Chapter Twenty-One

14 1 0
                                    

Ferula

“Tulong!”

Marunong akong lumangoy ngunit sa sobrang kaba na bumalot sa aking katawan at sa lamig ng tubig ay parang hindi ko maigalaw ang aking katawan.

“Help, me!” Napaubo ako ng pumasok sa aking ilong at bibig ang tubig. Para akong maiiyak ng makitang nakatayo lamang siya at tila walang balak na tulungan ako. Para siyang estatwa na nakatayo lamang at walang pakialam kong malunod man ako.

Muli kong sinubukang iaahon ang aking katawan ngunit nabigo lamang ako at mas lalo pumasok ang maraming tubig sa aking bibig at ilong.

Is he really gonna let me die? Watch me ’till I took my last breath? Nagkamali ba ako sa pag-aakalang mayroon pang kabaitan sa kanya?

Tuluyang namanhid ang aking mga paa. Unti-unti kong naramdaman ang pagkaubos ng hangin sa aking dibdib at ang lalong palubog ng ang aking katawan sa tubig.

“Azarious...”

Sa aking isipan ko na lamang nabanggit ang kanyang pangalan. Umaasang maririnig niya iyon at magbago ang isipan na tulungan ako sa halip na hayaang tuluyang malunod at mamatay.

Seconds before my eyes completely shut, huge pair of hands clamped on my body as it lifted me. I heard the familliar growl that erupted from his chest as he scooped and laid my limping body on the cold stone floor.

Sunod-sunod na pag-ubo ang ginawa ko. Nangilid ang luha sa magkabilang sulok ng aking mga mata. Mas lalo iyong bumuhos dahil sa sakit ng aking lalamunan at ilong pati na ang masikip kong paghinga.

“Don’t you know how to swim?” may bahid ng inis na rinig kong tanong niya habang nakatunghay sa akin. Tila napakalaking kasalanan iyon.  “At bakit ka narito? Hindi pa ba sapat na pumayag akong dumito ka at talagang kailangan mo pang  magpunta sa mga lugar na hindi mo naman dapat pinupuntahan?”

Sa bahagyang panlalabo ng aking paningin dahil sa pagluha ay nakita ko ang panlilisik muli ng kanyang gintong mga mata.

“Sabihin mo nga sa akin ang totoo, narito ka ba para patayin ako?”

Something tugged in my heart in a painful way with his accusation. “I-I’m sorry,” sambit ko na lamang.

Hindi ko siya maaaring sisihin kung iyon ang tangi niyang naiisip sa tuwing nakikita ako. Hindi ko na maiaalis sa kanya ang pagdududa at palaging takbo ng isip niya na masama ang hangarin ko.

“Wala akong balak na anuman sa’yo. At kahit na kailan ay hindi kita pinag-isipan na saktan. Hindi ako katulad ng mga taong kinamumuhian mo.”

Matapang kong sinalubong ang kanyang nanlilisik na mga gintong mata. “Paumanhin kong napadpad man ako rito. Pangako hindi na ito mauulit pa,” dugtong ko.

Nanghihina pa ang aking katawan kaya nang subukan kong tumayo ay bumagsak lang din ako sa basa at batong sahig. Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng daing sa aking bibig ng maramdaman ang hapdi sa aking binti.

Nang tignan ko iyon ay nakita ko ang gasgas at kaunting bakas ng dugo. Muli akong sumubok na tumayo at sa pagkakataon na iyon ay nagawa ko na. Ginawa kong pang-alalay sa aking paglalakad ang mga tipak ng bato sa aking dinaraanan habang paakyat ng muli sa batong hagdan.

I did not look back anymore but I could clearly felt his intense stare penetrating my back. Marahas kong pinunas ang mga luha sa aking pisngi na patuloy sa pag-agos. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sugat ko sa aking binti o sa iba pang emosyon na lumulukob sa aking damdamin.

Tinahak ko ang daan pabalik sa bungad ng kweba na may minsang hikbi na lumalabas sa aking bibig. Mabuti na lamang ay hindi ko nakasalubong ang mag-asawa ni isa man sa kanila. Hindi ko rin naman alam kung paano ipaliliwanag sa kanila ang sinapit ko.

Masked Glamour Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon