19

1.1K 24 0
                                    

Tatlong araw na ang lumipas pero usap-usapan pa rin ang nangyari sa bagong Chairman ng Sancio Group Corporation.

Hindi ako makapag isip ng maayos sa lumipas na tatlong araw na yon. Palagi akong lutang, wala akong ibang iniisip kundi ay iyong sinabi ni Ace na iwan ko si Nash para sa kaligtasan namin. Bakit nasa peligro ang buhay namin?

"Hala may palaka!" Sigaw ni Nemesis kaya nabalik ako sa aking diwa.

"Palaka! Palaka! Palaka! Asaan ang palaka?!" Takot na sigaw ko. Takot ako sa palaka, ayaw ko sa palaka.

"Walang palaka, ginogood time lang kita," sabi niya at tumawa. Tumabi siya saakin. "Anong problema?"

"Si Ace kasi.." sabi ko. "Gusto niyang hiwalayan ko si Nash para maligtas kaming dalawa."

"Ano ibig niyang sabihin?" Tanong niya pa.

Nag kibit balikat ako. "Ewan ko," sabi ko. "Pero kahit ganoon hindi ko iiwan si Nash,"

"Yan! Ganyan dapat!" Tumawa siya at tinapik-tapik ang balikat ko. "Tara may training na daw tayo simula ngayon..."

"Huh?" Gulat na tanong ko sakanya. May training na kami? Sino ang mag t-training saamin? Si Azheaya?

Akala ko ay matatapos na ang pag hihirap ko sa training pero hindi pa pala.

"Huh?" She said mocking me. "Gaga training daw para tumibay ang buto buto! Tara na!" Tumayo siya at agad akong sumunod sakanya.

Dumiretso kami sa bakuran ng SM at naabutan ko si Kai na nakaupo sa upuan habang nag yo-yosi.

"Bakit andito yan? Asaan si Azheaya?" Tanong ko sakanila.

"Siya ang mag t-training saatin at si Aphrodite ang mag t-training sa Phantom." Sagot ni Hera na nakangiti.

"Hindi ka naman malupit... diba?" Kabadong tanong ko kay Kai at natawa siya.

"No, not really." He said so I nodded. Inubos niya muna yung yosi bago siya lumapit saamin.

"So we will start at exercising." He said.

"Eh?" Sabay-sabay na ani namin.

"Anong eh kayo dyan?" Kunoot noong tanong niya saamin.

"Eh kasi si Azheaya walang exercise-exercise na ganyan. Suntok agad." Sabi ni Leto na ngumu-nguya ng bubble gum.

"Hindi naman ako si Azheaya." Sabi niya at bumuntong hininga. "100 times, ikutin niyo ang buong lupain na 'to.."

"Ng naglalakad?" Si Nemesis.

"Ng tumatakbo."

"Ano?!" Reklamo namin lahat. 100 pa amputa!

"Angal o patay?" Asar na tanong niya saamin kaya sumunod na lang kami sakanya.

Imposible yon! Bukod sa siya pa lang ang may bahay dito, 'e, napaka laki pa nito! Imposible talaga imposible!

Sabi niya hindi siya malupit, 'e, malupit na 'to!

"Okay na rin siguro 'to." Sabi ni Artemis habang tumatakbo. "Atleast hindi suntok agad."

"Eh kaso iikutin naman natin lahat ng 'to ng isang daan na beses. Nakakapagod!" Reklamo ni Nemesis.

"Wag na kayo magsalita kasi mas mapapagod kayo.." sabi naman ni Hera.

Nang matapos kami kakatakbo ay sabay sabay kaming humiga sa sahig at nag habol ng hininga. Hingal na hingal ako. Ang sakit tuloy ng paa ko.

"Sinong nagsabing humiga kayo?" Tanong niya saamin.

"Wait timepers!" Si Leto. Nakapikit pa siya at lumulunok. "Five minutes-"

"No." Inis na sabi niya at nag sindi ng yosi. "Anong gagawin niyo kapag hinabol kayo ng kalaban, sasabihin niyo timepers?"

"Bakit naman kami mag papahabol, ano sila gold?" Hinihingal din na sabi ni Nemesis.

"Kilos!" Agad naman kaming napaayos ng tayo dahil sumigaw na si Kai. Nakakatakot sila pareho. "Matial arts ang ituturo ko sainyo." Sabi niya. Tinawag niya si Gael para ipakita ang gagawin namin.

Pumwesto sila. Nakahiga si Gael sa sahig habang si Kai ay nakaluhod sa harap niya. Pinulupot ni Gael ang paa niya sa bewan ni Kai at nilagay naman ni Kai ang kamay niya sa leeg ni Gael.

"When the fighter is on his back with the enemy in his guard, the enemy will sometimes present a straight arm such as when trying to choke. The fighter should secure the target arm above the shoulder." Pagpapaliwanag ni Kai. At nag iba naman ang puwesto nila. Maayos naman nilang naipaliwanag iyon. Ang tawag daw don ay straight armbar.

Si Hera muna ang tinawag ni Kai. Kitang kita ko ang panginginig ni Hera. Siguro ay kinakabahan siya. Kahit ako din naman. Baka mabali buto ko!

Hinagisan ni Kai si Hera ng laruan na balisong at saka sila nag simula. Si Hera ang unang sumugod at puro pag depensa lang ang ginagawa ni Kai. Mula sa puwesto ko ay nababasa ko na ang kilos ni Kai. Akala ko ay magiging mahirap para saakin na basahin siya.

Ngunit laking gulat ko ng ibahin ni Kai ang kanyang kilos at pag atake. Kasing bilis ng pagkurap ko ang pag kilos niya. Nakakamangha. Napatumba niya agad si Hera sa loob ng isang minuto.

Natapos na silang lahat at ako naman ang sumunod. Pumunta ako sa gitna at lumulunok-lunok pa.

"Kai, alam mo gusto talaga kita para kay Azheaya, wag mo ako sak-aray!" Sigaw ko ng bigla niya akong sakalin mula sa likuran ko. Ang bilis niya kumilos putangina. Iikot ko sana ang katawan ko kaso naitumba na niya ako. Nakahiga ako sa paa niya habang ang isang paa niya ay nakapili-pit sa bewang ko at pinipili-pit niya ang kamay ko.

"Whoo! Shet! Ang sakit tama na!" Sigaw ko at binitawan naman niya ako.

Nakahinga ako ng maluwag. Ang sakit tuloy ng braso ko. Kingina.

***

"Ahh!" Sigaw ni Hera at Artemis. Nasa sala kami ngayon nanonood ng Netflix. Naging bato ang pagtuturo ni Kai saamin. As in bato. Tinatamad na daw siya kaya manonood na lang kami.

Nanonood kami ng Horror Movie ng biglang tumawag si Lenuel kay Kai.

[Boss, tulong, tatlong oras na kami nag t-training dito...] nagsusumbong na tinig ni Lenuel.

"Kaya niyo yan," sabi ni Kai habang nakain ng popcorn.

[Disapprove na ako sayo sa kapatid ko, bwisit ka.]

"Pumunta na kayo dito, sabihin mo sakanya." Sabi ni Kai.

[Talaga?! Azheaya sabi ni Kai- HINDI!] Rinig namin na sigaw ni Azheaya. [Tanga, hindi daw pwede, gutom na gutom na ako..]

"Ha? Ano? Chuppy-hello-hello." Kunwaring sabi pa ni Kai at pinatay ang tawag. Siraulo din.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Nash. Buong maghapon kami walang contact, 'e.

[I miss you :(] I texted him. I didn't expect him to reply immediatley.

[Tatakasan ko na ba si, Azheaya? ;>] he replied.

"Baliw talaga." Napangiti ako.

[Kung kaya no :p]

Tinago ko na ang phone ko. Sigurado naman ako na hindi papayagan ni Azheaya yun sa training nila. Ang higpit pa naman non.

Ilang sandali pa ay narinig ko na may nag doorbell.

"Bubuksan ko lang." Sabi ni Poline at humikab pero pinigilan ko siya.

"Ako na, dyan ka lang." Sabi ko. Tinanggal ko ang unan na nasa hita ko at pumunta sa pintuan.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay nakita ko si Nash na may dalang roses at favourite food ko habang pawis na pawis at hinihingal. Nakasandal siya sa pintuan at nakangiti saakin.

"I miss you more."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu