CHAPTER THIRTEEN

53 3 1
                                    

Alam kong mali pero pumayag pa rin ako dahil gusto ko. Gustong-gusto ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kahit pilit kong nilabanan.

Why do I feel like I'm cheating when he's supposed to be mine in the first place?

"What do you want for breakfast?" He asked. I stared blankly at the ceiling thinking why did I allow this to happen. "May tapsilog. Gusto mo 'yon na lang?" He added.

Kilalang-kilala niya ako. Alam niyang tapsilog lagi ang gusto kong kainin kapag meron. Tipid akong ngumiti sa kanya bago sumagot.

"Sige."

Agad siyang tumayo upang sabihin sa staff ang pagkain namin. Nang makalabas siya ng kwarto ay tumayo na rin ako upang maligo dahil sisimulan ko agad ang trabaho ko.

Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko siyang nakahiga lang sa sofa.

"Manager ka rito, ah? You're supposed to work early," I reminded him.

"Nandito pa naman si uncle. Besides, we're not having our breakfast yet. Pagkatapos na lang siguro." He answered.

Hindi na ako sumagot pagkatapos noon. Dumiretso na lang ako sa kwarto upang magpalit na ng damit at pagkatapos din ay binalikan ko siya. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya at pinaupo ako sa tabi niya.

"I miss hugging you like this." Biglang sabi nito sabay yakap sa akin. Hinayaan ko siya. Ang tagal ko ring hindi naramdaman ang yakap niyang ganito kaya't hahayaan ko siya. "And kissing you like this."

He started giving me smacks on my cheeks while still hugging me. Hindi ko siya mapigilan. Ayaw kong pigilan. His sweet little gestures like this feels like heaven way back then. Hindi ko naman inasahang ganoon pa rin ang mararamdaman ko ngayon.

"I love you." He whispered in my ears. Napagod na yata siyang halikan ako.

Gusto ko mang ibalik sa kanya 'yon ay hindi ko ginawa. Instead, I pinched his nose like I usually respond to him.

"Maligo ka na." I commanded him.

"Ayaw." He childishly respond.

"Ayan ka na naman sa pabebe mo, ah." Sita ko sa kanya.

"Kiss muna." He kept on his childish plays.

"Tigilan mo ako. Bilis na." I commanded him once more.

"Hindi ako tatayo hangga't walang kiss." He's persistent. Natawa na lang ako kasi ang kulit talaga niya.

I gave him what he wanted. I kissed him on his lips pero hindi pa yata tumagal iyon nang isang segundo.

Nang humiwalay ako sa kanya ay bigla na lang niya akong hinila pabalik. He kissed me passionately like how he did before. I felt like my entire body froze. I miss this. I want this. Pinigilan ko ang sarili kong ibalik sa kanya iyon ngunit hindi ko kaya. I kissed him back. We exchanged kisses as if we've never separated. Ang alam ko lang, akin siya ngayon. Kahit ngayon na lang ulit.

I savoured every moment of that kiss. We were panting when we stopped. On my peripheral vision, I saw our door widely opened - Mr. Villagracia was looking so shocked of what he saw.

Napatayo agad ako pagkakita ko noon.

"Sir." I didn't know how to explain. Kabang-kaba ako dahil alam kong kahit anong paliwanag ko, mali talaga ang nangyari.

"I thought that I'll be the one surprising you by delivering your food. Kayo pala talaga ang may sorpresa para sa akin." He uttered. "Ezekiel, ano 'to?" He asked in disbelief.

"Tito, sorry po." He responded. Hindi niya rin siguro alam ang gagawin.

"I want both of you to be out of my resort immediately." He calmly commanded us. He then looked at me straight in the eyes and said, "I'll make sure you'll have your license revoked because of this unprofessionalism."

AUTHOR'S NOTE:
HAPPY NEW YEAR, EVERYONE!

What If? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now