Chapter 39

819K 30.6K 40.7K
                                    

Chapter 39

‍‍‍‍‍‍‍‍"Kumain ka muna..." aniya matapos ang ilang minuto. He dried my cheeks with his fingers. "Ipapainit ko ang pagkain tapos patutulugin ko na rin si Alya para makapagpahinga ka."

We were still standing in front of each other. Ang mga mata namin ay nasa isa't isa. Parehas namamaga ngunit alam naming kahit papaano ay nawala ang bigat na dinadala namin.

I reached for his massive hand and squeezed it. "I'm sorry. I really am..."

He shook his head before intertwining our hands. "If you're sorry, then, eat something, okay?" malambing na saad niya bago ako higitin papunta sa dining area.

Pinaupo niya ako bago inasikaso ang pagkain. May ilan ding hugasin pa sa lababo kaya habang hinihintay na tumunog ang microwave ay hinugasan niya ang mga iyon. Maya't maya rin ang pagtingin niya sa akin, magpapakawala ng buntong-hininga, bago ituloy ang ginagawa.

Ilang minuto lang ay inilapag niya ang pagkain sa harap ko. May gatas pang kasama.

"'Wag munang kape, ha? Baka hindi ka makatulog, eh." Umupo siya sa tapat ko.

I felt guilty. Hindi ko maintindihan kung bakit hiyang-hiya ako sa kanya.

Bakit ba kasi sinusubukan niya pa ring lumapit sa akin? Galit dapat siya! Hindi dapat niya ako inaalagaan! My father did something terrible to his family! Hindi dapat niya ako patawarin dahil anak ako ng lalaking sumira sa pamilya niya!

May isang parte sa puso ko ang may agam-agam pa. Not because I couldn't forgive him but because I was ashamed of my family. Parang may kumakalabit sa konsensya ko dahil mas malaki ang atraso ng tatay ko sa kanya pero siya pa ang gumagawa ng paraan para maayos ang relasyon namin.

I dropped my eyes on the food. Alam kong ramdam niya ang pananahimik ko dahil muli kong narinig ang pagpapakawala niya ng isang malalim na buntong-hininga.

"Ang hirap ligawan ni Alya!" Tumawa siya nang mahina para basagin ang katahimikan sa pagitan namin. "Parang ikaw lang no'ng high school... parehas kayong maldita kapag ayaw n'yo sa tao."

Lumunok ako bago ipinagpatuloy ang pagkain. I was still hurting for him. It felt like, after everything that happened, my heart knew that I no longer deserved him.

"I was... waiting for your call last night. Nakatulog ka ba nang maayos?" dahan-dahan pang tanong niya.

Tumango ako habang nakatingin pa rin sa pagkain. Ni hindi ko na malasahan iyon dahil wala akong gana. Kumakain lang ako dahil ayaw kong mag-alala pa siya.

"'Yong tungkol sa Mommy mo..."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I told him everything about my mom as quietly as I could... afraid that I would break him even more.

He licked his bottom lip. "We can visit her tomorrow. Nag-request ako ng pass para makapasok sa mansyon n'yo at makuha mo ang urn ni Tita Sheryl. Do you want that?"

My eyes watered. Damn, nagiging iyakin na talaga ako.

"T-thank you, Rouge. You don't know how much that means to me."

Ngumiti siya sa akin kaya itinuloy ko na ang pagkain. He was trying to converse. Ikinukuwento niya sa akin ang nangyari sa kanila ni Alya sa halos dalawang araw na wala ako. Cali and Rapsly didn't stay any longer because they wanted Alya and Rouge to have some time to themselves. I appreciated it. I appreciated all of them.

That night, I slept next to Alya, and Rouge went home at around 12. Hindi ko siya masyadong kinakausap dahil may parte sa akin ang natatakot at nahihiya sa nangyari.

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon