CHAPTER NINE

62 3 0
                                    

While waiting for the owner of this resort to come, napagdesisyunan kong lumibot na lang muna sa dagat. I can't stay inside the same villa with Ezekiel nang pareho kaming walang ginagawa. It only adds up to the drama kaya maganda nang ako na mismo ang umiwas.

Ramdam mong summer na talaga ngayon dahil madaming tao ang nasa beach na ito. No wonder, walang vacant room for me. What a coincidence.

Natuwa ako nang makakita ako ng mga kabataang naglalaro ng beach volleyball. Hindi ko maiwasang maalala noong PE namin sa volleyball na nadapa ako kakahabol ng bola. Buwis-buhay. Pinagalitan pa nga ako ni Ezekiel dahil magpapapilay pa ako para lang hindi matalo. I was that competitive pagdating sa volleyball.

Maya-maya lang ay nagulat ako nang may gumulong na bola sa harapan ko. Napalingon ako sa kung saan iyon nanggaling at nakita si Zeke.

"Alam kong miss mo na. Tara?" Yaya nito sa akin. I smiled blankly as an answer at ginulong pabalik sa kanya ang bola.

"Pass."

Tumayo na lang ako at lumayo sa kanya. Inilabas ko na lang ang cellphone ko at kumuha ng iba't-ibang litrato at video para sa Instagram ko.

This is the dream. Finally, nagagawa ko na rin ang kinaiinggitan ko noon na ginagawa ng mga katrabaho ko.

"Do you want me to take pictures of you para hindi naman puro selfies 'yan?" Someone said from my back. Nasundan pa rin pala niya ako. I should have expected this dahil ganito talaga siya kapilit na tao.

"No thanks."

"'Wag mo naman akong iwasan, oh. Buong Linggo ka bang tatakas sa akin?" He asked.

"Buong Linggo bang walang vacant room?" I asked back. Imposible namang buong Linggo kaming magkasamang dalawa.

"Busy season ngayon. I've already checked it." He answered.

"Okay."

"Can't you at least treat me like a friend?" Pagpupumilit pa lalo nito.

"Ang kulit mo!"

"Please?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa dahil sa sobra niyang kakulitan. Kahit kailan talaga, alam niya kung paano ako mapapapayag.

Sobrang rupok. Ewan ko ba pero pagdating sa kanya, lagi na lang akong ganito karupok.

"I'd take that as a yes." He uttered. "Saan mo gustong magpicture?" Muling tanong nito. I grunted para malaman niyang napilitan na lang ako dahil sa kakulitan niya.

"Dito na lang." Sagot ko rito.

Cellphone niya ang ginamit upang kunan ako ng mga litrato. Gaya ng dati, isesend na lang niya sa akin mamaya lahat ng makuha niya.

Iba't ibang pose ang ginawa ko upang mas maraming pagpilian. I took advantage of the scenery dahil sobrang ganda talaga dito. Even the sand has its own life.

"Okay na 'yan." I made him stop. "Baka dumating na 'yung may-ari."

"Oo nga pala." He said as he realize what I've said.

"Balik na ako doon." I informed him. Tumango lang ito bilang sagot kaya't naglakad na ako pabalik.

As soon as I get the documents that I need, sisimulan ko na kaagad ang trabaho ko upang matapos na kaagad at makabalik na ako sa dati kong buhay.

Sakto namang pagbalik ko sa villa ay nakita kong papalapit na ang isang pamilyar na lalaki. Nakita ko na siya sa kasal ni Zeke so I assume na siya ang may-ari ng resort na ito.

"Good afternoon, sir." I greeted him.

"You look very familiar to me." He said as he look curiously at me. "Saan nga tayo nagkita?"

"Sa kasal po ng anak niyo. Ako po 'yung best man." Pagpapakilala ko rito.

"Oh! Now I remember. Sobrang close niyo talaga ni Ezekiel para isama ka niya dito, 'no?" Natutuwang sabi nito. Bahagya akong tumawa dahil ang totoo, kung alam ko lang na nandito si Ezekiel ay hindi ko na sana tinanggap ang trabahong ito.

"'Yung totoo po, ako po 'yung auditor na pinadala dito."

What If? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now