CHAPTER TEN

57 3 1
                                    

Gaya ng isang normal na client, napakaraming pagkain ang nilapag ni Mr. Villagracia. Kasama rin namin si Ezekiel dahil maging siya ay ioorient tungkol sa business nila.

"We've only been operating for 5 years now. Investors come and go kasi the place is so promising pero sa sobrang layo ng lugar, kaunting customers lang nakukuha namin kapag off-season. Pero ibang-iba naman kapag summer gaya na lang ngayon. All our rooms are filled. Mabuti na lang talaga at magkakilala kayo kaya ayos lang na magsama sa iisang kwarto." I felt his energetic vibes despite being the owner of this resort. Hindi siya 'yung tipikal na masungit at parang trabaho lang ang inaatupag sa buhay.

"Wala naman pong choice." Pabirong sagot ko rito na ikinatawa niya.

"By the way, you left early noong kasal, 'di ba?" He asked as he remembers that night. Ayaw ko na sanang pag-usapan but it will be rude if I avoid this topic.

"Opo. May emergency po kasi sa work." Pagsisinungaling ko. Hindi ko naman pwedeng sabihing sinadya kong umalis because that was so unprofessional of me.

"Sayang naman. You weren't able to see Ben&Ben perform live."

"Sayang nga po."

We talked casually after that. Random topics na mga tinatanong niya just to make me feel at home and I will admit that it really did help. Ang hirap din kasing magaudit nang hindi maayos ang pagtatrabahuhan mo.

I excused myself when my mom suddenly video called me through Messenger. Lumayo ako sa kanila to have my privacy.

"Hi, ma!" Bati ko sa kanya.

"Kumusta ka naman? Kanina ka pa nakarating diyan?" She asked.

"Yup. I'm actually in a meeting with our client now." I informed her. "Ikaw, ma? Okay ka naman diyan?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"Hala nasa meeting ka pala. Sorry. Okay naman ako dito. Sige na, bumalik ka na sa meeting mo." She guiltily said.

"Okay lang naman. Nagkukwentuhan na lang kami ngayon." Paglilinaw ko rito.

"Kumain ka na ba?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Lagi namang puro pagkain kapag may client, 'di ba?" Natatawa kong sagot dito. That's the best part of doing your field work malayo man o malapit. Clients will satisfy your appetite kahit hindi mo hilingin sa kanila.

Maya-maya lang ay lumapit sa akin si Mr. Villagracia kaya't sumenyas ako kay mama na sandali muna.

"I have to deal with other business concerns. I'll leave you with Ezekiel, okay? Feel at home." Tuloy-tuloy na sabi nito pagkalapit sa akin.

"Yes, sir. Thank you po." I answered back.

He smiled at me before leaving. Hindi ko maiwasang ipakita si Mr. Villagracia kay mama dahil sobrang natutuwa talaga ako sa kanya.

"Ayan 'yung client ko ngayon, ma. Sobrang bait niyan." Pagyayabang ko rito.

"Mabuti naman kung ganoon. Sige na. Kailangan ko nang umalis." Nagmamadaling sabi nito. Hindi na ako nakapagpaalam dahil binaba na kaagad nito ang tawag.

Weird. It must have been so urgent kaya ni-I love you hindi niya na nasabi sa akin.

Bumalik ako sa table namin kanina at binalikan doon si Zeke na sa kasalukuyang hinihimay ang mga pizza upang tanggalin ang mga olives.

"You don't have to do that. Busog na ako." Sabi ko rito dahil panigurado'y para sa akin ang pagtanggal niyang iyon sa mga olives dahil hindi ko talaga iyon gusto.

"May dinner time pa naman. Pinapatabi ni tito para may kainin daw tayo anytime."

What If? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now