Chapter 2

608K 23.8K 23.2K
                                    

Chapter 2

"Class, how is it going? I would like to check your drawings. Present at least one per category," bungad ni Ma'am pagkapasok pa lang ng room.

"Shutangina," rinig kong bulong ni Cali. "Magandang umaga sana muna."

I glanced at him. "Hindi ka pa ba tapos?"

Umiling siya. "Hindi pa ako sure sa gagamitin kong tela. Bakit kasi apat? Sa iba, isang outfit lang."

I sighed. "Kaya nga, eh. Gagawa pa ng accessories at sapatos. Hindi ko na alam kung saan ako maghahanap ng design."

"Sabihin kaya natin? Baka sakaling i-consider. Hayop talaga sa walo! Kahit isang taon pa nating gagawin 'yan," reklamo niya pa.

"Hindi na puwede. Hindi tayo umangal no'ng una pa lang. Masyadong na-excite sa fashion show," singit ni Cliff sa usapan namin.

I clicked my tongue in annoyance because he had a point.

Pinanood namin kung paanong tumayo si Rapsly bitbit ang folder niya at nakipag-diskusyon kay Ma'am tungkol sa design niya. As usual, wala kaming nakitang angal kay Ma'am dahil magaling naman talaga siya. Kahit petiks lang, ang bilis makatapos kasi nag-uumapaw siya sa ideas.

Tiningnan ko ang isang unfinished drawing ko at napanguso.

'Yan, Debs, kakaisip mo ng paraan para mapapayag ang model mo, hindi mo natapos ang draft mo!

"Ms. Madrid," tawag sa akin ni Ma'am kaya tumayo na ako. Iche-check pa lang naman. Hindi dapat ako natatakot.

Inilapag ko ang paper sa mesa niya at napansin ko ang pagtaas ng kilay niya nang makita nang buo ang draft ko.

"Opo, hindi pa po tapos," saad ko agad bago niya pa ako maunahan. "Kinumbinsi ko pa po ang model ko kaya hindi ko naasikaso pero matatapos ko ang first draft ko this week," dagdag ko pa.

She sighed. "So... sa nakalipas na isang buwan, wala ka pang nabubuo sa male category?"

Obviously.

I gulped. "Yes, Ma'am. Medyo nahihirapan po kasi akong mag-design kapag walang navi-visualize na model."

"Pero sa babae, ilan na ang nagagawa mo?" she asked while looking through the papers in my folder.

"Dalawa po. Draft pa lang. Nakausap ko na po ang model ko at nakuhanan ko na rin ng measurement."

She nodded, finally satisfied with my answer. "Okay, at least, I'm seeing progress. I will get back to you anytime this month so make sure to convince your male model."

Tumango ako sa kanya at magalang na nagpaalam bago bumalik sa pwesto ko.

"Anong sabi? Pinagalitan ka?" chismosang tanong agad ni Cali.

"Hindi naman. Kaso, babalikan ako ngayong buwan. Kailangan ko na talagang kausapin si Rouge," I replied.

"'Wag na kasi 'yon. Maghanap ka na lang ng iba. Kita mo ngang hindi ka ina-accept sa facebook," aniya bago mahinang tumawa.

Napasimangot ako nang maalala ang nangyaring pagde-delete nito ng request ko last week. Ni hindi manlang ipinahalatang hindi niya napansin ang friend request ko! Talagang dinilete niya! Akala mo naman talaga ay hindi patay na patay noon sa akin!

"Hindi pa kasi nakakamove-on kaya bitter pa," tanging naisagot ko kay Cali.

Sasagot pa sana siya ngunit tinawag na siya ni Ma'am kaya hindi na nakaimik. Kagaya ko ay mukhang napagsabihan din ito. Nang tingnan ko ang iba kong kaklase ay hindi na ako nagulat nang makitang lahat sila ay aligaga. Si Rapsly lang talaga ang chill! Sarap gawing gina cloth.

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon