CHAPTER TWENTY TWO

47 3 0
                                    

If there is something that I could be proud of myself, it is for the fact that I allowed myself to be free.

It's been six months since I asked my manager to transfer me to our branch in Iloilo. Hindi naging madali dahil kinailangan kong mabuhay nang hindi kasama ang aking ina pero masaya ako dahil nagkaayos na sila ni daddy kaya't meron syang nakakasama.

"Sure ka na? Wala nang atrasan 'to, ah?" Von asked as he prepare his luggage.

"Okay na siguro 'yung anim na buwan, Von." I answered. "Salamat sa pagsuporta sa lahat ng desisyon ko, ah? Sobrang solid mo." Dagdag ko rito.

Upon knowing that I asked my manager to transfer me here, hindi siya nagdalawang-isip na sundan ako. Ayaw niya raw na mag-isa lang ako rito kaya kahit kinailangan nyang ipasa ang kliyente nya noong mga panahong iyon, ginawa niya pa rin para lang makasama sa akin dito. I couldn't ask for more from a friend, to be honest. Basta alam kong kaibigan ko si Von, ayos na ako.

"Anytime, Pat." He answered. "Sigurado ka na talaga, ah?" Pagkaklaro nito.

"Wala namang sigurado. Ang alam ko lang, nakapagpatawad na siguro ako."

Without telling Zeke that I am mad at him, pinili kong lumayo nang hindi ko na kailanganin pang klaruhin sa kanya ang nararamdaman ko. Mas maganda na siguro 'yon dahil hindi ko na kailangang magsabi pa ng kung ano mang masasakit na salita na babawiin ko rin naman balang-araw dahil mahal ko pa rin siya.

"I'm so proud of you, Pat. Always." Von uttered. Tinigil pa nito ang pag-aayos ng gamit upang guluhin ang buhok ko.

"I'm so thankful that I have you, Von. Always." I replied. Hindi ko alam kung lagi ko bang napaparamdam sa kanya but I'm beyond grateful dahil naging kaibigan ko sya. "You're going to be a senior na. I know you'll do good." Pagbubukas ko ng isa pang topic.

"Mas masaya sana talaga kung sabay tayong naging senior, eh." He uttered.

"Sus! Kaya mo naman nang wala ako." I shrugged him off. "Baka nga you can do better since wala na ako sa paligid mo."

"That - I will disagree. You're very helpful to me. Things are easier when you're near." He answered. "But something bigger is waiting for you. Alam kong kaya mo naman na 'yon so no need to wish you luck."

"Hala? New work, new environment kaya 'yon. For sure mahihirapan ako. Keep your lines open kapag need ko ng help mo, ah?" I answered. Taking over to the management responsibility of our business is really going to be new for me. Wala naman akong ideya doon. Good thing that our dad will be there to guide me every step of the way.

"No need to remind me, Pat. I'm always here for you kahit hindi mo pa hingin tulong ko." He replied.

I'm really thankful for this guy's presence. Sobrang bait ng Diyos sa akin for giving him to me.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya't sinagot ko agad iyon.

"Oh? Gwen? Bakit ka tumawag?" I asked curiously.

"Manganganak na yata ako. Wala nang susundo sa 'yo ngayon kasi papunta na kaming lahat sa hospital."

What If? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now