32

1.2K 19 1
                                    

"Huwag kana mag salita..." sabi ko. Tinalikuran ko na siya at binuksan ang pinto. "Wala na akong pake sa sasabihin mo..."

"I'm sorry." Iyon ang huling narinig ko bago ko siya iwan doon. Napapikit ako. Tatlong lalaki na ang trumaydor saakin.. si Ace, si Dad... si Samuel. Tangina. Hindi ko na alam gagawin ko kapag pati si Nash ay trinaydor ako.

Mabilis kong hinanap si Azheaya at nakita ko siya sa gilid ng hagdan nagsindi ng sigarilyo. Naupo ako sa tabi niya. Hindi ako nag salita. Hindi ko alam sasabihin ko. Matalik kong kaibigan si Samuel, kaya naman, nasaktan ako sa nalaman ko. Lalo na ng malaman ko na... misyon lang ako.

Naputol ang katahimikan ng mag ring ang phone ni Azheaya. Kinuha niya ang phone at sinagot ang tawag.

"Oh ano? Ha?! Ay tanga. Habulin niyo yung sasakyan! Hindi talaga nag iisip yung batang 'yon! Habulin niyo si Artemis, bilis!" Sigaw niya. Narinig ko ang pangalan ni Artemis kaya kinabahan ako bigla. "Cazzo, andiamo!"

Ano daw?

Mabilis siyang tumakbo pabalik sa kwarto ni Samuel kaya naman sumunod ako. Tinanggal ni Azheaya ang sigarilyo sa bibig at napaatras ako ng pasuin niya ang hita ni Samuel gamit ang sigarilyo. Sumigaw si Samuel sa sakit.

"Tell me where they are." Malumanay na sabi ni Azheaya.

"Hindi!" Sigaw niya. "Aphrodite, mamamatay ako-!"

"Mamamatay ka din sa kamay ko kaya bakit mo pa patatagalin? Sa tingin mo ba walang balak si Ace na patayin ka? Kayo? Laruan lang kayo para sakanya... wag kang tanga."

"A-Azheaya..." tawag ko sakanya at hindi niya ako nilingon.

"Alexandra, sinasabi ko sayo, pag nakita kong may isang galos si Nash at Artemis bago tayo makadating don," nilingon niya ako. Ngayon lang ulit ako natakot sa mga mata niya. She's giving me chills that no one can. "Papatayin ko siya."

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Azheaya. Nawala ang tingin ko sakanya ng may marinig na sumabog. Binuksa ni Azheaya ang pintuan at nakita niyang may sumabog na isang room sa may bandang baba.

Ang cctv room...

"Ace, you son of a bitch!" Sigaw ni Azheaya. Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan. "Greek, ayos lang ba kay- ano?! Shit! Pakshet!" Binato niya ang phone niya at nasira iyon. Napatingin siya kay Samuel. "Babalikan kita."

"A-Anong nangyayri?" Tanong ko sakanya. Tumingin siya saakin at bumuntong hininga.

"Puntahan mo ang cctv room, tignan mo kung andoon ang Phantom. Hahanapin ko ang Greek."

"S-Sige..." tumalikod na ako at nag simulang mag lakad ng mag salita pa siya, dahilan upang lumingon ako.

"M-Mag... mag iingat ka." Aniya at tumakbo paalis. Habang tumatakbo ako ay biglang nag vibrate ang phone ko. May nag send saakin ng isang vid. Ayaw ko sana panoorin dahil wala akong oras pero dahil sa kuryusidad ko ay pinanood ko pa din.

Pinindot ko ang play button habang tumatakbo. Napahinto ako sa pagtakbo ng marinig ko ang sigaw ni Nash sa video. Nakaupo siya sa isang upuan at may nakapulupot na lubid sa katawan niya at nakatali siya sa kisame dahilan para lumutang ito sa ere at nagpapagewang gewang.

Kahit madilim ay kitang kita ko ang mga sugat na natamo niya. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng mawala siya at ang dami na agad nangyari. Umusbong ang galit na nararamdaman ko at naitapon ko din ang phone ko.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng inis at takot na sobra sobra pa sa nararamdaman ko. Dumiretso ako sa cctv room at nakita ko na itong silid lang ang sumabog. Malaking problema kapag buong building ang pinasabog nila.

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now