CHAPTER ELEVEN

58 4 0
                                    

Dahil gabi na naibigay sa akin ang mga kailangan kong gawin ay sinabihan akong bukas ko na simulan ang trabaho ko at mag-enjoy na muna sa ngayon. Sarado na ang gate papuntang beach upang maiwasan ang mga aksidente kaya't dito na lang ako tumambay sa pool area. Nakakainggit tignan ang mga pamilyang magkakasama ngayon. I never got to have that kind of moment dahil lumaki akong nanay ko lang ang kasama ko pero masaya naman ako kapag kasama ko siya kaya ayos na rin. Nakakainggit lang talaga kapag iisipin kong baka mas masaya kung lumaki akong may ama.

Mabuti na lang din at saktong tumawag si Von kung kailang nagdadrama ako ngayon. Pagkasagot ko ng video call na 'yon ay nakita kong nasa sasakyan na siya' t nagdadrive pauwi.

"Sira ka! Why are you using your phone while driving? Baka maaksidente ka nyan!" Sita ko rito. Natawa naman siya sa sinabi ko kaya't tinignan ko siya nang masama. "Excuse me?"

"Chill. Ngayon pa lang ako magdadrive." Depensa nito. "Kumusta naman? Have you guys talked the whole day?" Mausyosong tanong nito.

"Of course! Hindi naman maiiwasan 'yon dahil magkasama kami sa iisang villa." I said as a matter of fact.

"Magkasama kayo?" Gulat nitong tanong.

"Gosh, Von! Feeling ko jinajudge mo na ako ngayon kasi sobrang coincidence ng lahat but swear, none of these are my choice." Depensa ko rito dahil baka iniisip niyang sobrang rupok ko ngayon. But aside from being marupok, baka iniisip na rin niyang ang tanga ko.

"So una, sabay kayong nagpunta dyan. Pangalawa, obviously sabay kayong kumain kanina kasi dumaan siya tapos dumating na mga pagkain niyo. Lastly, magkasama pa pala kayo sa iisang villa. What a coincidence, ano po?" Paglalatag nito na halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Oh! And those pictures na nasa Instagram mo. The shots look very familiar. Hindi na ako magtataka kung si Zeke din kumuha non." Dagdag pa nito.

"Okay. First things first. Sinabi ko nga sa 'yong siya 'yung manager ng resort na 'to because this is owned by Gwen's family. Apparently, this is also his first time to go here kaya pinagsabay na kami kaninang umaga. And of course sabay kaming kakain. Nakakahiya naman kung magpaspecial ako dito na magpadala ng pagkain on a different time just because I don't want to join him, 'di ba? And about the villa, wala kaming ibang choice. The resort has been fully booked kasi if I may remind you, summer season na ngayon. Isang villa na lang available so we have no other choice but to be together." Isa-isa kong pinaliwanag sa kanya to defend myself.

"Bakit galit ka? Bakit parang kasalanan ko?" Natatawa nitong tanong sa akin na ginaya pa si Bea Alonzo kaya't natawa na rin ako.

"I'm just stating facts here." Sagot ko rito. "Ikaw? Bakit gabi ka na umuwi? Akala ko wala kang client?" Sunod-sunod kong tanong dito.

"Tinulungan ko si Cristy magvouch kanina. Sana all na lang talaga sinesendan ng client ng documents needed." Kwento nito sa akin sa ginawa niya ngayong araw.

"At least nakakapagfield work ka, 'di ba?" Pagpapagaan ko ng loob nito.

"Balik tayo sa inyo. Paano 'yan mamaya? Magkatabi kayong matutulog?" Pag-uusyoso nitong muli.

"Issue ka. Sa sala daw siya matutulog mamaya." Sagot ko rito.

"Establishing good internal controls, huh?" Biro nito na auditors lang ang makakaintindi.

"Mag-issue na kaya ako ng unqualified opinion dito kasi may internal control naman?" Biro ko pabalik na tungkol pa rin sa pagauaudit.

"Hindi ka pa naman sure sa effectivity. Baka mamaya niyan magkahiwalay lang kayong matutulog pero sisilipin mo pa rin maya't-maya kung okay lang siya?" Kontra nito.

"Ano ako? Kathryn Bernardo? George? Hindi ako ganon karupok, oy!"

What If? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now