18

1.1K 19 1
                                    

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa ganoong kilos ni Nash. Ako lang ba ang nakapansin o may iba pa? He's acting weird.

I stayed up all night because of that. It's already 5 am, nagugutom na ako.

"Bakit hindi ka natulog?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Aphrodite. Tumayo siya sa kama at tinali ang buhok. "Tara, bili tayo almusal." Tumango ako at kinuha ang jacket ko bago sumunod sakanya.

Tahimik lang siya habang nag lalakad. May iniisip siya at meron din ako.

"Stay away from Ace, kayo ni Nash." Bigla niyang sabi kaya nagulat ako. Pinag sususpetsyahan niya rin ba ang kapatid niya?

"Ano ang ibig mong sabihin?" Kunwaring tanong ko. She just sighef and didn't bother to answer my question.

Pumasok kami sa Jollibee at umorder na si Azheaya. Naghihintay lang ako sa isang upuan at nag cecellphone. Nagulat ako ng may maglagay ng isang pirasong papel sa harapan ko. Naka jacket siyang itim at facemask para matakpan ang mukha niya.

"Sino ka?" I asked ng talikuran niya ako. He didn't answer at nag patuloy lang sa paglakad paalis. Binuksan ko ang nakatuping papel.

He's a traitor and should swing.

The letter said. Napakunoot ang noo ko. What does this mean? Traitor? Who?

Could it be...

"Tara na?" Tanong ni Azheaya at dala ang order. Tumango ako at tinulungan siya sa iba. Tinago ko ang papel at phone ko sa bulsa ng jacket.

Nakabalik kami sa room ng 5:30 AM at naabutan namin si Artemis na umiinom ng tubig.

"Pagkain!" Masiglang sigaw niya at tumakbo papalapit saamin para kunin ang iba. "Hoy, bangon! Kakain na daw!"

"Tanginamo wag ka maingay," inis na sabi ni Nemesis.

"Oo nga ang aga pa gago," sabi naman ni Leto. Si Hera ay dahan dahan na bumangon at kinusot ang mata. Lumapit siya saamin at tinulungan kami sa pag aayos.

"Hera, puwede ba na katukin mo sila kuya?" Tanong ni Azheaya.

"Oo naman..." nakangiting sabi ni Hera at lumabas na ng kuwarto.

"Hindi kayo babangon dyan?" Tanong ni Azheaya sa dalawa. Kay Nemesis at Leto.

"Five minutes na lang!" Sabi ni Leto.

"Ayaw ko pa..." sabi naman ni Nemesis.

"Don't make me count," nagbabanta ng tinig ni Azheaya na agad na ikinabangon ng dalawa.

"Whoo! Thankyou lord for new morning!" Sabi ni Nemesis at nag uunat.

"Amen!" Sabi naman ni Leto. Siraulo. Napailing na lang ako.

Maya maya pa ay pumasok na si Hera kasama ang mga lalaki na nakapikit pa rin, may tuyo pang laway at magulo ang buhok. Napatingin ako kay Nash, mukha siyang zombie.

"Kumain na kayo," sabi naman ni Aphrodite. Lumapit ako kay Nash at kiniss siya sa pisngi bago alalayan.

"Goodmorning love," sabi ni Nash at hinalikan ang ulo ko.

"Goodmorning." I said, smiling. Sabay sabay kaming nag almusal at sa sahig kami naupo lahat. Napansin ko na wala pa si Ace.

"Asaan si Ace?" Tanong ko.

"Ah naliligo pa daw," sabi ni Lenuel habang puno ng pagkain ang bibig. Tumango na lang ako.

"Puwede bang," si Aphrodite. "Hangga't maaari, wag niyong sasabihin kay Ace yung plano natin?"

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now