Chapter Twenty-Three

14 1 0
                                    

Ferula

“Ferula?”

Napakurap ako ng ilang beses saka dumako ang tingin kay Mrs. Laurette. Hawak niya ang sandok habang nakapamewang na nakaharap sa akin. Nakataas ang kanyang kilay. Sinundan ko naman kung saan nakatutuok ang kanyang mga mata at nakitang nasa hawak ko iyon.

Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay at mabilis na nag-init ang aking magkabilang pisngi ng mapagtanto na hawak ko ang mahabang sandok sa halip na ang natural na kutsarang pangkain. Nakagat ko ang aking labi sa kahihiyan.

I was helping her to prepare our lunch. I voluntered to set the table and the utensils whilst she cook the food.

“I-I’m sorry, Mrs. Laurette.” Mas iniyuko ko ang aking mukha upang itago ang pamumula niyon saka pinalitan ang sandok ng angkop na kutsara.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga habang isinasalin ko ang tubig sa mga baso. “Ayos ka lang ba?” May bahid ng pinaghalong pagtataka at pag-aalala ang kanyang boses. “Kanina ka pa parang wala sa sarili. May problema ba?”

I shook my head in return to her question. She nodded her head too, though her suspicious stare lingered on me a for seconds before she turned around to continue stiring what she’s cooking on the stove.

Ako naman ay tinapos na ang pag-aayos ng mesa. Sa pananatili ko rito ay laging kami lamang tatlo ang magkakasamang kumakain sa mesa. Ni isang beses ay hindi ko pa naranasang dumalo si Azarious sa aming pagkain.

Sa silid niya roon sa ilalim na bahagi ng kweba siya kumakain. Dinadalhan lamang siya ni Mrs. Laurette ng pagkain. Sa tuwing iniisip ko iyon ay parang may kumukurot sa aking dibdib. He’s such a lonely man. He has so much trust issues that he’d rather choose to be alone in his life that deal with everything and everyone around him whom he doesn’t know if it’s good or bad.

Despite of his monstrous appearance, I could feel it. He’s scared. And as the days passed by, I am nothing but trying to find the reason why he was like that. I wanted to know why he hate human as well as witches—my kind.

Suddenly, I found myself intrigued with him. I know I shouldn’t but I wanted to know his past. I wanted to know his story. I wanted to know why he was changing into a man when striked with moonlight. I wanted to know the stories behind his scars.

All of a sudden, I found him a big mystery that I wanted to resolve.

“Let me help you, Mrs. Laurette.” Inabot ko ang hawak niyang lalagyan ng pagkain na kakahain niya pa lang mula sa kawali.

“Careful, dear. Thats hot.” Bilin niya. Masuyo ko naman siyang nginitian.

Akmang hahakbang na ako papunta sa mesa ng matigilan nang marinig ang palapit na mabibigat na mga yabag. Maging si Mrs. Laurette na nasa aking tabi ay napahinto rin.

Kapwa kami nakatitig sa bungad ng kweba habang hinihintay ang kanyang pagdating. Sumikdo ang aking dibdib nang muli ko siyang masilayan sa kanyang anyo bilang mapanganib na halimaw. Walang bakas at tila hindi sasagi sa isapan ninuman na maaari siyang magbago at mag-anyong tao.

I felt like something twitched inside my stomach when his golden eyes turned to me. Kumabog ang aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. Upang makaiwas sa kanyang mapanuring mga tingin ay lumapit na ako sa mesa upang ilapag ang hawak ko.

“Azarious? You did not tell me you’ll going to be here?” ani Mrs. Laurette. Sa sulok ng aking mga mata ay nakita ko siyang lumapit sa dulo ng mesa habang inaalis ang suot niyang apron.

Hindi ako nag-angat ng tingin at itinutok na lamang ang mga mata sa mga kubyertos na nasa mesa na tila ba napakalaking interes ang ibinibigay niyon sa akin.

Masked Glamour Where stories live. Discover now