Chapter Twenty-Four

12 1 0
                                    

Ferula

Nanlaki ang aking mga mata at nahigit ko ang aking hininga. Napatakip ako sa akng bibig upang pigilan amg anumang ingay na maaring lumabas pa roon. Kasabay niyon ay nanlamig ang aking katawan at hindi na nagawang gumalaw sa aking kinatatayuan.

Sa labas ng pinto ng silid ni Azarious ay nakahiga sa tapat mismo ang isang natutulog na malaking leon. Taimtim ang pag-usal ko ng panalangin na huwag magising ang natutulog na hayop saka sinubukang igalaw ang aking mga paa.

Ngunit sa naging maling tapak ko ay naglikha iyon ng kakarampot na ingay na agad nakarating sa kanyang pandinig. Halos tawagin ko na lahat ng santo nang unti-unting dumilat ang kanyang mga mata.

Sa unang tama ng kanyang kulay dilaw na mga mata sa akin ay tila ba kinikilala niya pa ako ngunit kalaunan ay agad iyong naging mabalasik. Halos takasan ako ng aking hininga ng mabangis siyang umangil sa akin at bumangon mula sa kanyang pagkahiga. Labas ang kanyang matatalas na ngipin na tila ba handang-handa na upang ibaon sa aking katawan.

“Aslan.”

Ang akmang pag-abante ng leon papunta sa akin ay agarang nahinto sa boses na aming narinig. Kapwa kami napabaling sa pinagmulan ng boses.

Sa nakabukas na pintuan ng silid sa likuran ng leon ay nakatayo ang aking pakay kung bakit ako muling narito sa ibabang bahagi ng kweba. Ang kanyang gintong mga mata ay napunta sa akin.

“Anong ginagawa mo rito?”

Ang kanyang malalim na boses ay pumailanlang sa aking pandinig. Subalit ang aking mga mata ay muling natuon sa mabangis na leon na muli na naman akong inangilan.

Azarious step outside his room. My heart skipped. Isn’t he’s scared it might just eat him alive? Why does he is not showing any fear?

Thus, his next move answered my questions. “Aslan, stop baring your teeth to the poor human. She looked like ready to collapsed at any seconds,” he said without taking his eyes off the lion. There's a hint of playfulness in his voice.

My mouth gaped open. “T-That’s...” Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sa huli ay itinuon ko iyon sa halimaw. “He’s y-yours?”

He snorted. “What are you doing here?” pag-ulit niya sa naging katanungan kanina.

Kumurap ako saka binasa ang aking natutuyong mga labi. Ang dambuhalang leon ay unti-unting naglakad papasok ng kanyang silid hanggang sanawala na ito sa aking paningin.

“P-Pinatatanong ni Mrs. Laurette kung sasabay kang kumain sa hapag...” Muli akong napakurap saka saglit na sumulyap sa kanyang likuran. Naroon pa rin ang kaba sa aking dibdib. “The lion’s your f-friend?”

He growled and turned his back on me. “Hindi ako sasabay.”

He slammed the door with force making me flinched a bit. Napalabi na lamang ako sa kanyang ginawa. Pumihit ako paharap at tuluyang nilisan ang kanyang silid.

***

Hawak ko sa aking kanang kamay ang palumpun ng dilaq na mga bulaklak habang sa kaliwa naman ay ang mga kulay puti. Mga ligaw na bulaklak iyon na ipapalit ko sa plorera sa salas.

Masked Glamour Where stories live. Discover now