Chapter 10

601K 24.4K 15.8K
                                    

Chapter 10

"Rouge!"

Nakita ko ang inis na pagpikit ng lalaki nang makita na naman ako sa labas ng room nila. Inasar siya ng mga kaklase at kabanda niya kaya nang magmulat siya ay masama na ang tingin sa akin.

Rhome and Zane tapped his shoulder when I made my way toward him. His brows were furrowed, but I was too used to seeing his mad glare... kaya hindi na ako natatakot doon.

"Bakit nandito ka na naman?" inis na tanong niya.

I held onto my tote bag tightly before settling myself beside him.

"Pasabay akong mag-lunch. Nasa Manila kasi ang mga kaibigan ko," I replied, smiling.

Lalong lumalim ang kunot sa noo niya. "Why don't you eat with your classmates instead?" mahina ngunit may diing tanong niya. "Isang linggo ka nang pabalik-balik dito. Hindi mo ba nakikitang pinagtatawanan ka na?"

I pursed my lips. "It's okay! If being a laughing stock means eating lunch with you, then... willing ako!"

He looked at me with disbelief in his eyes before walking away. Mabilis akong sumunod sa kanya. Hindi pa nagpaawat na mahahaba ang biyas niya kaya maliksi rin ang paglalakad ko.

"Where are we gonna eat?" pangungulit ko. "Ililibre kita. Hindi mo tinanggap ang 30k!"

Hindi niya ako sinagot o nilingon manlang. Diretso ang paglalakad niya at nagulat na lang ako nang mapansing lalabas kami ng school.

"Huy, saan tayo pupunta?" tanong ko ulit.

He was walking toward his car, and I stopped in my tracks when he opened its door. Umikot ako sa passenger seat ngunit naka-lock 'yon.

"Rouge, buksan mo!" saad ko bago kinatok ang bintana.

To my dismay, binuksan niya ang engine ng kotse niya. Napalayo na lang ako nang paandarin niya 'yon at mabilis na umalis sa lugar.

I looked around and saw some of the students laughing and talking about me. Dahil break ay maraming nasa labas ng school kaya sigurado akong nakita nila ang pang-iiwan sa akin ni Rouge.

I licked my lower lip and bowed my head out of embarrassment. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng school at hindi na lang tumingin sa kahit na sinong estudyante.

Nang makaupo at maka-order sa cafeteria ay naiiling akong nag-text kay Rouge.

Me:

Eat well! Sa cafeteria na lang ako kakain. See you tomorrow!

I sighed and unconsciously waited for his reply, but just like before, wala akong nakuhang sagot.

Dalawang oras ang lunch break namin ngayon dahil halos papalapit na ang finals namin kaya busy ang mga prof namin sa paggagawa ng exam. Ang mga kaibigan ko naman ay lumuwas kaninang madaling araw dahil susunduin na nila ang models nila at bibili na rin ng fabric.

My classmates, on the other hand, were nowhere to be found. Umalis kasi agad ako sa room kanina para sana makasabay si Rouge sa pagkain. Iniiling ko na lang ang ulo at tiningnan ang plato na nasa mesa.

"'Yan lang ang kakainin mo?"

Nag-angat ako ng tingin at napasimangot nang makita si Hunter sa gilid ko. May bitbit siyang tray at walanghiya niyang ipinatong iyon sa mesa ko.

"Did I give you permission to sit with me?" mataray kong tanong sa kanya.

He let out a chuckle. "Wala nang upuan. Makiki-share lang. Hindi mo naman binili 'to."

Napairap ako sa kanya. Pasimple ko ring inilibot ang tingin sa cafeteria at napansing wala ngang bakanteng mesa. Nang harapin ko ulit siya ay nagsisimula na siyang kumain kaya lalo akong na-badtrip. Hindi ko naman siya puwedeng paalisin.

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon