27

1.1K 16 0
                                    

"Ito ba yung anak ni Ace?" Tanong ni Nemesis habang nasa isang guest room kami ng mansyon.

Limang taong gulang na lalaki ang mahimbing na natutulog ngayon sa kama. Wala siyang sugat o ano man. Siguro ay maganda talaga ang trato sakanya ni Azheaya at Gael. And besides, may kalaro din naman siya dito.

May pag kakahawig ang hitsura nila. Mula sa mata, ilong at bibig. Ang iba ay hindi ko mapamilyaran, siguro ay namana na niya ang iba sa nanay niya.

"Oo, siya si Francis Axel Lustivera. Pamangkin ko..." sabi niya. "Anytime susugod satin si Ace. So be ready. Kayo na muna bahala sa bata, may lakad ako." Dagdag pa nito at tumango kami.

Nasa sala kami at kumakain ng chichirya ng bumaba ang bata, si Francis. Sino kaya nanay nito?

"Who are you and where's my tita?" Tanong niya saamin. Jusko, kaugali niya si Ace!

"English spoken, Nemesis.." sabi ni Leto. "Labanan mo bilis!"

"The tita of you is go outside and we are the powerpuff girls!"

"Tatlo lang ang powerpuff girls..." sabi ni Artemis.

"Alam ko, ikaw si Mojo Jojo." Umirap si Nemesis at ngumuso naman si Artemis. Kahit kailan talaga.

Halata naman na nagtataka ang bata sa sinasabi nila. Nakataas ang kilay nito at parang hinuhusgahan ang buong pagkatao namin.

Grabe.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. There, we saw him. He's furious and ready to kill us. I just smirked. We all smirked.

"Daddy!" Nakangiting tawag ni Francis kay Ace at yinakap ang ama. Yinakap naman pabalik ni Ace ang anak at hinalikan sa noo.

"Mabait ba sila sayo?" Tanong ni Ace at tumango ang bata.

"Yes they are. Especially your sister, tita Azheaya." He said. "Tapos na po ba work niyo? Uuwi na po ba tayo?" He didn't answer his child, he looked at me. Nag iwas ako ng tingin.

"Ayaw mo na ba kasama si tita?" Biglang sulpot ni Aphrodite sa likod ng kapatid. Nagulat si Ace at mukhang hindi inaasahan.

"I want po," sabi ni Francis at yinakap ang tita niya. Binuhat ito ni Azheaya.

"We should talk, Azheaya." Madiin na sabi ni Ace at ngumisi si Azheaya.

"Sure. Kuya." Ganoon na lang kadiin ang "kuya" niya. Binaba niya si Francis at sinenyasan kami na bantayan ulit ang bata. Tumango kami at hinayaan mag usap ang dalawa. Inalok ko siya ng chichirya ko at kumuha naman siya.

Saglit na katahimikan ang namayani saamin at tanging tv lang ang maingay.

"Galit ba si Dad kay tita?" Biglaang tanong niya. Lahat kami ay napalingon sakanya.

"No," Artemis said. "They're just like that..."

"Oo nga pala, asaan mommy mo?" Tanong ni Leto. Oo nga, asan mommy niya.

"She's dead." He said, nagulat kami. Her mother is dead?

"Bakit siya namatay?" Tanong ni Nemesis.

"I killed her." Malumanay na sabi ni Francis. Parang nagtayuan ang balahibo ko. Ang bata pa niya para pumatay... parang ako.

"You see, Dad is controlling us. He is hurting my Mom, my Mom will cry every night. One day he ordered me to kill Mom and I did. I want my Mom to rest. My Mom is... tired." He said. "I'm aware that all of you are member of Mafia, so as my Dad. My Dad wants to take everything under his control. I know all of his plans. From his Mother, Father, his brothers, to you guys..." he looked at us. "And especially to tita Azheaya. I know everything."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora