Chapter 26

559K 28K 9.2K
                                    

Chapter 26

Dahil sa tuloy-tuloy na medication at counseling, kahit papaano ay nakabangon ako mula sa Postparum Psychosis. My hallucinations and delusions stopped, but I still continued with my treatment. Kailangan ko iyon lalo at may possibility ng relapse.

During the months I was alone, I learned to appreciate the beauty and serenity of Isla Crisanto. The golden to almost white sand, the clear blue, the ocean-carried air, and the exact comforting warmth of the sun.

Every morning, I would stand near the gentle touch of the waves, carrying some canvas, needles, and threads. I would even hear vendors making small talk and fishermen howling with laughter. It was quiet. It somehow helped me stitch the holes in my soul.

"Neng, may mga bagong dating na tela sa palengke! Sumama ka sa amin!" sigaw ni Aling Tessie sa akin. Masaya ang mukha niya kasama ang ilang mga tindera rin sa palengke.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Ang puting bestida ko na may nakaburdang dilaw na mga bulaklak ay mabilis na hinangin. Ganoon din ang buhok kong medyo humaba na. Sumunod ito sa paggalaw ko kaya sinikop ko ito para iipit sa likuod ng tainga ko.

"Ang sabi mo ay kailangan mo ng lawn, 'di ba?"

I smiled. "Opo. Bibili na rin po ako ng puting sinulid dahil naubusan na ako."

"Para saan ba ang tinatahi mo? Linggo-linggo kang bumibili ng tela," tanong pa ng isa sa mga ale habang naglalakad kami patungo sa palengke.

May bitbit sila na batsya ng mga isda habang si Aling Tessie naman ay tinulungan kong magbuhat ng mga paninda niya.

"Ahh, para kay Alya po, sa anak ko," I replied.

Napasinghap si Aling Tessie. "May anak ka na pala? Ilang taon na?"

"Mag-iisang taon po sa January."

Hindi muna siya sumagot dahil may dumaang mga tricycle ng mga gulay at nakipagkuwentuhan sila saglit sa driver. Nasa gilid lang ako at hinihintay silang matapos.

Nakilala ko si Aling Tessie dahil sa madalas kong pagpunta sa palengke. Sa kanya kasi ako bumibili ng mga karne at gulay. Sa kanya rin ako nagtatanong kung saan may tindahan ng tela rito sa Isla. Minsan, kapag na-late ako ng punta ay magtitira talaga siya ng gulay para sa akin dahil alam niyang mag-isa lang ako sa bahay. Si Abigail kasi ay dalawang beses na lang sa isang buwan kung pumunta rito para i-check ang kalagayan ko.

Hindi naman sobrang isolated ang lugar na ito... gaya ng inaasahan ko. Sa ibang parte nito ay may signal naman, pero ang sabi nila ay wala talagang internet. Hindi rin naman ako maka-relate dahil wala akong phone. Gustuhin ko mang bumili, wala namang nagtitinda sa Isla. Sinabi ko na kay Abi ang tungkol doon kaya siguro sa pagbalik niya ay mabibilhan niya ako.

I could actually leave this place and come with Abi... pero saan naman ako pupunta? It was obvious that my father didn't want to see me. Alam ko ring magagalit siya sa oras na malaman niyang wala ako rito. Puwede kong gamitin ang perang iniwan ni Mommy sa akin pero gusto kong magsimula ulit. Sa bagong lugar. Bagong tao. Bagong pangarap.

Gusto ko ring bisitahin si Mommy pero hindi namin alam kung saan siya inilibing. The information was just too private.

I missed her so much. Gabi-gabi ay inaalala ko ang mga salitang sinabi niya sa akin at palagi ay nauuwi ako sa pagtangis dahil sa mga huling araw niya ay hindi ko manlang siya nasamahan. I didn't even tell her how much I loved her. Ako rin ang beneficiary ng insurance niya na palihim niyang binayaran para kapag nawala siya, may pera ako. Kahit talaga sa huli, ang kapakanan ko pa rin ang iniisip niya.

Ang tanging ipinagpapasalamat ko ay hindi gusto ni Daddy ng responsibilidad kaya sa susunod na pag-uwi rito ni Abi ay dala niya na si Alya. Naaawa ako sa anak ko dahil sa loob ng ilang buwan ay mga helpers lang ang kasama niya.

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon