CHAPTER FOURTEEN

56 3 1
                                    

My manager allowed me to take a one-week break. Hindi ko rin naman kakayaning magtrabaho ulit because everything right now is so fucked up. Sobrang gulo. Sobrang labo. Pakiramdam ko, wala na akong ginawang tama.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si mama na naghahanda ng makakain. This is the sight that comforts me amidst the chaos of my life right now. Sigurado akong kalabanin man ako ng mundo, mananatili pa rin siyang kakampi ko.

"Good morning." I greeted her. "Off mo ngayon?" Tanong ko nang mapansin kong hindi siya nakabihis pang-opisina.

"Nagleave ako kasi alam kong kailangan ako ng anak ko." Sagot niya na halos nakapagpaluha sa akin.

I broke down upon seeing her when I got home. Umiyak lang ako nang umiyak and even without knowing the story, she stayed by my side to comfort me. Nilabas ko sa kanya lahat ng sakit na nararamdaman ko. I explained what happened and she even cried with me.

"Gusto mong magpunta sa mall?" She asked. "Salon, cinema - kahit anong gusto mo para makapagpahinga utak mo." She suggested.

"Thank you, ma," I agreed. Paniguradong kung hindi ako papayag ay buong magdamag lang naman ako mag-iiiyak sa kwarto.

"Kumain muna tayo dito tapos maligo ka na agad." Bilin nito sa akin kaya't umupo na ako. "Ice skating tayo?" Tanong niya habang nag-iisip ng iba pang pwede naming gawin.

"Akala ko ba bawal kasi mapipilay lang ako?" Tanong ko rito pabalik. Noon ko pa kasi gustong subukang mag-ice skating ngunit hindi niya ako pinapayagan dahil delikado raw.

"Noon 'yon." Sagot nito. "Sobra kong iniwasang masaktan ka. Hindi ko naman inasahang darating pala talaga sa puntong sobrang masasaktan ka." Pumatak ang luha niya pagkasabi niya ng mga salitang iyon. Naluluha na rin ako kaya't pinigilan ko ang sarili ko. Buong araw akong umiyak kahapon. Hindi ko alam kung may iluluha pa ako kapag nilabas ko ulit 'to ngayon.

"Ma, ang aga pa para magdrama." Saway ko rito.

"Hindi ko mapigilan, eh. Nakikita ko 'yung sarili ko sa 'yo kaya ramdam na ramdam ko 'yung sakit." Paliwanag nito habang patuloy pa ring umiiyak kaya't hindi ko na talaga napigilang sabayan siya. "Ang tagal kong hindi sinabi sa 'yo kasi ayaw ko na lang pag-usapan. Dati, kapag nagtatanong ka tungkol sa papa mo, hindi ko alam kung paano ka sasagutin kasi mas pipiliin ko na lang na wala kang alam kaysa maramdaman mong mali ka kasi ganoong ganoon ang nararamdaman ko. Hindi ko naman alam na darating ka rin pala sa ganoong punto."

"What do you mean, ma?" Tanong ko rito. All of a sudden, bakit nasingit bigla ang tatay ko sa usapan? Bakit sinasabi niyang pareho kami ng pinagdaanan?

"Gaya niyo ni Zeke, mahal na mahal din namin ang isa't-isa." Panimula niya ngunit naramdaman ko na kung saan hahantong ang kwentong iyon.

"Pero nakabuntis siya?" Hindi ko maiwasang itanong.

"Hindi ganoon, anak. Siguro, hindi lang talaga kami ang para sa isa't-isa." Sagot nito na halatang ayaw pa sabihin sa akin kung ano talagang nangyari noon.

"Wala naman nang magbabago kahit sabihin mo sa akin kung anong nangyari noon, ma." Payo ko rito. Hindi na rin naman ako masasaktan dahil una pa lang, tanggap ko na.

"Ilang taon naming tinago sa pamilya niya ang relasyon naming dalawa kasi alam naming paglalayuin lang kami. Ang tanga ko kasi una pa lang, alam ko nang hindi talaga pwede pero tinuloy ko pa rin kasi mahal ko siya." My heart crashed even more. Akala ko, sa mga libro at pelikula ko lang makikita ang ganoong tipo ng istorya pero naranasan din pala ng nanay ko.

"Bakit hindi pwede? Mayaman naman pamilya niyo, 'di ba?" Pang-uusisa ko pa.

"Chinese ang tatay mo. Sa pamilya nila, hindi pwedeng ikasal sa hindi nila kalahi." Sagot nito. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pwede. Sobrang bullshit ng konsepto na porke hindi kalahi ay hindi na papakasalan.

"Pero ma, buntis ka sa akin. Hindi ba ako sapat para ipaglaban ka naman niya?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ganoon ba kaduwag ang tatay ko para hindi ako ipaglaban?

"Hindi niya alam. Hindi niya na nalaman. Naghiwalay kami kasi kailangan niya nang pakasalan 'yung babaeng anak ng kasosyo nila sa negosyo." Paliwanag pa nito.

Naghiwalay kami ni Ezekiel dahil nakabuntis siya ng iba pero ang nanay at tatay ko, naghiwalay kahit nandito na ako. Sobrang labo. Ang damot naman ng mundo sa akin.

"Sino siya, ma? Siguro naman, pwede ko na siyang makilala."

What If? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon