Chapter 1

911K 27.1K 17.9K
                                    

Chapter 1

"Saan ang hada, Deborah?"

Lumipad ang nanggagalaiti kong tingin kay Rapsly nang marinig ang itinawag niya sa akin.

"D'yan d'yan lang, Rafael!" ganti ko sa pamamagitan ng pagtawag sa tunay niyang pangalan.

I saw him cringe. Nakatambay siya ngayon sa malaking couch at nanginginain ng pop corn habang nanonood ng BL series. Sina Cali at Cliff ay nasa department store at nagtitingin ng sample designs.

Sabado ngayon at obviously, wala kaming klase pero imbis na asikasuhin na ang portfolio, nakanganga lang dito si Rapsly dahil hindi niya kailangang mamroblema. Basic na basic kasi ang pagde-design sa kanya.

"Namimili na ba ng fabrics 'yong dalawa?" tanong ko bago umupo sa tabi niya.

He shook his head before fixing his shoulder-length hair. "Hindi pa tapos ang designs no'n. Malabong bumili agad sila ng tela."

I nodded and then leaned against the couch, trying to get some courage and confidence from it.

"Saan ka ba kasi pupunta? Pa-join akis," pangungulit niya pa.

I shot him a glare. "Bawal ang hindi virgin do'n."

He gave me a puzzled look. "Oh, bakit ka pa aalis? Hane, magbihis ka ro'n at 'wag magkunwaring sikip."

"Hoy!"

Pinandilatan niya ako ng mata. "Ano, ano?!"

I pouted. "It's been years..." mahinang saad ko.

Malakas siyang tumawa kaya lalo akong napasimangot. Inirapan ko na lang siya bago ako tumayo. I also grabbed my sling bag before walking gracefully toward the door.

Kinuha ko ang phone ko para i-text ang kasama ko ngayon.

Me:

Send loc.

Wala pang ilang minuto ay nag-reply na ito.

Melanie:

Sweets and Treats.

Napatango na lang ako at sumakay na sa taxi na nag-aantay sa akin. Dahil tinatamad, nagsuot lang ako ng simpleng sweatshirt at leggings. Bitbit ko rin ang portfolio ko na halos matatapos na.

Pagkababa ko ay namataan ko agad ang matangkad at balingkinitang babae na nag-aantay sa labas ng bakeshop. I went in her direction and cleared my throat.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?" tanong ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang damit niya at as usual, para na naman siyang may pupuntahang event sa suot niyang romper and stilettos.

Nahiya naman ang lazy outfit ko!

"Ayoko, hindi naman ako oorder," nangingiting sagot niya.

I chuckled and opened the door for her. Halos magkasingtaas lang kami pero dahil nakasuot siya ng takong, umabot lang ako sa baba niya. I made her sit on one of the couches and went to the counter to buy her something.

"Two cups of iced macchiato and two slices of marble cake," saad ko sa babae.

"Noted, ma'am."

Habang inaayos niya ang order ay nakita ko ang paglabas ng isang eleganteng babae mula sa pantry. Kahit may edad na ay halata pa rin sa mukha nito ang karangyaan. And she was sporting a gold lurex jumpsuit from Fendi! God!

"Ma'am Candy, aalis na po kayo?" tanong ng babae sa counter.

The woman laughed. "Yeah. May gig pala mamaya si Harvin at itinago ko ang susi ng kotse niya. Nag-aalburoto sa bahay."

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon