko sa kanya. Hindi man ito magiging sapat marahil ay maaaring maging simula niya ito sa panibagong buhay.

Iyong malaya na siya at wala nang pangamba sa kanyang sarili. Kapag wala na ang kanyang sumpa ay maari na siyang makapagsimula ulit sa buhay na malayo sa mga naging masakit niyang karanasan. Miski sa akin na nagdulot lang din ng sakit sa kanya.

“Sapagkat mahal mo siya.” Naramdaman ko ang pag-init ng makabila kong pisngi.

It is. That’s true. It was not only because of my guilt. I love him. And I want nothing but his happiness. I had denied that feeling for some time but I can fool myself forever. My heart beats for him just like how his beats for me. Tho, because of my secrets to him, it was tainted.

Hiling ko na lang na sana kahit paano ay hindi iyon tuluyang naglaho. Kasi alam ko sa sarili ko, ang nararamdaman ko para sa kanya ay mananatili na sa akin at hindi na mawawala pa.

Kahit hindi na niya ako mapatawad basta maging masaya lamang siya ay pipilitin ko nang makuntento. Ang kanyang kasiyahan ay sobrang kasiyahan na rin ang balik sa akin.

Muli ko siyang nilingon ng tuluyan akong makababa ng hagdan. Naroon siya nakayo sa may pintuan. Iniangat ko ang aking kanang kamay saka kumaway sa kanya bilang paalam. Ngiti at pagtango naman ang kanyang ibinalik sa akin.

Unti-unti na akong naglakad palayo sa lugar na iyon. Wala na ang malaking ibong na sinakyan ko papunta rito kanina kaya wala akong ibang paraan para makauwi kung hindi ang malakbay muli.

Ilang araw nanaman ang gugugulin ko bago tuluyang marating ang aking pinagmukan ngunit balewala iyon sa aking isipan. Pakiramdam ko ay walang lugar ang pagod sa aking katawan. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang katotohanan na mapuputol na ang sumpa ni Cytheria. Iyon lamang ay sapat na upang mas lalo akong bigyan ng lakas ng loob.

Masked Glamour Where stories live. Discover now