CHAPTER SIXTEEN

54 5 1
                                    

Hindi ako sumabay pauwi kay mama. I contacted Von dahil kailangan ko talaga ng kaibigang makakausap ngayon. Mabuti na lang at hindi pa siya ganoon kabusy kaya't hindi pa niya kailangang magovertime.

"Your life is really fucked up by destiny, 'no?" Komento niya pagkatapos marinig ang kwento ko. I agree. Sobrang pinapaglaruan nga yata ako ng tadhana ngayon.

"Kung magiging kwento nga 'tong buhay ko, siguro 'Anak Ng Meant To Be' 'yung magiging title." Biro ko upang pagaanin ang loob ko. I had to fake it. Mas magandang gawin ko na lang biro kaysa dibdibin ko nang dibdibin.

"Pwede ring 'Mahal Ko Ang Asawa Ng Kapatid Ko'." He suggested. Nagtawanan kaming dalawa dahil sobrang makaluma ng title na ginawa niya.

"Alam mo ikaw? Napakahotdog mo." Sita ko rito dahil pinasok na naman niya si Zeke sa usapan ngunit dahil naisingit na rin naman si Zeke, hindi na ako magpapatalo sa kanya. "'Nauna Siyang Maging Akin.'" Muling latag ko ng pwede pang maging titulo.

"Tapos background music, Paubaya ni Moira." Natatawang sabi nito pero aaminin kong nasasaktan na naman ako. Akala ko, kapag ginawa kong biro ang nangyayari sa akin ay hindi na magiging masakit pero kahit anong gawin talaga, sobrang sakit pa rin.

"Ang unfair ng Diyos sa akin, 'no? Bakla na nga, lumaki pang walang tatay, tapos 'yung lalaking mahal na mahal ko ikinasal sa iba. Take note! Kapatid ko pa pala." Paglabas ko ng hinanakit ko sa kanya. I smiled bitterly while trying so hard to fight back my tears. Hindi. Ayaw ko na. Naging hobby ko na ang pag-iyak recently. "Ang swerte ni Gwen. Nasa kanya lahat ng pinagdamot sa akin ng mundo."

"Hindi ko alam kung paano pa kita icocomfort ngayon. Alam kong kailangan mong iiyak 'yan kasi sobrang bigat pero I'm pretty sure na ilang araw ka na rin kasing umiiyak. And you're right. The world is so cruel to you. We can't change that fact but I really do hope na maging okay ka na soon. I want you to be okay. Kung kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako palagi. Besides, babalik ka naman na sa office kasi hindi na tuloy 'yung petition against your license, tama? Cristy took over your dad's account so hindi mo na kailangang magworry about that. I'll be here always, Pat. I'll be with you every step of your healing process." Tuloy-tuloy na sabi nito. I felt his sincerity at sobrang swerte ko dahil nandyan sya sa buhay ko. In fact, mas close sila ni Zeke but he stood by me kasi alam niyang mas kailangan ko siya.

"I'll always be thankful for your presence, Von. Sobrang swerte ng magiging jowa mo kasi ang ganda ng puso mo. Sa akin pa lang ganyan ka na. I can only imagine the things you can do for your future lover." I sincerely replied.

To be fair, Zeke is like that too. Ang swerte ko sa kanya noon. I guess, napakaswerte rin ng kapatid ko because she now owns a part of him that I'll never have.

What If? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now