Special Chapter 1

1.4K 22 3
                                    

I really hate mondays.

Padabog kong pinatay ang alarm clock ko at nag taklob ng kumot. Gusto ko pa umidlip ulit! Saglit lang! Mga 3 hours ganon. Hindi ako mapakali sa pwesto ko. Naghahanap ako ng komportableng pwesto para makatulog ako ulit. Pero wala!

Bumangon na lang ako sa kama at nag push-up. Naging morning routine ko na mag push-up pag kagising. Pinagbawalan na ako ni Mama 'non, baka raw makasama saakin.

Pagkatapos ko mag push up ay nag punas ako ng pawis at naupo sa kama. Kinuha ko ang phone ko. Napangisi ako ng makita ang text niya. Hmm. She's amusing. I'm enjoying to annoy her.

[Francis! Hindi ka nanaman pumunta dito sa bahay kahapon. Ayaw ko na nga maging tutor mo! Malaki kana gago.] Amora texted. I laughed.

Mama asked a favor to Amora, kung pwede raw ba ako itutor sa Math at Science. I am actually very good at it. Tamad lang ako. Walang pinanganak na bobo sa mga Lustivera.

I am a Guerrero but I can't deny that I am still Lustivera by blood. They said blood is thicker than water. I still don't know if that's true.

Maya maya pa ay kumatok na si Maci sa pintuan ko.

"Kuya Axel, kain na daw!" Sabi niya. "Kuya, gising kana ba?!"

"Yes, I'm awake now! Maliligo lang ako, mauna na kayo." Ani ko. Maci Dorothy S. Guererro, our youngest. She's the most understanding one. And she has a lot of patience. Just don't get into her nerves. She in 9th grade.

She has the nerdy type and bookworm in school. She is a pretty girl. Maraming nagkakagusto sakanya pero walang nag lalakas loob dahil bantay sarado namin sila ni Zach. At isa pa hindi rin sila pasado sa standards ni Maci.

"Okay! Make it fast!"

Tumayo na ako at naligo na. Habang naliligo ay nag ring ang phone ko. Amora is calling. 6:30 pa lang ng umaga pag sasabihan nanaman ako. Pinatay ko ang shower at sinagot ko 'to.

"Hel-"

[Hoy, kung hindi lang nanghingi ng pabor saakin si Ate e hindi ako papayag na turuan ka!] There she goes again.

"Amora Anise, mamaya mo na ako pagalitan, naliligo ako." Sabi ko. Tumahik naman siya sa kabilang linya. Narinig ko ang pagtikhim.

[Dumaan ka dito, sabay tayong pumasok.]

"Where's Manong Jan?"

[On leave for 3 days.] Then she hang up. Napangisi ako.

We're the greatest enemies in Leicester. Kaming dalawa palagi ang representative sa mga debate sa Leicester. She never won. And I'm telling you, I'm not a gentleman to let her won like that. It's beyond me.

Pagkatapos ko maligo ay nag bihis ako agad at nag blower ng buhok. Nag pabango na rin ako at nilagay ang bag sa balikat ko bago bumaba.

"Took you half an hour, huh?" Mama kissed my cheecks. "Where's your brother?"

"I don't know." Sabi ko at naupo sa mesa saka uminom ng gatas.

"Maci, did you call your Kuya?" Tanong ni Papa. Nag fist-bomb kaming dalawa and he went to Mama to kiss her head.

"He is not in his room, Papa." Sabi ni Maci.

Bumukas ang pinto at pumasok si Zachariah, pawisan at may dalang bola. He went to play this early in the morning, huh?

"Yow people, magandang umaga!" Bati niya. He is always like that. Siya ang sumunod saakin. "Goodmorning Kuya." Bati niya at aakbayan sana ako pero lumayo ako.

He is Zachariah Due S. Guererro.

"Bro, you stink! Maligo kana!" Sabi ko. Inamoy niya ang sarili at ngumuso.

"Morning Ma. Pa, yow, pogi mo ah."

"Anak, maligo kana muna ha. Ang asim mo." Sabi ni Mama. Tumawa kami. Binato niya saakin ang bola at umakyat sa taas. Pinagulong ko naman ang bola sa kung saan.

Pag katapos ko ay naupo muna ako sa sofa. Hinihintay matapos ang dalawa kong kapatid.

I scrolled to my fb account. I saw Zach's post. It's his mirror shot in bathroom with his caption.

'Ito ang goodmorning mga, pips.'

Zach is one of the popular guy in Leicester. Hindi lang dahil sa varsity captain siya ng basketball he is also handsome. Kahit na ganoon ay hindi niya ugali pumatol sa kani-kaninong babae. He is in 11th grade.

I liked his photo and commented.

'Make it fast.' He reacted it wow react and he replied.

'Yun oh, stalker.' Napangisi na lang ako.

After 30 minutes ay bumaba na rin si Zach. Bagong ligo. Hindi man lang nag suklay oh blower ng buhok. Tumayo ako at humalik na sa pisngi nila Mama at Papa.

"We will go ahead." Sabi ko.

Humalik na rin silang dalawa at binilinan ako ni Mama. "Drive slowly, ok?"

"Yes Mama. Love you." Sabi ko. Sumunod silang dalawa saakin sa garahe. Sa backseat sila laging naupo. Ewan ko rin kung bakit. Binigay ko kay Maci ang bag ko. Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na kami.

"Dadaan natin si Amora, sasabay siya saatin." Sabi ko sakanila.

"Kuya, bakit hindi mo pa idate si Ate Amora?" Tanong ni Zach.

"I don't like her." And she's too young for me.

"Weh?"

"Oh, shut up." Sabi ko. Tumawa naman siya.

Nakarating na ako sa bahay nila at lumabas ako ng sasakyan. Pumasok ako sa loob. She's sleeping in the sofa with her uniform on.

Kinuha ko ang phone ko at pinicturan siya. I chuckled. Tinago ko na ang cellphone ko at binato siya ng unan sa mukha. Nagising siya agad at biglang tumayo kaya nauntog ang ulo niya sa baba ko. I groaned when she stepped on my foot.

"Oh my god, sorry! Bakit kasi ang lapit mo!" Hinawakan niya ako sa braso.

"You really like to step on my foot, Amora. Damn it." I said. Nakagat niya ang labi niya.

"Sorry." Aniya. Napabuntong hininga ako at hinatid na siya sa sasakyan. Binuksan ko ang shot gun seat at naupo siya roon. Sinara ko ito bago umikot sa driver's seat.

Amora Anise Sirene. She's 20 years old while I'm 23. I'm taking Business Administration. She's taking Fashion Designing.

As expected nag ddrawing nanaman siya sa sketch book niya. She always do thag whenever she stepped on my foot.

We reached at the School at sabay-sabay kaming lumabas. Maci gave me my bag and we walked.

Naghiwalay na kami ng daan. Medjo malayo ang collage building sa highschool building dito sa Leicester.

Hinatid ko si Amora sa room niya. They always think that we're some sort of a couple. But we're not. I don't even like her.

"Sabay tayong uuwi mamaya, hindi ka sumipot kahapon." Sabi niya. Papasok na sana siya sa room niya ng hilain ko siya sa pulsuhan at isinandal sa pader.

She has a fair skin. Pointed nose. Long and straight hair. Pinkish cheecks and red lips. She's 5'6 and I am almost a 6 footer.

"W-What?" She asked. She's always tensed when she's with me. I fucking hate it.

"Friday, Saturday, Sundays are the days you only need to teach me." Sabi ko. I licked my lips. "Bakit ako pupunta sainyo mamaya? It's monday."

"Edi h'wag! Mag hanap ka ng iba mong tutor lintik ka!" Aalis na sana siya ng hinawakan ko siya sa bewang. She's shock.

"I don't need new fucking tutor, Amora. Ikaw lang kailangan ko."

"Nakakasawa yang ganyang ugali mo! Pagod na ako, ayaw ko nang turuan ka!"

"Like I care?" I whispered. Napalunok siya. I lifted her chin when she looked down.

"It's you that I want, Amora. Ikaw lang."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now