EPILOGUE

84 4 2
                                    

Kahit sobrang mahal pa ng taxi sa airport ay pinatos ko na upang makapunta agad sa hospital kung nasaan ang kapatid ko. Sinamahan na rin ako ni Von dahil kahit nasa eroplano pa lang ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong mag-alala kung kumusta na kaya ang kapatid ko ngayon.

"She'll be okay. Nandoon naman daddy and mommy mo so may nakabantay naman sa kanya ngayon for sure." Pagpapagaan ni Von sa loob ko.

"Ni wala ngang tumatawag miski isa sa kanila, oh. Paano kung may nangyari palang masama?" Hindi ko mapigilang mag-isip.

"Sira! Ayos lang sila ng baby. Pagkarating natin doon, baka nga nakapanganak na siya." Pagpapagaan pa rin nito ng loob ko.

Kinakabahan ako. Daig ko pa ang tatay ng bata kung kabahan ngayon dahil ayaw kong may mangyaring masama kay Gwen lalo na't sobrang napamahal na sa akin ang kapatid ko.

Kahit na lumayo ako sa kanila ay patuloy pa rin naming kinikilala ang isa't-isa dahil halos araw-araw ay magkausap kami sa video call. Inaasar ko pa nga sya kay Von dahil according to her, he is kinda cute na napansin nya na rin noon pa man sa kasal nila ni Zeke. Syempre, bilang supportive sibling, I only want what's best for her kaya todo suporta ako kung si Von man ang makatuluyan nya talaga.

Sinabayan pa ng traffic ang kabang nararamdaman ko. Sobrang lala na talaga ng Pilipinas. Kahit saan ka dumaan, traffic na. Kung kelan namang kailangan ko magmadali para maging ayos na ang nararamdaman ko, saka pa ganito kalala talaga ang trapiko.

Pagkatapos ng tatlong oras mula sa airport ay nakarating din kami sa wakas sa hospital. Sabi ng driver kanina ay 2,500 lang ang sisingilin sa amin. 3,000 ang inabot ko sa kanya at dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko ay hindi ko na kinuha pa ang sukli at nagmamadali nang bumaba sa taxi kasama ni Von.

Naglalakad na kami papunta sanang kwarto na pagdadalhan kay Gwen pagkatapos ng operasyon ngunit nakasalubong namin si Zeke na sa kasalukuyan ay nakatingin sa isang bintana.

My subconsciousness told me to go there as well. Sinilip ko ang tinitignan nya ngayon at nakitang hawak ng isang nurse ang isang batang lalaki.

"Siya na ba 'yon?" Tanong ko kay Zeke na para bang hindi ko nilayuan nang anim na buwan.

"Si baby, Pat. Si baby." Tuwang-tuwang sabi nito at niyakap ako.

Para bang nabura lahat ng bagay na nasa paligid ko. For six months, ito lang pala talaga ang hinihintay ko. Isang yakap - marahil ay pagpapatawad sa sakit ng nakaraan. Isang yakap pamawi sa itinagong galit. Isang yakap.....

"I miss you, Zeke." Bulong ko rito.

"I miss you, too. Sobra." I heard his sobs in between our hug kaya alam kong totoo ang sinabi niyang iyon. "I love you." Nag-aalangan nitong habol. Bakas sa boses nya ang pag-aalinlangan kung sasabihin niya ba iyon ngunit alam kong nilakasan nya ang loob nya para lang masabi iyon.

Siguro, panahon na ulit.

"I love you, too. Sobra."

What If? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now