Chapter 36

669K 24.9K 13.4K
                                    

Chapter 36

‍‍‍‍‍"Don't beat around the bush! Tell me what's going on!" sigaw ko sa kanya.

Umiling siya na parang hirap na hirap sa sitwasyon. "Ang dami nang nakalipas na taon, Reese. You don't have to know what happened. Hindi rin naman importante." Nag-iwas siya ng tingin.

My lips quivered. "The first man I loved?" I spit those words out bitterly. "Sino? Ikaw? I don't understand, Rouge! Ikaw ang unang minahal ko kaya hindi ko alam kung saan ka nanggagaling!"

Nagbuntong-hininga siya, para bang sising-sisi sa nasabi. "Yeah, it was me. I'm sorry. Don't think too much. It's done. Hindi ko na maibabalik ang nangyari."

"So, you admit it?" I chuckled. "Na walang kinalaman ang pagkamatay ni Abuelo sa hindi mo pagpunta sa show." Tumango-tango ako, naiintindihan na ang lahat. "Oo nga naman. Ang tanga ko naman para isiping hindi mo talaga sinadya."

Lumunok siya at halata ko sa mukha niya na hindi niya alam ang sasabihin. I assumed, alright. For a short period of time, I thought he didn't mean it. Hindi ko alam kung bakit parang may sumakal na naman sa puso ko. I moved on. This shouldn't hurt this much.

"Reese, parang awa mo na. Don't think too much. I will make it up to you... please," malungkot na pahayag niya pa.

I gulped and tapped my foot on the ground. Nakita ko ang pagbaling niya sa paa ko at ang dahan-dahang pag-iling ng ulo niya.

"Don't do that... Stop moving your feet. Ayoko nang makita ang ganyan mo. Sigawan mo ako. Saktan mo ako. You could do everything to hurt me. Tatanggapin ko lahat, Reese. 'Wag mo lang itago ang emosyon mo sa 'kin..." sambit niya.

Huminto ako, at gamit ang nanginginig kong mga kamay ay nilapitan ko siya. I balled up my fist and, with all my remaining strength, I punched him in the chest. My hand was shaky, but so were his knees. Nakita ko ang pag-atras niya at malungkot na panonood sa ginagawa ko.

"Ang galing mong maglaro ng salita, Rouge! Ang galing mong paniwalain ako na mahal mo ako!" sigaw ko, wala nang pakialam kung may makakarinig sa akin o wala. "You always make me feel like I don't belong to myself! Hindi ka ba tapos sa pagganti mo sa 'kin, huh? Habambuhay ko bang pagbabayaran 'yon sa 'yo?"

Hindi siya sumagot. Pinanatili ang madiin ngunit malungkot na tingin sa akin. I was getting tired of all this. Simula noong makita ko ulit siya, lumabas na naman ang mga emosyon ko na matagal ko nang inilibing kasama ng pagmamahal ko sa kanya. Sa tuwing malapit siya, gusto kong isumbat ang lahat pero walang salita ang makapapantay sa nangyari.

"You only want me now because of Alya. You want me to fall for you again because of our daughter," I blurted out, admitting for the first time that Alya was his.

His eyes widened. Naging mabigat din ang kanyang paghinga at lumantad pa ang ilang ugat sa kanyang kamay at sintido.

"Do you remember that night, Rouge?" I asked, my voice breaking. Ni wala na akong pakialam kung nasabi ko sa kanyang anak niya si Alya. What was the point of lying? Alam naman niya.

"Sa nagdaang mga taon, iniisip ko pa rin 'yon," pag-amin ko.

Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Na sa gitna ng pag-aalaga ko kay Alya, iniisip ko na sana may kasama ako kung minahal mo lang ako. Sana dalawa tayo na pinanood siyang lumaki kasi... anak natin 'yon, eh."

Nagbaba ako ng tingin at nakita ko ang panunubig ng mata niya. We were standing in the middle of the hallway. People were looking our way, but we were too tired to even care. It seemed as if young Reese Deborah was peering over the corner, trying to reveal herself.

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon