CHAPTER EIGHTEEN

48 2 1
                                    

Of all the places that he could bring me, dinala niya ako sa isang Tapsihan. Sigurado akong sinabi ni mama sa kanya kung anong hilig ko kaya dito niya ako dinala. Unfortunately, wala akong gana. Ayaw kong kumain. Kahit tapsilog, hindi kayang pagaanin ang loob ko ngayon.

Without asking, he ordered food for me. My mother raised me right kaya pinilit kong kumilos nang tama. Gusto kong ipamukha sa kanya na kahit nanay lang ang meron ako habang lumalaki, naturuan ako kung ano ang tama't mali.

I'm staring blankly at my food while it is being cooked. Ayaw kong tumingin sa kanya. Hindi ko kaya.

Napansin yata niyang hindi talaga ako titingin sa kanya kaya't sinimulan niya nang magsalita.

"Hindi ko alam kung paano sisimulan. Sobrang laki ng kasalanan ko sa 'yo. What's even worse is that I unintentionally hurt you even more noong nakilala kita.  Buong buhay mo, wala akong naiambag kundi sakit. Anak, I'm really sorry." Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon ngunit hindi ko na napigilan ang luha kong tumulo. Nasasaktan ba ako sa sinabi niya? Nagagalit dahil tama lahat ng sinabi niya? O natutuwa kasi inako niyang may kasalanan siya sa buhay ko? Hindi ko alam. "I broke up with your mother not knowing that we have you. Natakot ako, eh. Lumaki akong hindi kinikilala ng angkan namin dahil nagpakasal sa Pilipina ang tatay ko. Bago kami maghiwalay ng mama mo, finally, kinilala na ako ng angkan namin. Natanggap na kami. Buong buhay kong hinintay 'yon at ayaw ko namang dahil sa akin kaya itatakwil uli kami kaya nang sabihin nilang hiwalayan ko ang mama mo, kahit sobrang bigat sa akin kasi mahal na mahal ko siya - pumayag ako. Nakipaghiwalay ako. And I'm really sorry for being that weak. Hindi ko alam na nabuo ka, anak. Hindi ko alam. I'm sorry for not being there when you were growing up. I'm sorry for making things harder for you. I'm sorry." Ang bigat sa loob ng mga narinig ko kaya't mas lalo akong humagulgol nang hindi pa rin makatingin sa kanya. I feel like I was being unfair. 'Yung tono ng boses niya nang sabihin niyang natanggap na siya ng angkan niya, naramdaman ko 'yung saya. Naramdaman kong buong buhay niya, he was seeking for that validation. Kaya kahit hiwalayan niya ang babaeng pinakamahal niya, ginawa niya.

Fuck this great wall of China. Hindi ko maintindihan kung bakit big deal sa kanilang kalahi nila ang pakasalan nila. Hindi ko maintindihan kung bakit parang kasalanan pa kung magmahal ka nang totoo. Hindi ko alam kung bakit mas okay sa kanilang may pamilya o relasyong masira o batang lumaking walang magulang para lang sa lintik na great wall of China na 'yan!

"Zeke already talked to me. He explained the truth. I'm sorry, again, for hurting you. Hindi ko alam. Wala akong alam. I have no idea how hard was it for you and I'm really sorry for hurting you even more. Hindi ko alam kung paano makakabawi kasi ang laki-laki ng kasalanan ko sa 'yo. You're still healing and I added more wound for you to bleed. Wala na akong ibang ginawa sa buhay mo kundi saktan ka. Sorry, sorry, sorry. Hanggang sorry lang ang kaya kong sabihin at alam kong kahit ilang sorry pa 'yan, hindi pa rin mababago na tatay mo ang mas nakasakit sa 'yo. I'm really sorry. Allow me to make it up to you. Babawi ako, anak. This time, I promise to be your number one savior from all the pain."

He sounded so sincere. Hindi ko na napigilan. Niyakap ko siya without him even asking for it. Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung paano magsasalita. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin ng yakap na 'to. Do I forgive him already? Am I this hurt that I need a hug from someone who caused me a lot of pain? I don't know. I don't understand. Ang alam ko lang, I found home in his hug. I felt protected. I felt secured.

What If? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now