CHAPTER SEVENTEEN

47 3 0
                                    

Mr. Villagracia kept on calling me. Siguro naman ay naintindihan niya ang ibig sabihin ng pagbaba ko sa mga tawag niya kaya't tumigil din siya. Bago ko pa man mailapag ang cellphone ko sa kama ay nabasa ko ang mensahe nito.

'Let's talk. Please? Tayong dalawa lang.'

I was so sure na ayaw ko siyang makausap but why do I feel like I badly need to talk to him now? Bakit kailangang ako lagi 'yung nahihirapan?

Imbis na sagutin siya ay pinili kong kausaping muli si Von. Hindi ko na siya chinat upang ipaalam na tatawag ako. Agad niya rin namang sinagot ang tawag na iyon.

"Miss mo na ako kaagad?" Bungad nito sa akin.

"Need ko uli ng kausap. Busy ka?" Tanong ko.

"Kahit naman oo, bibigyan pa rin kita ng oras." Sagot nito. "Naiintindihan ko naman kung gaano kahirap sa 'yo. Ano bang naiisip mo?"

"Wala naman." Sagot ko ngunit agad kong binawi. "Ewan. Von, tumawag kasi 'yung tatay ko."

"Oh? Anong sabi?" Maging siya ay nagtaka sa sinabi kong iyon.

"Hindi ko sinagot. Nagtext pa nga na mag-usap kami nang kami lang dalawa." Kwento ko rito.

"And?" He kept on asking. Alam nya siguro talaga kung gaano kahirap sa akin ngayon na ayusin ang thought process ko.

"Wala. Hindi ko alam. Ayaw ko siyang kausapin pero parang kailangan ko." Paliwanag ko. Ang bigat sa loob kong maramdaman na parang kailangan ko siya.

"Hindi ba mas okay na makausap mo siya?" Tanong nito. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Magkahalo ang nararamdaman ko ngayon dahil una, galit ako sa kanya. Pero hindi ko maiwasang makonsensya pa rin dahil alam kong hanggang ngayon, iniisip niyang inahas ko ang anak niya.

"Ayaw ko."

"Pero kailangan mo. Hindi mo ba itatanong sa kanya kung bakit kayo iniwan?" Pangungumbinsi nito.

"Alam ko naman na. Tsaka para saan pa? Para malaman kung bakit ako kaiwan-iwan?" Paglabas ko ng sama ng loob dito.

"Para malaman mong hindi ka kaiwan-iwan. Na may rason kung bakit ka iniwan. Na hindi ikaw 'yung may mali o problema." Sagot nito na nagpaluha sa akin.

"Hindi naman natin sigurado kung ganyan nga talaga, eh." Depensa ko.

"Kaya nga mas magandang kausapin mo. Wala naman nang mawawala sa 'yo. Baka nga mas ikabuti mo pa."

He got me there. Wala akong maisagot sa kanya kasi for the first time, I was convinced that I need to talk to my father.

"Pero paano? Anong sasabihin ko?" Tanong ko.

"Hindi mo naman kailangang magsalita. Kahit makinig ka lang. Maiintindihan ka niya." Sagot nito.

Mas lalo akong nakumbinsi dahil sa sagot niyang iyon. Hindi ako nagkamali. Mabuti na lang talaga at nandito pa rin si Von sa tabi ko.

"Thank you, Von."

"Anytime, Pat. Anytime."

Pagkababa ng tawag ay nireplyan ko ang tatay ko. 'Saan po?'

Wala pa yatang isang minuto ay nagreply ito agad sa akin. Susunduin niya daw ako. Kinakabahan ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi na ako nagbihis pa o nagpalit ng damit dahil sigurado naman akong hindi kami magtatagal. Hindi ko kaya. Kung meron man, baka ang gusto ko lang talaga ay marinig mula sa kanya na walang mali sa akin. Baka doon, kahit papaano, gumaan ang loob ko.

What If? (BoyxBoy)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें