Chapter 22

530K 22.4K 12.3K
                                    

Chapter 22

Me:

Where are you? Please call me. Nag-aalala ako.

Me:

Ngayon ang fashion show. You'll come, right?

Pabalik-balik ang lakad ko sa kwarto. Nakaayos na ako dahil isang oras na lang ay tutulak na kami papunta sa venue ng fashion show. I kept tapping my foot on the floor, terrified. I waited for Rouge all day, but he never called. Pumunta ako sa unit niya at sarado iyon. Kahit sa mansyon ay wala sina Tita at Tito. It was normal because they were busy. 'Yon din naman ang sinabi ng helpers.

I visited the bakeshop, but Rouge wasn't there. Ang sabi ni Ate Sab ay umalis ito roon ang lalaki kahapon at hindi na bumalik.

"Debs, ano? Wala pa rin ba?" nag-aalalang tanong ni Rapsly.

Nanginiginig akong umiling sa kanya. Para akong mamamatay sa kaba. Pakiramdam ko ay nagpatong-patong ang alalahanin ko. Pag-aalala sa kalagayan niya at pag-aalalang baka hindi siya pumunta. I couldn't have a substitute model because his photos were the ones I put in my portfolio.

"He'll come," siguradong saad ko. "He will not fail me..."

Lumapit si Rapsly sa akin. "He should not. You've worked so hard for this, Debs. Alam niya 'yon. He can't... he can't do that."

Sinabayan ng pag-aalala ko ang labis na pagkahilo dahil hindi ako nakatulog nang ayos. I felt like vomiting... hindi ko na alam. Dasal ako nang dasal na sana ay ayos lang siya at sana ay pumunta siya sa fashion show. Hindi maabot ng hinagap ko kung sakaling hindi siya pupunta. I couldn't even bring myself to consider that.

My hard-won dream would come crashing down. I prepared for this event the whole academic year, at kapag hindi siya sumipot ay imposible na para sa akin ang pangangarap ko sa Dolce and Gabbana.

But then, I knew I could trust him. May nagsasabi sa akin na darating siya... na hindi niya ako bibiguin.

Pumasok sa kwarto sina Cliff at Cali, parehas ding aligaga para sa akin. Ang models nila ay papunta na sa event hall. Kahit si Melanie ay nai-text na ako na naroon na siya.

"Debs," balisang tawag nila sa akin.

"Pupunta si Rouge!" Tumawa ako. "Hindi puwedeng hindi. My parents will be there. May plano kami na ipakikilala ko siya! We have a lot of plans today! Of course! Of course, he will come to me! He's just... busy! Graduating... alam n'yo naman..."

"Pero alam niya namang maaga dapat ngayon. Bakit hindi ka pa kino-contact?" Cliff asked. "Kanina mo pa tinatawagan pero hindi ka sinasagot."

"He will go there, Cliff!" I shouted. "I know he will! 'Wag niyong pangunahan si Rouge! I trust him! He will not put my efforts in vain!"

All of them sighed, annoying the fuck out of me. Parang ipinararamdam nila sa akin na walang pag-asang dumating ang lalaki kahit na sigurado akong pupunta siya.

"Ang mabuti pa, pumunta na tayo sa hall. Baka naroon na 'yon."

They nodded. Sakay ng jeep wrangler ni Rapsly ay sabay-sabay kaming pumunta ro'n. Nahihilo na ako kaiisip. Lampas isang daang mensahe na ang isinend ko sa kanya. I didn't want to get mad. I was fighting the urge to get mad.

Gaya ng inaasahan, wala ang kahit na anino ni Rouge doon. Parang hinahalukay ang sistema ko sa halo-halong kaba, takot, pag-aalala, at... dismaya.

"Girl, nasaan si Harvin? Aayusan mo pa 'yon," Melanie asked me while I was doing her make-up.

"Ah... papunta na. Na-traffic lang." Parang may sumasakal sa dibdib ko nang sabihin iyon. How I wish it were true. "Pang huli pa naman ako kaya may oras pa."

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon