Chapter Eighteen

13 2 0
                                    

Ferula

I took a turn in my left before I stopped in front of a dark colored oak door. I wasn’t expecting to know that his room was actually in the underground. Akala ko ay naroon lang iyon sa malapit sa bungad na bahagi ng kweba.

Naupo ako sa ibabaw ng isang tipak ng malapad na bato sa labas ng kanyang silid. Sa aking paanan ay mayroong malilit na bato kaya iyon ang pinagdiskitahan ko.

Hindi ako maaaring pumasok sa loob dahil hindi iyon magugustuhan ni Azarious kapag nalaman niyang may ibang pumasok sa silid niya lalo pa kung ako iyon. Bago umalis kanina, ay iyon ang mahigpit na bilin sa akin nila Mrs. Laurette.

Binawi na rin niya ang nauna niyang pagpayag na tignan ko si Aleron. Aniya ay hindi na raw kailangan dahil bumubuti na rin ang lagay nito kahit paano. Ngunit kakatwa na hindi ko lang magawang maging kampante sa kanyang sinabi. Natagpuan ko pa rin ang aking sarili na narito sa labas ng silid ni Azarious.

Hindi naman ako papasok sa loob. I just want to make sure he was okay. That he was just sleeping and resting. Somehow, I felt thankful to him for letting me stay here despite of how he hated me.

Napatigil ang paa ko sa paglalaro sa mga bato ng may maulingan na tunog mula sa likod ng kahoy na pinto. Nang maging malinaw iyon sa aking pandinig ay bigla akong napatayo sa aking pagkakaupo. Tumutok ang aking mga mata sa pintuan. Nagtalo ang aking isipan kung papasok ba ako o hahayaan na lamang siya.

But he's awake and... in pain.

I bit my lower lip as I listened to his grunts of pain. I can’t get inside. He wouldn’t like it. And that’s the least thing I want to do. I can’t make another reason for him to hate me nor kill me.

Subalit nang muling marinig ang kanyang pagdaing ay hindi na ako nagdalawang isip pa at dahan-dahang itinulak ang pintuan ng kanyang silid.

My eyes settled in his four poster bed. He was curled on the bed with his back facing me. Ilang hakbang mula sa paanan ng kanyang higaan ay ang tantya kong sampung hakbang na hagdan paakyat. Paikot iyon at gawa rin sa bato. Nang tingalain ko ay nakita ko ang likuran ng isang kulay pulang sofa na naroon sa itaas malapit sa hagdan. Bahagya ko rin nakikita ang lalagyang ng mga libro.

Must be his own library.

In the left side of his bed was a mini living room. There are two dark red single seated sofa and a long sofa bed while a polished wooden table was placed in the middle. Sa gitna niyon ay ang maliwanag na chandelier na nakakabit sa magaspang at hindi pantay-pantay na bato na nagsisilbing bubong ng kweba.

Wala ng ibang gamit roon maliban sa dalawang maliit na mesa sa magkabilang gilid ng kanyang higaan. There was a lamp placed in the center of two side tables.

I shifted my eyes to him again when he grunted in pain and turned around. His eyes settled on me and I couldn’t help but gasp in shock. Humigpit ang hawak ko sa seradura nang angilan niya ako ng mabangis sa kabila nang naghihina niyang kalagayan.

Umubo siya at ganoon na lamang ang paglaki ng aking mga mata nang may lumabas na dugo sa kanyang ilong. Hindi ako nagdalawang isip at agad siyang dinaluhan ngunit napaatras lang din ng mabangis niya akong angilan.

”P-Please, I am not going to hurt you. I just want to help, please,” I pleaded.

Yes, he may have hurted me before but it doesn’t mean that I will just stood here and watched him bleed until he lose all his blood. I am not like that.

Muli siyang bumalik sa sa pagkakahiga. Bahagya siyang tumingala saka marahas na pinunas ng palad ang ilong. Napangiwi na lamang ako sa aking isipan ng mas lalo iyong kumalat sa kanyang pisngi.

Masked Glamour Where stories live. Discover now