Chapter Thirty-Five

16 1 0
                                    

Azarious

Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko kahit nakapikit pa nang maramdaman ang pagyugyog sa aking balikat.

“Azarious!”

Awtomatiko akong nagmulat ng mata ng marinig ang nakaiiritang boses ni Krion. Hindi ko alam kung bakit umagang-umaga ay nambubulabog siya rito sa akin. Wala ba siyang gagawin?

“Bangon na dyan! Tulungan mo raw si Laurette at Aleron doon sa kusina,” aniya. Sa kanyang bisig ay nakita ko ang asul na lampin.

Mariin ko siyang tinitigan. “Bakit mo ako inuutusan?”

Umawang ang kanyang mga labi sa aking sinabi. Kalaunan ay kumunot ang kanyang noo saka bumaba ang tingin sa kanyang mga bisig. “Lalabas ako. Paaarawan ko ang anak ko.”

“Hindi.” Muli akong bumalik sa pagkakahiga. Bumaling ako sa kabilang direksyon ng aking higaan para talikuran siya. “Matutulog pa ako.”

Wala akong magandang tulog kagabi.

Sa aking isipan ay pagak akong natawa. Kahit naman pala sa nagdaang mga gabi ay hindi rin maganda ang naging pagtulog ko. Wala na... simula ng umalis siya rito sa kweba.

“O, sige, kung ayaw mo, ikaw ang magpaaraw sa anak ko. Ako ang tutulong doon sa dalawa.”

Marahas ang ginawa kung pagbaling sa kanya at pinukol ng masasamang tingin. Mas lalong sumama ang mukha ko ng makipagtagisan pa siya ng tingin sa akin.

“Baka nakalilimutan mong nakikitira ka lang dito,” nanghahamon ang aking tinig.

Bakit niya ako uutusan? Ako ng nagmamay-ari ng kweba na ito. Ako ang dapat masunod rito.

Umingos siya. “Sige nga, sabihin mo iyan kay Laurette.” Ngumisi siya ng mas lalong tumalim ang mga tingin ko. Padabog na bumangon ako sa aking kinahihigaan.

I walked and stood high in front of him. I want to sink my claws or the tips of my sharp horns to his skin. He’s so annoying. I let out a growl and bared my teeth. He shook his head and smile like it did not affect nor scare him.

“Tigilan mo ’yan, tao ka na. Wala ka ng panakot na pangil.”

Malakas na kumalabog ang pinto ng isara ko iyon. Mabibigat ang bawat hakbang ko patungong kusina. Ang mabangong amoy ng mga nilulutong pagkain ang agad na nanuot sa aking pang-amoy.

“Azarious? Gising ka na pala.” Sinipat ako ni Laurette. Kumunot ang kanyang noo ng makita ang aburido kong itsura pero hindi rin nagkomento tungkol roon. “Mag-almusal ka na muna. Nasa labas pa si Krion, pinaaarawan niya si Rubeus.”

Ha! I knew it! He’s just annoying me!

Lumapit ako sa mesa. Akmang dadamputin ko na ang bagong lutong tinapay ng may tumabing sa kamay ko. Masama ko siyang binalingan at pinanlisikan ng mga mata.

Aleron pointed his finger to the other side of the table. “Iyon ang sa’yo, Hindi ’yan,” sambit niya.

My brows furrowed. It’s just the same! Both bread!

“Pareho lang namang tinapay iyon!” singhal ko.

“Aleron, tikman mo nga ito. Medyo hindi ko kasi gamay ang ganitong putahe. Tikman mo nga muna. Sabihin mo sa’kin kung ano pa ang kulang.”

Aleron mockingly laughed at me before he walked towards Laurette. I rolled my eyes and walked to the other side of the table and picked the bread. Laurette who loves throwing party prepared foods for a small celebration before Aleron finally go back to the cave in Ganazon.

Masked Glamour Where stories live. Discover now