Epilogue

34 3 0
                                    

Ferula

Naghalo-halo sa aking pandinig ang tunog at kalansing ng mga kubyertos kasama na rin ang palitan ng mga salita sa aking paligid. Ang mabangong aroma ng mga pagkaing inihahanda ay nanunuot sa aking pang-amoy.

Ang sarap tumigil sa aking ginagawa para tumikim sa masasarap na pagkain ngunit ako man ay may nakalaang gawain din. I looked at the oven when it beeped. I grabbed the gloves then opened the oven. I took out the pan of my freshly made chocolate cupcakes.

“Hmmm, ang bango naman.” Mystia sniffed the air.

I couldn’t help but chuckled as I put the muffin pan on the table. Sa kanyang harapan ang mga naunang gawa ko na ibang mga cupcakes. Natapos na niya iyong lagyan ng mga toppings at ibang icing decorations.

Matapos isalang ang panibagong cupcakes sa oven ay bumalik ako sa mesa saka tumulong sa kanya sa paglalagay ng mga tapos ng cupcakes sa cupcake holder. Mayroong magaganap na salu-salo mamayang gabi.

It was the Higher Ranks’ event to finally welcome and introduce the new elected officials of the Higher Ranks. Everyone are invited to attend the big event tonight.

Frius and Mystia, being one of the most talked owner of the popular cafe in the town, was invited to prepare some of the food itenerary for tonight’s event.

Everything was done as the sun set off the horizon. We went to the locker room to change clothes. I took off my light brown apron and freed my hair from my black hairnet. Mas lalo iyong kumulot mula sa matagal na pagkakapusod.

Kinuha ko ang bimpo sa loob ng aking bag at ang aking suklay. Sinuklay ko ang aking buhok saka pinunas ang namuong pawis sa aking noo.

“Do you think he’ll come tonight?”

Sandali akong nahinto sa ginagawang pagsuklay sa aking buhok saka nilingon si Mystia sa aking tabi na tinatangal din sa pagkakapusod ang kanyang buhok.

“Hmmm, siguro.” Ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay. “He was once part of the Higher Rank, maybe they sent him a an invitation too.”

Tumango siya sa aking sinabi. “Sabagay,” sambit niya. Sa sulok ng aking mga mata ay nakita kong humarap siya sa akin. “Don’t you miss him?” may bahid ng panunukso ang kanyang boses.

Nilingon ko siya at nakita ang mapaglarong ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Natawa ako dahil doon.

“Ayy, pasekreto naman.” Tumulis ang kanyang nguso. “Ikaw, Ferula ha, madalas ka ng nagtatago sa akin. Hindi ka na nagkukuwento tulad ng dati,” may tampo sa kanyang tinig.

I chuckled. “But I am not keeping secrets to you.”

“Hmp!”

“We barely see each other for the past year. Abala rin kasi ako sa maraming bagay. Isa pa, madalas ako sa gubat ng Neville kasama si Melissa para sa aking pag-eensayo kaya hindi ko naman siya madalas makita.”

“Don’t you think you should both give time for each other?” Pinagdikit niya ang kanyang dalawang hintuturo. “Like real lovers?” Muling bumalik ang mapaglarong ngiti niya.

“Ewan ko sayo.”

I shook my head and clipped my hair with my white butterfly hairclips. Though, I couldn’t stop the smile trying to peak on my lips as his face played in my mind.

I admit I do miss him. I miss those days when we were in the cave. I miss those days when we would spend time in the falls. I miss those days when we were together even though he was always annoyed with my presence but couldn’t just snapped my head for he promised to Mrs. Laurette that he will never hurt me again.

Masked Glamour Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon