CHAPTER SEVEN

63 4 1
                                    

We were waiting for our food when he started playing music from his phone just like the old times.

He was my dj. We enjoy each other's company kahit walang nagsasalita sa aming dalawa but he wanted to play music to make things more romantic.

"Para sa lahat ng music na maririnig mo, ako na lang lagi ang maaalala mo."

It sounded too ideal that time but he's right. Sa lahat ng tugtog na maririnig ko ngayon, siya na lagi ang naaalala ko.

I fixed my things para may magawa habang naghihintay.

"Kahit dito na lang ako sa sala magstay. Diyan ka na sa room." He offered. I didn't expect that he will do that because I thought that he is the first one who will insist for us to sleep together.

But it's better that way. No physical attachment, less emotional connection. I'm here for work.

I placed all my clothes in the cabinet. I'll be staying here for a week kaya maraming damit ang dinala ko. I was about to lay down when I heard the lyrics of the song he is playing right now.

Paano bang ang noo'y puno ng kulay at kabuluhan
Ngayo'y walang hanggang dilim at palaisipan
Sinong sisisihin?
Hindi alam ang sasabihin

Noo'y walang humpay, ngiti sa 'ting mga mata
Ngayo'y sa luha at lungkot, hindi makawala
Sino'ng sisisihin?
Bakit 'to nangyari sa 'tin?

Pa'no ba?
Sino ba?
Ano ba?
Bakit 'to nangyari sa 'tin?

Those were the exact questions that I've asked myself. Sinong sisisihin? Bakit 'to nangyari sa 'tin? Paano ba? Sino ba? Ano ba?

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang sagot. Shall I blame him for all this mess? But he was drunk. Hindi niya alam ang ginagawa niya. Pero bakit umabot kami sa ganitong punto? Kung hindi siya, sino ba ang dapat kong sisihin? Ano ba ang dapat kong gawin? Paano ba ako magsisimula?

Being reminded of all those questions, hindi ko mapigilang muling mapaluha. Sa hindi mabilang na pagkakataon, umiiyak na naman ako.

Gusto ko na siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanyang miss na miss ko na siya. Gusto kong marinig na mahal niya pa rin ako at gusto kong sabihing ganoon pa rin ang nararamdaman ko.

But between the two of us, I should know better. Hangga't kaya kong kontrolin ang sarili ko, ako na lang ang lalayo. Ako na lang ang iiwas.

I inhaled deeply to get back my strength. I need to be strong.

Pinunasan ko ang luha ko bago lumabas ng kwarto at magtuloy-tuloy papalabas upang hindi makulong sa iisang bahay kasama siya.

Sakto naman at biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa pagvideo call sa akin ni Von.

"Lunch break na. Kumain ka na ba?" He asked me.

"Kakarating lang namin dito. Hinihintay pa namin 'yung pagkain." I answered.

"Namin? May kasama ka?" He asked which caught me off guard.

I was about to answer when Zeke suddenly went out as well. I know for sure na nakita 'yon ni Von dahil nakataas ang cellphone ko ngayon.

"Hey! It's not what you think." Pinangunahan ko na siya dahil sa naging reaksiyon niya pagkakita kay Zeke.

"Why did you invite him over?" Nagtatakang tanong nito.

"I didn't! 'Wag kang judgmental diyan, ah!" I denied.

"I won't believe you if you'll say na coincidence lang 'yan because what are the odds na magkasama kayo sa iisang resort?" He suspiciously asked.

"Coincidence nga. Malay ko bang siya pala manager nito, 'di ba?" I defended myself.

"Ang tagal naming magkaibigan pero hindi niya nasabing manager siya ng isang resort." He kept on being suspicious.

"I'll explain to you pagbalik ko diyan. For now, stop judging me please." I told him as Zeke started to walk back to our villa.

"Wala ako diyan para ilayo ka kapag iiyak ka kaya please lang, Patrick. 'Wag kang marupok." He warned me.

"Yeah yeah yeah." I answered. "Patrick na naman tawag mo sa akin, Ricardo, ah?" I called him on his second name to annoy him.

"What the heck? Hindi ko naman sinasadyang tawagin kang Patrick!" He teased me again.

"Humanda ka talaga sa akin pagbalik ko diyan!" Natatawa kong sabi rito. "Uy! Ayan na pagkain namin. I need to go."

What If? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now