CHAPTER TWENTY

42 2 0
                                    

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. I'm craving for this feeling for a very long time. I want us to start again not thinking about our past.

"Sorry." Sabay naming sabi sa isa't-isa kaya bahagya kaming natawa. Muli ay niyakap ko siya at niyakap niya akong pabalik.

"You have a very good heart, Gwen." Bulong ko sa kanya sa pagitan ng yakapan naming dalawa.

"Mana lang sa'yo. Thank you for forgiving me." She held my hands after separating from our hugs. Maluha-luha siya. "Napakagaga ko for hurting someone na dapat, kakampi ko."

"Huy! Bakit may drama agad? Hindi pa primetime ngayon." Biro ko upang patigilin siya. Mukhang successful attempt naman dahil natawa siya sa sinabi kong iyon. "Don't worry. Kakampi mo ako, Gwen. Magkakampi tayo dito."

"Hindi pa man tayo gaanong magkakilala pero I love you na." She pinched my cheeks. Sobrang clingy nya. I felt the longingness with the way that she stare and act right now. "Where do you want to eat?" Bigla nitong naitanong.

"Ikaw 'yung buntis dito so ikaw na magdecide. I can eat anything naman." Sagot ko sa kanya.

"I knew you'd answer that way. Eto na lang. Are you a rice person, pasta or pizza?" Pagbabago nito ng tanong.

"Mamili ka na lang. Greenwich, Shakey's o Pizza Hut? Lahat ng sinabi mo meron sila." Natatawa kong suhestiyon dito dahil lahat ng gusto nyang kainin, nasa tatlong nabanggit ko.

"Kung ano na lang una nating madaanan between the three." Sagot nito. "Nagugutom na kami ni baby so tara na please." Yaya nito sabay hila sa akin kahit hindi pa ako nakakasagot.

Sobrang sarap sa pakiramdam how she is acting right now as if walang nangyari sa pagitan namin. She's so carefree. Ang swerte ko kasi I don't have to do much work in reconciling us kasi she's acting like there is nothing to reconcile in the first place.

Pagkarating namin sa restaurant ay umorder kami kaagad knowing so well na matagal ang serving nila. While waiting, naisipan kong mas kilalanin pa siya.

"Hindi ka man lang nagulat na ex ako ng napangasawa mo?" I asked her out of curiosity. "I mean of all people, sa akin pa."

"I don't get why gay people don't want to be direct to the point kapag sexuality ang pinag-uusapan. That's what you're pertaining to, right?" Tanong niya. Tama nga naman siya. Bakit hindi ko pa tinanong nang direkta. I nodded to confirm. "21st century na. Being gay is not a revelation naman na. Besides, I'm bisexual. I must be an ally, right?"

"You are?" Gulat kong tanong sa kanya dahil hindi halata.

"Funny how I always get that reaction every time I confess - as if I have to confess in the first place. Again, 21st century na. You do you. Hindi mo kailangan magfit in sa typical norms about sexuality just to confirm that you are a member of LGBTQ community." I can't help but to be amazed. I love how open-minded she is. "Ikaw ba? Where do you fit in the community?" Kahit sa pagtatanong lang niya, sobrang intellectual nang pagkakasabi. Nakakamangha. I wish I was born to be like her.

"I'm gay." I answered.

"Nakakailang boyfriends ka na?" She asked casually.

"Si Zeke pa lang." I answered again. Para akong nasa talk show na isang tanong isang sagot lang ang ginagawa.

"Shocks? Lalo akong naguilty grabe."

"Sira!" Pagpigil ko rito dahil wala naman siyang kasalanan. "Ikaw ba? Nakailang girl slash boyfriends ka na?" Pagbalik ko ng tanong sa kanya para maiba ang usapan.

"Sa sobrang strict ni daddy? Wala." Sagot nito kaya't nagtawanan kami.

"Ganoon kalala?" I asked curiously. Sana naman hindi na maging strict sa akin kasi matanda naman na kami.

"Parang prototype ni Mommy Pinty. Ganern!"

What If? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now