Chapter Five

17 3 0
                                    

Ferula

I rushed to my house's door. My body's soaked with the heavy rain. I felt my hands trembling while inserting the key on the keyhole. I shivered with the cold breeze of the wind. May putik ang mga paa ko kaya bahagya iyong dumikit sa bagong linis ko pa lang na sahig kanina.

Agad akong tumuloy sa kusina. Ipinatong ko ang dala kong basket sa mesa saka nagtungo sa banyo para magpunas at makapagpalit ng tuyong damit.

Matapos kong makapagbihis ay muli akong bumalik sa kusina. Habang nakapulupot pa sa aking basang buhok ang aking berdeng tuwalya ay isinalang ko sa lutuan ang kalderong may tira pang kanin mula sa aking tanghalian kanina.

Habang hinihintay iyon ay inalis ko na muna sa basket iyong mga nakuha kong halamang gamot kanina para patuyuin. Matapos iyon ay kinuha ko ang lalagyan ko ng gamot sa kabinet sa may banyo. Naupo ako sa isang silya roon sa kusina saka iniangat ang aking kaliwang braso.

Mahapdi ang aking siko dahil sa sugat na nakuha ko kanina matapos akong tumama sa magaspang at mabatong sahig ng kweba.

"Who are you?" The beast's deep voice echoed in the corners of the cave. He stood straight in the cave's entrance looking at me with his sharp golden eyes.

"Who are you!" he growled.

Nanlaki ang aking mga mata sa takot at gulat kaya napaatras ako. Hindi ko na napansin iyong nakausling bato sa aking likuran kaya tumama ang paa ko roon at tuluyan akong bumagsak sa lupa.

Agad kong naramdaman ang sakit sa aking puwetan at hapdi sa aking mga siko na naitukod ko sa magaspang na lupa. Mas lalong dumagdag ang kaba sa aking dibdib ng magsimula siyang humakbang palapit saakin.

"P-Please s-stop! I mean no harm!" agap ko bago pa siya tuluyang makalapit.

I've encountered beasts before but this beast in front of me is too different from the beasts I saw before. He's too huge. Just the sight of his sharp horns terrifies me so much. It feels like he could crushed me with just his hands too. One strike of his sharp claws would no doubt end my life.

"N-Nanguha lang ako ng mga halamang gamot pero naabutan ako ng malakas na ulan kaya sumilong ako r-rito."

Nautal ang aking boses sa sobrang kaba. Tuluyan akong napaupo sa lupa at hindi na nakatayo pa. Ipinakita ko sa kaniya ang basket na pinaglagyan ko ng mga dahon. Desperada rin na paniwalaan ako at huwag saktan.

Hindi siya kumibo. Nanatiling nakatutok sa akin ang kanyang mabangis na mga mata. Nakabantay sa lahat ng kilos na gawin ko. Umusog ako at umambang tatayo mula sa pagkakasalampak ng muli siyang nagpakawala ng mabangis na pag-angil. Nanlaki ang aking mga mata.

He lifted his free hand. I saw his arm aiming for a strike towards me. A gasp escaped from my mouth. My heart pounded with fear. "I will leave! I w-will leave! Just don't hurt me, please." I pleaded. My eyes swelled with tears.

Natigil sa ere ang kanyang mabalahibong braso. Ibinaba niya iyong muli saka isang mabangis na pag-angil ang ginawa niya habang nakatingin sa akin.

"Don't you ever come back again. You seems new here who did not get the news that I never allow anyone to step inside my territory," he said with his deep voice. "Stupid human," he mumbled but still reached my ears.

Masked Glamour Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon