CHAPTER THREE

75 3 0
                                    

"The cold air hits differently when you're broken, 'no?" He randomly uttered while we are both appreciating the view.

I smiled bitterly. Dati, noong nagpunta kami dito, wala akong ibang naramdaman kundi saya dahil magkakasama kaming lahat. Mga kaibigan ko, mga kaibigan niya. We were one. Ang dali naming nagkasundo kahit magkakaiba kaming lahat.

But now, it feels totally different. Parang pumapasok sa loob ng katawan ko 'yung lamig ng hangin. What makes this more sad is the fact that I need his hug to calm my entirety. Ngayon, hanggang alaala na lang ako kung paano niya ako niyayakap noon. I can only imagine his arms wrapping around my body while him swaying our bodies as if there is a silent music that only the two of us can hear.

"Bulalo?" He asked. Muli ay naalala ko si Zeke dahil 'yan ang rason kung bakit kami nagpuntang Tagaytay noon.

Sobrang impulsive. Kapag ginusto niya, kailangan na naming gawin agad kasi alam niyang kapag pinlano pa ay baka hindi matuloy. I was with my friends that time and he was with his squad na kasama rin si Von. Napag-usapan yata nila randomly kaya niyaya niya ako but we invited our friends over which they all agreed on.

Sana pwedeng bumalik na lang sa araw na 'yon.

"G! Basta hindi sa kung saan tayo kumain dati. Baka umiyak lang ako nang umiyak kaysa kumain." Inunahan ko na siya. Paniguradong aalalahanin ko lang ang hitsura namin noon na magpapaiyak lang ulit sa akin.

"I told you. Cry it all out! Huwag mong kontrolin just because you don't want to look fragile. You are free to be fragile, Pat. Lumayo tayo para ilabas mong lahat 'yan." He convinced me.

"Ang lala na ng iyak ko kanina sa sasakyan mo, 'di ba?" I reminded him.

"That's it? Ganoon lang kababaw 'yung sakit?" He asked me.

And once again, it broke me. Hindi ko na naman napigilang umiyak.

"Oh ayan! Ayan na! Masaya ka na?" I asked him while hitting him hard.

Wala akong masisi sa nangyari sa amin. Wala akong mapagbuntunan ng galit kaya hindi ko rin alam paano ilalabas.

"Kulang pa! Ilabas mo pa!" He's pushing me. Mas napalakas pa ang paghampas ko sa kanya hanggang sa nawalan na lang ako ng lakas.

I found myself crying on his chest while he is comforting me. I'm so thankful that he chose to be with me at this time. Siguro, kung hindi niya ako niyaya papalayo, baka umiiyak na ako sa reception ngayon habang nakikinig sa mga sinasabi ng mga tao sa kanila. Baka umiyak ako habang nagsasalita sa gitna habang pinepeke lahat ng gusto kong sabihin sa kanila.

"Sorry, Von. Masakit ba?" I asked him. Sigurado akong napalakas ang hampas ko sa kanya kaya nakokonsensya ako.

"Kahit naman sabihin kong oo, alam kong mas masakit pa rin 'yang nararamdaman mo." He answered. Naaawa pa rin siya sa sitwasyon ko. Sabagay, kahit ako, awang-awa sa sarili ko. "Hindi magiging madali pero sana maging okay ka."

"You know what's funny? My concept of being okay revolves around him. Okay ako kapag okay siya. Okay ako kapag masaya kaming dalawa. Okay ako kapag nandiyan siya. Okay na ako kapag nagchat siya." I smiled bitterly after saying those words. "Ngayon, hindi ko na alam kung paano magiging okay mag-isa. Sana pala tinuruan ko rin ang sarili ko kung paano."

"It's been three years, Pat. Three years na mundo niyo ang isa't-isa kaya ayos lang kung hindi mo alam kung saan ka magsisimula. And trust me, nandito lang ako kapag kailangan mo ng makakausap. Kaibigan mo rin naman ako, 'di ba?"

"Oo naman!" I answered. Bago naman maging kami ni Zeke, magkaibigan na kami ni Von dahil magkaklase kami noon pa lang. It's just that they grew closer with each other while I have my own circle of friends kaya mas close na sila ngayon. "Sobrang salamat, Von."

What If? (BoyxBoy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora