CHAPTER TWELVE

54 3 1
                                    

Gusto kong bawiin ang sinabi ko kay Von kanina dahil tama siya. Ilang beses na akong labas-pasok sa kwarto kakasilip kay Ezekiel dahil alam kong naiinitan siya sa sala. Summer ngayon at sobrang init naman talaga kaya nakokonsensya akong nakabukas ang aircon ng kwarto habang siya ay init na init sa sala.

My internal control has failed me. Hindi na ako nakatiis at lumapit na sa kanya upang papasukin siya sa kwarto.

"Zeke?" Tawag ko rito. Agad naman siyang nagising at bumangon.

"May kailangan ka?" Nag-aalalang tanong nito. Parang sinaksak na naman ang aking puso dahil kitang-kita ko na hanggang ngayon ay ganoon pa rin siya sa akin. I felt the urgency. Ayaw kasi niyang may nararamdaman akong hindi maganda kaya gusto niyang umaksyon agad kung sa tingin niya'y may kailangan ako.

"I just thought na baka naiinitan ka rito kaya sige na. Tabi na tayo sa kwarto." Sagot ko. Ramdam ko rin ang init pagkalabas ko ng kwarto kaya alam kong tinitiis lang niya dahil alam niyang ayaw ko sana siyang katabi.

"Thank you." Sagot nito.

Agad niyang kinuha ang unan na binigay ko sa kanya kanina upang makatulog sana siya nang maayos sa sala. Pumasok na ako sa kwarto at hinayaan ko siyang pumasok na rin. Bumalik ako sa harap ng laptop upang aralin ang financial statements ng resort upang alam ko kung ano pang dapat kong trabahuhin.

"Nagtatrabaho ka na pala? Akala ko bukas ka pa magsisimula?" Tanong niya nang mapansing nakabukas ang laptop ko ngayon.

"Pinasa lang kasi sa akin 'tong project na 'to. Mas magandang aralin ko ng sarili ko 'yung financial statements para alam ko kung saan ako magsisimula." Paliwanag ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon. Akala ko'y matutulog na siya ngunit nagulat ako nang bigla na lang siyang magpatugtog.

"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ko sa kanya.

"Baka antukin ka kasi alam mong natutulog 'yung kasama mo. Eto music para hindi ka antukin. Doon na muna ako sa pool." Sagot nito sa akin. Hindi pa man ako nakakasagot ay lumabas na sya ng kwarto.

Itutuon ko sana ang atensiyon ko sa financial statements na tinitignan ko ngayon ngunit hindi ko maiwasang pakinggan ang kantang iniwan niya.

But baby if you say you want me to stay
I'll change my mind
'Cause I don't wanna know I'm walking away
If you'll be mine
Won't go, won't go
So baby if you say you want me to stay
Stay for the night
I'll change my mind

One Direction pa. Alam niyang mahal na mahal ko ang One Direction noon pa man kaya't mas lalo kong naramdaman ang mensahe ng kanta.

Paulit-ulit na lang. Ilang beses ko nang sinabi sa kanyang ayaw ko dahil may isang batang maaapektuhan pero pilit niyang pinaparamdam sa akin na gusto niyang kami na lang ulit.

Mahal ko siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan pero alam kong kahit habambuhay na siyang nasa puso ko, hindi na tama. Kahit kailan, hindi ko na pwedeng ipaglaban.

Imbis na makapagfocus sa ginagawa ko ay nadistract lang ako ng pinapatugtog niya kaya't naisipan kong patayin na lang iyon. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at kinuha ang cellphone niyang nasa kama ngayon. I opened it using his old password and to my surprise, hindi niya pa rin binabago. It was our anniversary. Natigilan ako lalo dahil sa nakita ko.

Songs for Pat

He created a playlist for me. Nacurious ako sa laman noon kaya't tinignan ko isa-isa.

Change My Mind - One Direction
Baby Come Back - Player
Hard to Say I'm Sorry - Chicago
Love Won't Run - Steve Holy
Let's Just Fall Inlove Again - Jason Castro
I Won't Give Up - Jason Mraz
It's Not Over - Daughtry

Hindi ko maiwasang mapaluha. He badly wants us to come back into each other's arms. Kung wala lang sanang bata, gusto ko. Gustong-gusto ko. Kaya kong kalimutang may nangyari sa kanila ni Gwen. Kaya kong ituloy lahat na parang walang nangyari. But I shouldn't. I just can't.

"Pat?" Agad kong pinunasan ang luha ko nang muli siyang pumasok sa kwarto. "Nakita mo na pala."

"Zeke, why do you have to do this?" Tanong ko sa kanya. He smiled bitterly pagkatanong ko sa kanya noon.

"Hindi ko kaya nang wala ka." Agad pumatak ang luha niya. "Ikaw lang 'yung mundo ko kaya noong mawala ka, parang nawala lahat sa akin. Pat, please. Kahit ngayon na lang. Kahit dito lang sa Pagudpud. Pwede ba tayong magpanggap na parang tayo pa rin?"

AUTHOR'S NOTE:

Merry Christmas, y'all!

What If? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon