Chapter 20

711K 26.2K 15.2K
                                    

Chapter 20

"Mamaya na lang ulit," aniya sa akin bago patakan ng halik ang noo ko.

Ngumiti ako sa kanya nang maghiwalay kami. Nasa tapat lang kami ng department ko dahil hinatid niya ako.

"Hanggang 12 p.m. lang ang klase ko ngayon. Sa condo mo na lang tayo mag-photoshoot mamaya kasi nasa villa ang models nina Cali at Cliff. Is that okay?"

He nodded. "Yeah. I think we can do that. Mag-set up na lang tayo."

Nag-usap pa kami ilang sandali bago tuluyang naghiwalay. I was smiling widely as I made my way to our classroom. Sa isang linggong relasyon namin ni Rouge, araw-araw akong parang nasa ulap. We were inseparable. Sa pagtulog lang kami nagkakahiwalay.

Pagdating ko sa room ay naroon na ang mga kaibigan ko. Umupo ako sa tabi nila at ilang sandali pa lang ay pumasok na ang professor namin. Normal discussion lang at mabilisang quiz. Pagkatapos noon ay dinismiss niya na rin kami agad.

"Excited na ako sa fashion show. Pag may nag-offer ng contract, hintayin muna natin ang response ng Dolce & Gabbana bago kayo pumirma," saad ni Rapsly habang hinihintay namin ang susunod na prof.

"Basta ang usapan natin, kapag hindi tayo naging official designers ng company na 'yon, we'll start our own." Ngumisi si Cali.

"Yes! Ako sa accessories, ikaw, Cali sa shoes, si Rapsly sa clothes, and si Debs sa overall materials and colors," Cliff uttered before releasing a dreamy sigh. "Kaunting kembot na lang at ga-graduate na tayo. Makakabalik na tayo sa Cebu at mag-oout na rin ako sa family ko."

I gasped. "Really?"

He nodded. "Siguro naman ay matatanggap nila ako, 'no? It's not like my sexuality can harm people."

"Inom na lang tayo kapag napagsalitaan ka ng dad mo. Lilipad din naman agad tayo pa-Italy at hindi mo naman na sila matagal makakasama," sabi ni Rapsly.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Cali kaya napatingin ako sa kanya.

"Paano pala kayo ni Harvin? Napag-usapan n'yo na ba? You know that long-distance relationships are risky."

Tumango ako. "Baka mag-apply siya sa airport sa Milan kapag natuloy tayo. Kapag hindi naman, sa Cebu siya mag-a-apply."

"Shuta, susundan ah." Tumawa siya bago muling humarap sa dalawa. "Anyway, after ng fashion show ay start na rin agad ng practice ng graduation. I-v-vlog ko 'yon!"

Matagal pa kaming nagkuwentuhan tungkol sa paparating na show at graduation. Isang buwan na lang at matatapos na talaga kami sa college. Iiwan na namin ang villa at haharapin na ang tunay na buhay. They said that it was a lot harsher than we thought, but with my supportive family, friends, and boyfriend, I believed I could manage.

Nang mag-lunch ay hindi ko na hinintay si Rouge at dumiretso na ako sa unit niya para magluto ng pagkain ko. Alas tres pa ang tapos ng klase niya kaya nauna na rin ako sa pag-aayos ng set-up namin. Mabuti at may tripod and lalaki kaya DSLR lang ang dinala ko. Inayos ko rin ang hindi kalakihang mga ilaw na pahirapan ko pang hiniram kay Cliff.

I smiled when I saw the frames in his room. Ang iba ay kasama ang Narcissus at ilang mga kaklase. Ang iba naman ay kasama si Tita Candy, Tito Gian at Abuelo. Ang pinakamalaking frame ay ang picture namin three days ago sa isang studio. We were wearing a couple hoodies while his left arm was resting on my shoulders. Masaya ang mata namin at halatang in love na in love kami sa isa't isa.

Dahil walang magawa ay nilinis ko na rin ang unit niya. Sumilip ako sa glass door ng balcony niya at napanguso nang makitang umaambon at may kadiliman ang langit.

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon