3

1.9K 35 0
                                    

Agad akong bumangon ng gisingin ako ni yaya! She said it's already 7:10 am, 'e 7:30 ang class ko! Mabilis akong naligo at nag bihis. Kumuha na lang ako ng yakult sa ref and two pieces of pancakes.

"Bye Mom! Dad!" I shouted

"Take care!"

Nang makarating sa Leicester ay halos madapa na ako kakatakbo! Nang makarating sa room ay pinagtinginan nila akong lahat.

"You're late Ms Sirene."

"I-I'm so sorry Ma'am, hindi na po mauulit." I said.

"Go to your seat."

"Thankyou Ma'am" I said then she resumed the claas, I sat on my seat.

"Goodmorning, sleeping beauty.."

"Shut up, Nash."

Nash giggled. "Masakit pa ba katawan mo?" Bulong niya at tinignan ang kabuuan ko. "Basa pa buhok, halatang nag madali."

"Shut up!" Sabi ko at kinurot pa siya

"Ms. Sirene! Late ka na nga nakikipagdaldalan ka pa!" Ma'am shouted.

"Pardon me, Ma'am" I said then she continued the class again. Sinenyasan ko si Nash na tumahimik dahil ang ingay niya! I can't focus, damn! "Bakit andito kayo?"

"Ewan ko."

Napapapikit ako dahil hindi talaga ako makapag focus! He's too noisy!

"Aminin mo na kasi na gwapo ako-"

I raised my hand "Ma'am, pwede po ba ako lumipat ng seat?"

"Why is that Ms. Sirene?"

"Mr. Guerrero is so noisy and I can't focus."

"Hoy dito ka lang, huwag mo ako iwan." Bulong niya at hinatak pa ang uniform ko. Umirap ako.

"Come here." Tatayo na sana ako nang bigla akong hilain ni Nash.

"Stay here, manamahimik na ako." He said. Tumango ang teacher at napabuntong hininga ako. Para na siyang anino ko. Kung nasaan ako ay andoon din siya, ayaw niyang humihiwalay saakin.

Lunch break na at andito kami ni Nash sa may garden ng school, dito kami nakain tuwing break o dito kami natambay. Ayaw ko kasi sa maiingay na lugar at dinala niya naman ako dito.

"Ilan ka sa math kanina?" Tanong ko sakanya. Mababa lang ang score ko sa math, i hate math and math hates me too.

"10 lang." Sabi niya at ngumuso ako. Ako nga 8 lang don. Kumagat ako sa burger ko at may kinuha na notebook. "Ano yan?" Tanong niya ng ibigay ko sakanya yon.

"Andyan yung mga lugar na posibleng bungad ng ibang mafia. Ang binigay na misyon saatin ay ang mag hanap ng ibang mafia at gumawa ng plano para pabagsakin yon. Nag tanong ako nung isang araw sa mga ka-edad natin na kung may idea ba sila kung nasaan ang ibang mafia, ang sabi ay sa italy pero walang specific place. So sinulat ko lahat ng posibleng lugar nila..." pag papaliwanag ko. Alam kong nakuha na niya agad ang ideya ko. Naka ipit rin dyaan ang bond paper na may mukha nila at pangalan.

"Ibig sabihin ay iisa-isahin natin ang lugar na 'to? E' ang dami nito eh!" Reklamo niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumigil siya. "Sabi ko nga."

"Pag nahanap na natin ay saka pa lang tayo gagawa ng plano-"

"Hindi ba't dapat bago natin hanapin ang mga 'to ay nakapag-plano na tayo?" Tanong niya. "Dalawa lang tayong mag hahanap sa mga 'to Alexandra, mahihirapan tayo."

"Alam ko, kung ganoon ay gumawa na muna tayo ng plano at sabihin yon sa boss." Sabi ko, nagbaba ako ng tingin.

Pagkatapos ng klase ay uwian na at dumiretso kami sa headquarters at kinausap si Marcus tungkol sa plano. Tumango siya at ipapaalam niya na daw sa boss, bibigyan daw kami nito ng permisso upang makapunta sa italy.

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now