CHAPTER FIFTEEN

56 4 0
                                    

Sobrang tagal ko nang sanay na hindi naghahanap ng tatay pero pakiramdam ko ngayo'y mas nadagdagan lang ang bigat sa dibdib ko dahil sa nalaman ko.

Hindi ko alam kung kaya ko pa. Lahat na yata ng pagkadurog, nararamdaman ko ngayon. I have a problem in my career, in my lovelife na hindi ko naman na dapat pinoproblema, at ngayon, pati 'yung issue sa tatay ko na matagal na sanang nananahimik, dinidibdib ko na.

Even the movie wasn't successful in diverting my mood. For the first time, hindi ko naramdamang nasa ibang mundo ako habang nanonood ng pelikula. Para akong nanonood sa isang mata pero lumalabas sa kabila dahil pilit ko pa ring naiisip ang mga problema ko.

I need an escape. Hindi ko alam kung ano o paano dahil nasanay akong si Zeke ang naging sandalan ko sa lahat. Sobrang tanga ko nga yata na ginawa ko siyang mundo ko dahil akala ko'y hindi na kami maghihiwalay.

"Dairy Queen? Starbucks? Milk tea? Anong gusto mo?" My mother asked while we are on the way out of the cinema.

"Starbucks please." Sagot ko rito.

Malapit lang ang Starbucks mula sa sinehan kaya't maiksing lakad lang ang kinailangan upang makarating kami kaagad doon. Nagprisinta ako kay mama na ako na lang ang bibili at umupo na muna siya doon. Nang masabi ko ang order namin ay dumiretso ako sa cr dahil kanina pa talaga ako naiihi. Punuan lang sa cr sa sinehan kaya't hindi na ako tumuloy doon.

Sakto namang pagkalabas ko ng cr ay tinawag na ang pangalan ko para sa order namin kaya kinuha ko iyon. Nang maglalakad na ako pabalik sa pwesto ni mama ay napansin kong sa kasalukuyang may kausap siyang lalaki ngayon kaya't nakaramdam ako ng kaba.

Ngayon na agad? Sabi ni mama ay susubukan niyang kausapin ang tatay ko para makilala ko na ngunit hindi ko naman inasahang ngayon na pala kaagad 'yon.

Pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko o kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Ni hindi ko alam kung paano ko siya titignan o kung paano ako babati.

Nang makarating ako sa pwesto namin ay alam kong wala na akong ibang magagawa kundi ang tignan siya. Nilapag ko muna sa harap ni mama ang order niya bago ko unti-unting nilingon ang lalaking kausap niya ngayon.

Napahinga ako nang malalim dahil sa nakita ko. Sobra akong nabigla. Kumurap pa ako nang dalawang beses upang kumpirmahin ang nakita ko ngunit wala pa ring nagbago.

"Are you my son?" Tanong nito. Halata sa kanyang hitsura at boses na naiilang din siya nang makita ako.

"Pat, umupo ka muna." Utos ni mama sa akin bago ako sumagot. Parang nablangko ang utak ko dahil sa nalaman ko.

Of all people, why him?

Para akong nanghina kaya't kinailangan ko talagang maupo. Pagkaupo ko ay hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niyang iyon.

Am I really his son?

"Fred, this is Patrick - your son." Si mama na ang sumagot para sa akin at doon ko nakumpirmang siya nga ang tatay ko.

What If? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now