Chapter Twenty

13 1 0
                                    


Ferula

Mahapdi ang aking mga mata ng magising. Bumangon ako at walang sapin sa paa na naglakad patungo sa banyo. Napangiwi na lamang ako nang makita ang sariling mukha sa salamin.

Magulo ang aking buhok at mayroon pang ilang tuyong dahon ang nakakapit doon. Napatigil ako sa pag-alis sa mga iyon at pinagmasdan ang sarili. Umaawang ang aking mga labi ng magbalik sa aking isipan ang nangyari kagabi.

Ang magising sa ibabaw ng aking higaan ay malinaw na hindi nga panaginip ang nangyari kagabi. Someone really brought me back to my room.

But... who would it be?

Bago pa tuluyang sumakit ang aking ulo sa pag-iisip ay ipinasiya ko na lamang na maligo. Nakita ko rin ang kumapit na lupa sa dulo ng aking mga daliri sa paa.

I mentally take note to check my bed after taking a bath. Kailangan kong makita kung anuman ang maaring dumi na kumapit doon o kung mayroon din na mga tuyong dahon na possibleng naiwan para matanggal ko na rin.

Matapos ang mga dapat kong gawin ay nagpasya na rin akong lumabas ng silid. Katulad ng madalas kong gawin sa tuwing lalabas ng aking silid ay maingat kong binuksan ang aking pintuan saka iginala ang paningin sa labas. I am always checking if there is any sign of Azarious being near me.

Naisip ko na mas mabuti na iyon na hindi niya ako nakikita. Para na rin hindi araw-araw na mag-iinit ang dugo niya sa akin. Hindi pa rin naman ako kampante sa kanya. Wala pa rin akong kasiguruhan na hindi na niya ako sasaktan pa ulit. There's still a doubt inside me. At the corner of my mind, I just can't take away the possibility of him snapping my head off of my body just beacause he hated me.

"Good morning, Ferry," bungad na bati sa akin ni Mrs. Laurette pagkarating ko sa kusina. Inilapag niya ang umuusok na tasa ng kape sa harap ng asawa.

"Magandang umaga rin saiyo, Mrs. Laurette." Tumingin ako kay Mr. Krion na nasa kaliwang upuan na bahagi ng kabisera. "Good morning, Mr. Krion."

Iniangat niya ang mukha mula sa pagkakatutok niyon sa hawak niyang makapal na libro bago ibinalik sa akin ang aking naging pagbati.

Naupo ako sa kalapit niyang upuan at hindi napigilan ang sariling dungawin ang kanyang binabasa. Ngayon ko lamang siya nakitang ginagawa iyon.

"What are you reading, Mr. Krion?"

"Pregnancy and babies," kaagad niyang sagot na hindi inaalis ang titig sa hawak na libro. Inilipat niya iyon sa kasunod na pahina habang may interesadong ekspresyon ang mukha.

Kumunot ang aking noo. "Pregnancy and..."

Nanlaki ang aking mga mata at napangat ng tingin kay Mrs. Laurette. A soft smile was plastered on her lips. She simply nodded and that's where everything slowly sinked in me.

"Laurette's pregnant with our first pup." Mr. Krion voiced out my slow realization.

Nalipat ang tingin ko sa kanya. May ngiti rin sa kanyang mga labi habang bakas ang pagmamalaki sa mga mata.

"Wow! Congratulations to the both of you!" I exclaimed full of joy.

I clasped my hand as my lips streched to a smile from ear to ear. I couldn't contained my happiness for the werewolf couple.

"Thank you, Ferry," Mrs. Laurette softly answered me.

Our entire morning was spent talking about babies, names, cravings, and a lot of things about pregnancy.
Pati ako ay nakisama na rin kay Mr. Krion sa pag-iisip ng pangalan sa kanilang magiging unang anak. Bakas ang pagkasabik sa kanila pareho ngunit tila mas matindi ang kay Mr. Krion.

I bet he'll be the happiest father when his wife gave birth to their first pup. We even talked about the possibility of them having twins. Naiiling at natatawa na lamang sa amin si Mrs. Laurette.

Subalit sa kabila ng masayang umaga namin ay hindi pa rin nawaglit sa akin ang kakarampot na pagdududa. Muli ay sumisingit pa rin sa aking isipan ang pagpunta rito ng dalawang nakauniporme ng kulay asul.

Ngunit sa aking puso ay tila napakaimpossible ng aking mga iniisip sa kanilang dalawa. Wala silang ibang ginawa kundi pagtulong at kabaitan kaya ang hirap lang para sa akin na paniwalaang kakampi nga sila ng higher rank.

Staring at the happy couple in front of me, my lips tugged into a small smile. Sana nga mali ako.

***

Natagpuan ko ang aking sarili na tinatahak ang daan patungo sa sa silid ni Azarious. Malakas ang sigaw ng aking isip na umalik na lamang sa bungad ngunit taliwas iyon sa mga hakbang na ginagawa ng aking mga paa. Sa pagliko kong muli ay natanaw ko na ang pamilyar na kahoy at kulay itim na pintuan ng kanyang silid.

The lightened torches attached to the walls of the cave was the only source of light to the place. Sandali kong iginala ang aking paningin sa paligid. Napakunot ang aking noo ng makakaita ng isa pang tila daan papunta sa kung saan.

Dala na marahil ng aking kyuryusidad ay inihakbang ko ang aking paa papunta roon. Kumunot ang aking noo at mas lalong itinuloy ang aking paglalakad habang pinapakinggan ng mabuti ang aking paligid.

A gasp escaped my mouth when the sounds became even clear to my ears. "A falls?" I whispered to myself.

Hindi ko napigilan ang pag-awang ng aking mga labi nang tuluyan ko ng marating ang dulo ng aking nilalakad. Sa aking paanan ay ang batong hagdan pababa.

"Wow..." The beauty infront of me was mesmerizing. It was a scene to behold. I stood still and filled my eyes with its exquiste beauty.

Tama nga ang sinabi nila Mrs. Laurette, hindi natatapos sa kung ano lang ang madalas kong makita sa bungad ang totoong itsura ng kweba.

Tila isa itong paraiso na nakakubli lamang sa dilim. Whoever has bravery and courage to enter and walked into the depth of its darkness will only be the one who can witnessed the real beauty of it. Indeed, it takes bravery to experience the best of everything.

The water was so clear. Kitang-kita sa ilalim ang puti at pinong buhangin. Napakasarap pakinggan ang pagbagsak ng tubig mula sa hindi kataasang talon sa kabilang bahagi ng kweba. Parang ang sarap magbabad sa ilalim ng bumumagsak na na tubig niyon.

Hindi ko napigilan ang aking sarili. Inalis ko ang sapin ko sa aking paa saka bahagyang inilapit iyon sa tubig upang damhin ang temperatura. Napapiksi ako ngunit sa huli ay napabungisngis na lamang ng maramdaman ang sobrang lamig ng tubig.

I slipped on my footwear again and spun around to leave but was came face to face to a glaring beast. Sa gulat ay hindi ko napigilan ang pag-alpas ng hiyaw sa aking bibig.

Napaatras ako at nakalimutang nakatayo lamang ako sa paanan ng tubig. Nawalan ako ng balanse at tuluyang bumagsak sa malinaw ngunit sobrang lamig na tubig.

Masked Glamour Where stories live. Discover now