Chapter Thirty-One

17 2 0
                                    

Ferula

Tinignan ko ang aming dinaraanan habang lulan ng sasakyan nila Mystia. Nakatutuwang pagmasdan na nagagawa ng bumalik ng bawat isa sa dating takbo ng buhay bago ang nangyaring pagdakip ng Higher Rank. Karamihan sa mga establisyemento at mga negosyo ay bukas na rin. Ang bawat isa na nasa labas ay wala ng bakas nang pangamba na anumang oras ay maaari silang madakip.

"Salamat sa paghatid," sambit ko ng inihinto na niya ang sasakyan sa tapat ng convience store.

I'll just grab something to eat before coming back to my own place. Mystia rolled down the window and waved her hand to me. I smiled and waved back.

"Take care! Call me when you got home," bilin niya pa.

Tumango ako saka pinagmasdan na lamang na muling sumara ang bintana sa kanyang tabi bago unti-unting umandar ang sasakyan paalis.

Nang tuluyang mawala sa aking paningin ang kanilang sasakyan ay dumiretso na ako sa loob ng tindahan. The store had this vibrant ambiance affecting all the customers and staff. Everyone potrayed a happy ang light aura.

Kinuha ko ang aking pakay sa loob ng tindahan. Nang makapagbayad ay kaagad na rin akong dumiretso sa aking bahay.

I am sure I'll have to do a lot of cleaningg in my house since I was away for some months. Malayo pa man ay tanaw ko na ang nakaparadang abuhing sasakyan sa tapat ng aking tinitirhan.

Kumunot ang noo ko ng unti-unting rumihestro sa aking isipan kung kanino ang sasakyan na iyon.

"Ferula!" Natigil ako sa aking paglalakad ng makita na naroon sina Mrs. Laurette.

"Mrs. Laurette..." sambit ko sa kanyang pangalan. Mula sa kanya ay bumaling ang aking mga mata sa kanyang katabi. "Ano po'ng ginagawa nyo rito, Mr. Krion?"

Kaagad na lumapit sa akin si Mrs. Laurette. "I'm sorry. I'm so sorry." She grasped my hands with teary eyes.

Naguguluhan ko siyang pinagmasdan. "Ano pong nangyari? Bakit po?"

Binalot ng pagsisisi ang kanyang mukha. "Hindi namin alam na hindi naman pala totoo iyong balita. Sana hindi na lang namin sinabi sa'yo. Sana hindi ka na nadakip pa."

"Mrs. Laurette, please calm down." I smiled at her. "Everything's fine now. The witch who cursed the Higher Rank was already caught."

Lumamlam ang kanyang mga mata. "Si Azarious... hindi rin namin alam na kabilang pala siya sa Higher Rank. Hindi namin alam, Ferula."

Tumango ako saka marahang pinisil ang kanyang mga kamay na nakahawak pa rin sa akin. "I understand, Mrs. Laurette. We are all feed with lies."

Her eyes softened. "Are you okay? Nasaktan ka ba? Kahapon nagpunta na kami rito pero wala ka."

"Nandoon po ako sa kaibigan ko. Doon po muna tayo sa loob ng bahay."

Maiintindihan naman siguro nila kung hindi gaanong malinis ang aking bahay. Ilang buwan rin ang aking naging pagkawala kaya sigurado akong marumi na roon. Baka makapal na ang mga agiw sa kisame.

Nagtaka ako ng sa halip na pumayag ay umiling lamang siya sa akin. "Maliban sa gusto naming malaman kung ayos ka lang ba, mayroon pa kaming ibang sadya sa'yo..." Tinignan niya ang kabiyak.

I watched Mr. Krion pulled something from his pants' back pocket. I stared at him in confusion when he handed me a small brown notebook. Still confused, I took the notebook.

"D'yan nakasulat ang lahat ng tungkol sa pamilya ni Azarious," aniya, "that's his mother's diary."

"Why are you giving this to me?"

Masked Glamour Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon