Chapter Twenty-Eight

13 1 0
                                    

Ferula

Alam kung darating ang oras na ito. Hindi ko lang akalain na ganito kabilis. Hindi ako nakapaghanda. Hindi ko nasabi. Hindi ko masasabi.

Maayos kong itinupi ang puting sapin at kumot sa aking higaan. Ibinalik ko rin iyon sa dating pagkaayos maging ang mga unan. Katulad ng kung paano ito nakaayos ng una itong ipagamit sa akin noon.

Ganon din ang ginawa ko sa iba pang mga bagay na naroon sa loob ng silid. Sinugurado ko na wala ng bakas ng alikabok o kahit anong dumi sa mga bagay na naroon. Ang aking mga personal na kagamitan naman ay maayos ko nang naihanda.

Ipinalibot ko ang aking paningin sa buong silid. May kirot sa aking dibdib habang ginagawa iyon. Hindi ko sukat akalain na lilisanin ko ang lugar na minsang aking naging kanlugan na mayroong pait sa aking puso.

Napakaduwag ko para gawin ito. Pero ito lang ang tangi kong naisip na paraan para hindi na mas lalo pang makasakit. Mahirap ngunit buo na ang aking desisyon na umalis.

Hindi ko kayang sabihin kay Azarious ang totoo. Hindi ko makakayang makita siyang nasasaktan dahil sa aking ginawang pagsisinungaling.

He was a broken man in a beast form. And I couldn’t afford to see him break even more, because of me.

I am a coward. I am selfish.

Sarilii ko lang ang tangi kong inisip at nawalan ako ng pakialam sa ibang nakapaligid sa akin. Nagsinungaling ako. Higit kanino man ay nagsinungaling ako kay Azarious.

I lied to the one whom I owe my life. If it wasn’t for his cave, I don’t think I am still alive until now. It was his cave, his teritorry that sheltered me from those who want to take me away.

Dahan-dahan kung binuksan ang pintuan ng aking silid at kaagad naulingan ang malutong na halakhak ni Mrs. Laurette sa salas ng kweba.

The werewolf couple seated side by side in one of the sofa while having a happy conversation. A bitter smile appeared on my lips.

They may be the one who gave me the idea of keeping my real identity a secret to Azarious but I understand why did they do that.

Kaligtasan lamang ang tanging nasa isip namin noon at hindi na naisip na kailan man ay walang magandang naidudulot ang pagsisinungaling. Tunay nga na kahit gaano pa itago ang isang kasinungalingan, darating pa rin ang oras na lilitaw ang katotohanan kahit pilitin man iyon na ikubli ay wala na rin silbi.

“Ferula!”

I blinked my eyes and stared at Mrs. Laurette in confussion. Mr. Krion stood by her side as they both have a vibrant expression.

“Mayroon akong magandang balita saiyo, Ferry,” sambit niya na hindi pa rin napapawi ang malawak na ngiti sa mga labi.

Tumikhim ako upang siguraduhin na hindi mababasag ang akng boses sa oras na magsalita ako. “A-Ano po iyon?” Pinilit ko ang sarili na ibalik sa kanila ang pagkakangiti.

What could be a good thing that could happen in my situation? I lied just because I want to be safe. Hindi ko naisip na maaaring makasama iyon kung sakaling mabunyag iyon pagdating ng panahon.

“You’re finally free again, Ferry.” Lumamlam ang kanyang mga mata saka masuyong ginagap ang aking mga palad. “The higher rank finally found the witch they are searching for.”

Nanigas ako sa aking mismong kinatatayuan. Nagbukas-sara ang aking mga labi ngunit ni walang salita ang nagawa kong ilabas doon. Naramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy sa aking mukha.

“Masaya kami para saiyo, Ferula.” Bumaling ako kay Mr. Krion dahil sa kanya g sinabi. “Sa wakas ay makababalik ka na ulit sa dating takbo ng iyong buhay. Hindi mo na kailangan pang magtago at mangamba sa iyong kaligtasan.”

Masked Glamour Where stories live. Discover now