Chapter 6

569K 23K 19.2K
                                    

Chapter 6

"Okay, class, I've received a complaint."

Agad kaming natahimik at isa-isang umayos ng upo. We didn't even notice that our professor was already in the room. Ang kaninang nag-aaway na Nime at Rapsly ay mabilis na bumalik sa upuan na parang mga tuta.

"I'll have to lessen your load because our dean talked to me," she declared. "Fine... isang outfit na lang kada isang category. Isa sa babae, isa sa lalaki."

Pinigilan ko ang mapatili dahil doon. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko at napangiti sa isa't isa. Thank heavens!

"But before you celebrate, I'd like to announce the Christmas ball we're about to conduct before the Christmas break," saad pa nito. "And yup, you have to design your own formal attire. Dahil maunti lang kayo, make sure to bring a plus one."

Lalong lumaki ang ngiti ko roon. I loved parties! I loved gatherings! And I loved that we were required to bring a date!

"Sana ay sa akin n'yo directly sinabi ang concerns niyo, hindi 'yung nakarating pa kay dean," dagdag ni Ma'am.

Tahimik lang kami. Bahagya akong nagtago sa sewing machine sa upuan ko nang lumipad ang tingin niya sa akin.

What? Hindi naman ako ang nagsumbong!

"Ms. Madrid, I'll check your portfolio today. Make sure that your work has progressed."

"Yes, ma'am."

Umupo siya sa table kaya tumayo na ako at kinuha ang portfolio ko. Matapos ang halos isang linggong paged-design ng damit, headdress, sapatos at accessories, natapos ko na rin. Mas nauna ang progress ko sa female category dahil late ko na rin nasimulan ang kay Rouge.

"May pattern ka na ba nito?" tanong niya habang pinapasadahan ng tingin ang drawing ko.

"Opo. Kumpleto na rin ang measurements. Kukuha na lang ako ng materials at fabrics para simulan ang pananahi."

She nodded, convinced by my progress. "Who's your model?"

"Sa babae po ay si Melanie Pascua at sa lalaki po ay si Harvin Rouge Foster."

"Narcissus?" tanong niya bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Yes, ma'am."

"Okay. Your designs are nice. Maghanap ka ng magandang materials para magawa mo 'yan nang maayos."

Tumango ako sa kanya at muling bumalik sa silya ko. I rolled my eyes when I saw some of my classmates designing their own formal attire already. Ka-a-announce lang! Teka naman!

"Enchanted Forest ang theme ng ball at kailangan n'yong ibigay sa akin ang draft at pattern, katunayan na kayo ang gumawa no'n. This will serve as your final exam on my subject," litanya niya bago muling umupo.

I pursed my lips and leaned against my chair. Pinanood ko ang mga abalang kaklase, at dahil mukhang walang balak si Ma'am na magdiscuss, kinuha ko na lang ang phone ko at itinext si Rouge.

Me:

Lunch tayo mamaya sa cafeteria. Anong oras ang break mo?

Simula noong napahiya ako sa kanya last week, araw-araw ko na siyang itinitext na hindi naman niya sinasagot. Mula good morning hanggang good night, wala siyang nire-replyan! Of course, naiintindihan ko iyon lalo at hindi naman talaga maayos ang relasyon namin. Wala naman akong maisip na dahilan para mapilit siyang makipagkita sa akin.

Hindi rin ako makapunta sa department nila dahil sobrang abala ako ngayong linggo sa pagpa-pattern.

Nababalita ko ang gigs nila dahil fino-follow ko naman ang page ng Narcissus sa social media accounts ko. Talagang hindi lang ako makahanap ng tyempo para makapunta sa kanya. Bwisit pa na hindi manlang niya ako hinahanap!

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon