6

1.3K 20 5
                                    

"Lakasan mo pa ang pag suntok, Alexandra! Wala ka bang buto?!" Sigaw ni Dad saakin. Siya ang ka match ko ngayon. Mula sa likod ay nanonood lang si Tito, Tita, Mom and Nash saakin. "Hindi mo sila masasaktan sa mahinang suntok, Alexandra! Huwag kang mag dalawang isip na saktan ako! Bilisan mo!" Halos mag dadalawang oras ko na rin nilalabanan si Dad. Umiiyak na ako. Kanina pa ako tumatalsik sa pagsuntok, pagsipa, paghagis, at pagtulak ni Daddy saakin. Hindi siya naawa. Halos ay mag-makaawa na ako para tigilan na niya.

"Tandaan mo 'to. Hindi maaawa ang kalaban mo sayo kahit umiyak ka ng dugo sa harapan nila. They'll use it as an advantage to kill you." Isang malakas na pag sipa ang naramdaman ko sa aking tsyan dahilan para tumama ako sa isang puno. Dito kami ngayon nag eensayo sa gubat. "Ilang taon ka ng nagsasanay. Hindi ka pa rin malakas. Mag pahinga kana ron. Nash! Ikaw naman." Tinulungan muna ako tumayo ni Nash ng makalapit siya saakin.

"Matulog ka muna, hmm? Huwag kana umiyak.." hinaplos niya ang buhok ko. Tumango naman ako habang pinupunasan ang mga luha ko. Ang sakit na ng katawan ko.

Tumakbo na siya papunta sa harap ni Daddy. Saglit pa silang nag usap bago mag simula. Si Daddy ang unang sumugod. Mabilis. Hindi masabayan ni Nash si Daddy kaya naman puro pagsalag muna ang ginagawa niya. 'Di nag tagal ay nasasabayan na niya ang kilos ni Dad. Umaatake na rin siya. Nagagawa niyang paatrasin si Daddy. Nakaramdam ako ng konting selos. Konti lang.

Lumakas si Nash sa dumaraan na taon. Second year highschool na kami ngayon ni Nash. As usual, mag kaklase nanaman kami. Napadaing ako ng maramdaman ko ang hapdi sa pag gagamot sa sugat ko. Napabuntong hininga ako. Bigla kong naalala si Aphrodite. Sigurado akong kasing edad ko lang yon. Malakas siya, matulin, tuso, at punong puno ng awtoridad kung mag salita o kumilos. Nakakatakot ang presensya niya nung una kaming magkita. Siya iyong klaseng batang babae na matatakot ka sa presensya niya kahit na maliit at bata pa lamang.

Minsan sumagi sa isip ko. Paano kaya kung sakanya ako mag paturo mag ensayo? Sigurado kasi ako na matutulungan niya akong hasain ang lakas ko. The way she holds a gun, creepy.

Ang kaso ay hindi ko alam kung paano si kokontakin. Maraming butler na nakapaligid sa bahay niya. Baka hindi ako papasukin.

"Aray!" Nabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang sigaw ni Nash. Napatayo ako agad, hinawakan ako sa braso ni Tita at umiling. Inaapakan ngayon ni Daddy ang likod ni Nash habang hawak nito ang kanyang kamay sa likod.

"Kaunti pa, Nash. Kaunti pa." Saka siya binitawan ni Dad. Nakahinga ako ng maluwag dahil don.

Nagpahinga kami ng isang linggo bago dumating ang pasukan. Sem break kasi namin. Iba na rin ang uniform namin dahil highschool na kami. White longsleeves na iyon, mini skirt na kulay itim, coat na kulay itim at necktie na kulay itim na may nakalagay sa gitna na LJHS ibig sabihin ay Leicester Junior High School.

"Mauuna po ako." Paalam ko sakanila. Lumabas na ako sa mansyon at inakbayan naman ako ni Nash papalapit sakanya! "Ano ba!?"

"Sabay tayo pumasok! Bestfriends nga tayo forever, 'e!" Sabi niya! Hindi pa rin siya nag babago, childish parin. "Wala naman nag kaka-crush sayo kaya walang magagalit saakin!"

"Kahit na, bubugbugin kita!" Sabi ko!

"Sige! Bugbugin mo ako!" Umayos pa siya ng tayo and he extended his arms. "Ayan, ready na! Huwag mo lang masyado bugbugin abs ko, ah? Baka umurong." Sabi pa niya. Tinuhod ko ang ari niya at tumakbo papalayo. "Ouch!" Sigaw niya. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang malakas na pag tawa. "Kapag ako nabaog, kawawa yung asawa ko! Sisisihin ko buong angkan mo! " Humarap ako sakanya at nakaluhod na siya ngayon sa lupa at hawak ang ari niya. Natawa na ako ng tuluyan dahil sa hitsura niya. Paiyak na siya at namumula na ang pisngi niya. He pouted when he see me laughing.

Agad ko naman siyang binalikan at tinulungan tumayo.

"Ang sama sama mo." Sabi niya pa. Natatawa talaga ako, para siyang bata na inagawan ng cotton candy. "Ayoko na, hindi na ako papasok."

"Huh?" Takang tanong ko.

"Masakit yung ti-ari ko! Tinuhod mo! Pag nauntog ba yang ari mo sa kanto ng lamesa hindi masakit!?" He shouted, halatang galit siya. I pouted. Saan ba niya nakukuha yung mga idea na yan baliw talaga.

"Sorry na.." sabi ko. Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya saakin. "Hoy, sorry na nga. Ikaw kasi, 'e..."

"Amputa kasalanan ko pa." Rinig kong bulong niya. "Pumasok kana, late ka na don." Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat ako ng bigla niyang bitawan iyon na tila bang nakuryente siya.

"Sorry na? Hindi na promise. Pasok na tayo." Sabi ko. Inirapan niya lang ako at tumalikod na. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o hindi! Baka nga pinag t-tripan lang ako nito!

Inis akong tumalikod at lumabas na sa village namin. Papara na sana ako ng taxi pero nag bago ang isip ko. Tumakbo ako pabalik sa village namin at pinuntahan ko ang bahay ni Nash na katapat lang ng bahay namin.

Agad naman akong pinapasok nung guard. Tinanong ko rin kung nasaan si Nash at andoon daw siya sa kuwarto niya. Agad akong umakyat papunta sa kuwarto niya. Nakapasok na ako rito ng mga bata pa kami. We used to play xbox on his room.

Kakatok na sana ako pero hindi ko natuloy. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Umupo na lang ako sa gilid ng kuwarto niya at yinakap ko ang tuhod ko.

Ayaw ko siyang katukin! Natatakot ako. Baka nagalit talaga siya. Hindi ko naman intensyon na magalit siya, 'e. Nag sorry naman na ako. Tama! Hindi ko na kasalanan yon dahil nag sorry na ako. Kawalan lang niya.

Inis akong tumayo at bababa na sana ng hagdan. Pero nakita ko ang sarili kong nakaupo muli sa pwesto ko kanina. Naguguilty ako! Napa-ayos naman ako ng upo.

"Pero bakit naman niya kaya inalis yung kamay niya ng ganon?" Tanong ko sa sarili ko. Agad kong tinignan ang kamay ko. Hindi naman basa. "Robot ba ako kaya parang nakuryente siya?" Napailing ako. Hindi puwede. Tumayo ako muli at kakatok na sana sa pintuan ni Nash ng biglang bumukas iyon.

Naka blue tshirt siya na may mickey mouse na tatak at bukas ang computer niya. Naglalaro siguro 'to.

"Iniistorbo mo laro ko." Sabi niya.

"Sorry." Sabi ko. "Uuwi na ba ako?"

"Dito ka na kumain, hinahanap ka din nila mama. Pumasok ka na dito."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now